"Ganyan ka ba talaga, Kieth?" O talagang ganyan ang ugali mo? Asik niya sa'kin. "Oo! Ganito talaga ugali ko! Ngayon alam mo na?" Akin na 'yung susi dahil uuwi na ako sa magulang ko! Hiyaw ko sa mukha nito. "Fine! Galit na sabi nito. Nakita kung binuksan niya ang pinto. "Pwede ka nang umalis! Turan nito sa'kin. "Lalong sumama ang loob ko dahil pinalalayas na ako ni Kulugo. Pero hindi ako iiyak sa harap nito. Taas noong tumingin ako rin. Kukunin ko lang mga gamit ko, turan ko." "Pinili ko lang 'yung mga gamit ko na ako ang bumili! Iniwan ko 'yong mga binili nito para sa'kin. Lumabas akong ng dressing room. Nakita kong nakatungo si Kulugo habang hinihilot ang noo. Tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto. Dumaan ako sa sala nakita ko pa nga yung picture namin ni Demon. Hindi na ako babalik

