"Are you nervous?" tanong niyang tatawa na palingon-lingon sa akin. "Hindi ah!" matigas kong tanggi nang lingunin niyang muli ako. Kakaparada lamang niya sa parking lot ng West Edmonton mall. Ngumisi siya sa akin kaya inirapan ko siya. Sino ang hindi nenerbiyusin? Bakit sa West Edmonton mall pa niya gustong pumunta? Baka mahuli ako at may makakita sa akin na katrabaho ko. Phone in sick per nasa mall.at gumagala! Sinong maniniwala? "Don't worry, bibili lang tayo ng damit mo. Tapos aalis rin tayo agad." "Ha?" kunot noo akong napalingon sa kanya. Natatawa siyang hinila ako at hindi sinagot. Nalula ako noong pumunta kami sa isang mamahaling store. "Raphael! Hindi ko afford dito," asik kong hinila ang pagkakahawak niya sa palad ko. "Hindi naman ikaw ang bibili," saad niyang hinarap ako

