Cullen
"So, you're saying that she's back and you were her son's nanny now?" tanong sa akin ni Latin habang nasa isang cafe kami kung saan may palaruan ang mga bata doon.
Tumango ako sa kanya.
"Are you out of your mind? What about your feelings? Naku, Cullen baka bumalik lang siya to have her revenge to you?" tanong niya sa akin.
"The pay is good. Thrice the sum kesa sa sahod ko sa office. Alam mo naman kung gaano karami ang aking mga utang, best," sagot ko sa kanya. "This will help me a lot and about my feelings, isinantabi ko muna. Ang mahalaga sa akin ay matapos na lahat ng bayarin ko," sagot ko sa kanya. .
Tumitig siya sa akin.
"Are you sure? Kasi parang kahapon lang sinabi mo habang umiiyak na kapag may chance na maging kayo ulinni Sage, iga-grab mo iyon because you love her. Mukhang malabo yata ang sinasabi mong isasantabi mo muna ang feelings mo," sabi niya bago hinigop ng kape.
"I'll try. Okay? Kilala ko ang sarili ko. Hindi ako magpu-push if I feel that I'm not wanted. Ganoon lang iyon kasimple. Kahit pa magtatabling ang puso ko kung ayaw na talaga, tigilan na. Baka masaktan lang uli kao," sagot ko sa kanya.
"Hmmm," aniya.
"Mama!"
Sabay naming nilingon ang batang tumawag sa akin.
"Mama, look Kai made a new fwend," nakangiting sabi sa akin ni Kai habang hawak ang kamay isang batang punit-punit ang damit at halatang batang lansangan. Marumi ang mukha ng bata bukod sa mataba pa ito ay may diperensya pa ang kanyang mga mata. He's probably the same age as Kai.
He reminds me of me when I was still young.
"Really? So what's your friend's name?" tanong ko sa kanya at saka pinaghila siya ng upuan.
Nakita kong hawak-hawak nito ang kamay ng bata at saka siya na mismo ang humila ng upuan para rito. Amused na amused si Latin sa nakikita.
"Halatang may dugong Middle eastern si Sage. Kagwapong bata, best," sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya
"She is at saka sobrang ganda ng tatay niya." sagot ko bago ko sinuklay ang mahabang buhok nito.
"He's name is Eon, Mama" sagot ni Kai sa akin. "And Eon doeshn't hab family Mama. Kai told Eon to stay with us," sagot niya sa akin.
Napatingin ako kay Latin.
"But your daddy won't allow it, Ka," sagot ko sa kanya na awang-awa sa bata. I know what he is and why his heartless parents left him on the street. He's a recessive omega like me. I can see it from him. Kung ayaw pumayag ni Sage sa kagustuhan ni Kai, I'm adopting this kid. Because I knew how it felt to be recessive. And he needed some love.
I admit, I see my young self to the kid.
In the world we live in, when you are an omega, it's either you are born lucky or the lowest. Dominant omegas are rich, classy and beautiful that every alpha cherishes. If you're born a recessive, kabaligtaran ito sa katangian ng dominant even though when they reached eighteen, nagbabago naman ang physical appearance nila but still can't rival with dominant. Kung baga, wala pa sa kalahati. At masuwerte ka na kung may alphang magkamaling umibig sa iyo.
Napabuntong-hininga ako.
"Daddy will say yesh to Kai, Mama," tigas na sabi ni Kai bago nilagyan ng pagkain ang pinggan ni Eon na inilagay ko sa kanyang harapan. "Daddy won't say no to Kai," aniya pa bago bumaling sa bata.
Inabot kami ng hapon ni Latin. Nauna lang siyang umuwi dahil naglambing ang kanyang asawa at anak na gustl raw nilang tikman ang luto niyang adobo habang kami naman nina Kai ay nakaupo lang sa bench habang naghihintay kay Sage.
"So Eon, ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya.
"Anim na po ako," sagot niya sa akin habang nakatingin sa kalsada na parang ito ang pinaka-interesadong bagay na nakikita niya.
"Nasaan ang parents mo? Nag-aaral ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko na po alam, tito eh. Kasi paalam ng nanay ko po, may bibilhan nya ako ng damit. Tapos po iniwan ko sa isang tabi. Hinintay ko po siyang bumalik ngunit hindi na po siya bumalik," sagot niya sa akin.
Nahabag ako sa sinabi ng bata.
"Bakit? Bakit ka iniwan? Anong alam mong dahilan?" tanong ko pa rin sa kanya kahit na alam ko na ang sagot.
Suminghot siya bago tumingin sa akin.
"K-kasi po sabi niya recessive omega raw po ako at wala daw po akong tulong sa kanya. Malas daw po kasi ang isang recessive omega," sagot niya sa akin.
Halos mabiyak ang aking dibdib sa narinig. Alam ko naman ang kapalaran naming mga recessive but to the point na iwanan ka ng sarili mong nanay? He's just a child.
"Saan ka ngayon nakatira?" tanong ko sa kanya.
"Kahit saan na lang po kapag naabutan ng gabi pagkatapos mamalimos po," sagot niya sa akin na para bang sanay na sanay na siya sa naging kapalaran niya.
For heaven sake, isang pa lang siyang musmos. Nangangailangan pa siya ng aruga ng isang magulang. Hindi dapat siya nasa kalsada. Hindi ko napigilan ang hindi mapaiyak.
"Gusto mong ampunin na lang kita?" tanong ko sa kanya.
Napatingin naman sa akin ito at si Kai.
"Mama? Are you serious abawt that? Eon and Kai will be brothers?" nanlalaking matang tanong Kai sa akin.
"Yes of course. Would you like that, baby?" tanong ko kay Kai.
"But Kai will marry Eon when Kai grow up, Mama," sagot niya sa akin.
Na-surprise ako sa sinabi ni Kai. Nakita ko ring seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Parang si Sage lang noong nagtagpo kami noon sa isang park. Kung saan nagsimula ang lahat.
The way his serious eyes, the way he looks at Eon is the same.
"But what about your dad? What if she's against it?" tanong ko sa kanya.
"Then Kai will work Mama. Kai will find a good job to save for Kai and Eon," sagot niya sa akin na determinado.
"Aw," nakangiting sagot ko sa. "Just be true to your words okay? Eon is listening at you," sagot ko sa kanya.
Tumingin si Kai kay Eon as if he's the most beautiful omega in his eyes, just like how Sage looked at me before.
"Kai pwamish Eon that when Kai grows up, Kai will marry you Eon," sabi niya rito.
Nakita kong nag-blush si Eon. At tanging tango na lamang ang naisagot niya rito.
Maya-maya ay may biglang humintong sasakyan sa harapan namin.
Dumungaw si Sage sa kanyang sasakyan sa amin.
"Daddy!" nakangiting bati ni Kai sa kanya.
Hindi sinasadyang nahagip ng aking paningin ang isang napakagandang lalaki sa passenger seat. Bahagya itong tumingin sa akin at umismid at tumingin sa akin na mula ulo hanggang paa.
Binalewala ko ito at saka pinagbuksan ng sasakyan si Kai.
"Get in Kai. Eon and I will go somewhere," sabi ko sa kanya.
"Go shamwhere without Kai? No, mama. Kai will go with you," sagot ng ni Kai na akmang ihahakbang na sana ang kanyang mga paa paakyat sa sasakyan.
"And where do you think you are going with that kid?" tanong sa akin ni Sage.
"I have to buy him new sets of clothes," sagot ko sa kanya na kay Kai ako nakatingin.
"And who's that kid by the way?" tanong niya.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga titig kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.
"I decided to adopt him," sagot ko sa kanya at saka pinasakay si Kai sa loob ng sasakyan. "Listen Kai, we'll tomorrow alright?" sabi ko sa bata.
Nag-isip ito sandali bago tumingin kay Eon at ngumiti ng buong tamis.
"Otay. Kai will see you Mama and Eon tomowow," sabi niya bago yumakap sa akin at hinagkan ako sa pisngi bago isinara ang pintuan ng sasakyan.
"You need to come in my house at six in the morning sharp," paalala ni Sage bago pinasibad palayo ang kanyang sasakyan.
"Sino po iyon, tito?" tanong sa akin ni Eon habang naglalakad na kami upang maghanap ng mabibilihan ng damit.
"Tatay iyon ni Kai," sagot ko sa kanya.
"Nanay rin po ba niya iyong nakatabi sa tatay niya, tito?" tanong niya.
Umiling ako lalo na noong nakita ko kung gaano kaganda ang omegang iyon. He must be Sage's current partner.
"Hindi Eon. Patay na ang mama ni Kai," sagot ko sa kanya.
"Ah akala ko po kayo ang nanay ni Kai."
"Hindi. Nagtatrabaho lang ako sa kanila. Ako iyong titingin sa kanya kapag nasa trabaho ang tatay niya," sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin.
"Kung ganoon po ay wala kayong anak?" tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman. Kaya kita aampunin," sagot ko sa kany. "Pero maliit lang ang bahay ko ha? At konti lang din ang gamit," sagot ko sa kanya.
"Ay wala pong problema sa akin iton, tito," sagot niya sa akin. "Sanay naman po ako sa hirap at matulog sa malamig na semento po kapag wala po akong makitang karton," sagot niya.
Hinaplos ng kung anong kamay ang aking puso. This kid deserved to be love. At ako na ang magbibigay sa kanya niyon. Maybe he is a bless for me. Magpapasaya ng malungkot kong buhay.
"Mama na ang itawag mo sa akin Eon. Huwag ng, Tito. Gaya mo rin akong isang recessive omega," nakangiting sabi ko sa kanya habang kumakain kami sa isang sikat na fast food chain.
"Talaga po? Thank you po, Mama," sagot niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya habang pinapanood siyang kumain. He really reminds me of my old self back then.