Raphael "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid, Raph," pamimilit niyang saad. Kanina pa kami nagtatalo dahil dito. Kagagaling lamang naming mag-umagahan sa Mcdo. Nagpupumilit akong ihatid siya ngunit talagang todo ang pagtanggi na ginagawa ni Liegh. Ayaw man niyang sabihin, mukhang ayaw niyang makita ako ng mga katrabaho niya. "Why not?" muli kong tanong at nagpupumilit. Natytuwa akong makitang natataranta siya. Gustong gusto ko siyang asarin. Napakaganda niya kapag sumisimangot siya. Manang na manang. Ang bebe kong manang. "I can give you a ride, Liegh hanggabg sa trabaho," pinal kong desisyon. "Huwag na nga, malapit lang naman na rito ang trabaho ko. Isang sakay na lang ng bus. Umuwi ka na rin para makapagpahinga ka na," sabi niyang ikinataas ng kilay ko. Is she's for real? Ayaw

