Liegh Nagulat ako sa biglang it pagsunggab ni Raphael sa labi ko. Ngunit hindi ko naman mapigilang hindi tumugon. Para siyang posporo na inapuyan ng mainit ang nanlalamig kong pagkatao. Awtomatikong napayakap ang mga kamay ko sa batok niya kajit basa 0a iyon mula sa paghuhugas. Maging siya ay humigpit ang pagkakahapit niya sa beywang ko. Napatigil nga lamang ako sa pagtugon nang maramdaman ko ang bagay na bumubukol sa kanyang shorts at bumubunggo sa aking tiyan. Mataas si Raphael at nasa halos tiyan ko ang kanyang harap. Bahagya niyang kinagat ang aking labi bago niya tuluyang lubayan iyon. Ang labi niya ay napunta sa noo ko. "Huwag kang matakot sa naramdaman mong bukol ko. Normal lang iyan lalo na sa lalaking may kasamang magandang bebe," malalalim ang hugot niyang bulong. Tila nahih

