22

1334 Words

"Naghintay agad ako ng jeep dahil kailangan ko nang makauwi. Ngunit sadya yatang minamalas ako. Dahil halos walang nagpapasakay sa'kin. Dahil punuan rin ang mga jeep. Parang ang labas ko'y maglalakad ako pauwi sa bahay ni Kulugo. Mayroon tumigil na jeep sa harapan ko kaya nagmadali akong sumakay paloob. Sumiksik talaga ako. Mabuti na lang talaga at maliit lang akong babae. Halos liparin ko patungo sa elevator. Sana'y wala pa si Demon. Sure akong madadag-dagan na naman ang aking kasalanan. Galit na nga ito sa'kin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa itong magbukas at bumungad sa'kin ang mukha ni Demon. Na halos gustong magbuga ng apoy. Tumabingi tuloy ang labi ko. "Ganyan ka ba talaga, Kieth? Bungad agad nito sa'kin. Alam mong mayroon ka nang asawa pero kong saan-saan ka nagpupunta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD