Lulan kami ng kotse ni Rafael. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Alam ko naman na wala siyang pakialam, kaya laking gulat ko nang dumaan kami sa isang clinic para ipatingin ang natamo kong sugat. Malalim ang pagkakabaon ng kuko ng kapatid ko dahil sa gigil at galit sa akin. "Hindi na kailangan..." "May balat ka ba sa puwet? How lucky of you this day!" galit niyang bulalas. Ewan ko kung bakit ba nagagalit sa akin. Dahil ba hindi natuloy ang meeting dahil sa akin? Ginusto ko ba na bigla na lang sumulpot ang tinuring kong ina at guluhin ako? "Get out! Ipalinis natin iyan and the one that was burned..." anas niyang padarag na lumabas sa kanyang kotse at padabog rin iyon na sinara. If Raphael was a pain in the ass sa pagiging makulit! Ang twin brother niya ay mas masakit sa ulo dahil sa

