bc

INANGKIN NG DUKE

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
family
HE
fated
opposites attract
friends to lovers
arrogant
princess
stepfather
royalty/noble
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
musclebear
like
intro-logo
Blurb

"Iparamdam mo sa akin. Iparamdam mo sa akin na hindi ako nag-iisa sa laban na ito."

Bawat paghinga ni Prinsesa Seraphina sa malamig na hangin mula sa dagat ay napapalitan ng init sa bawat pagdaiti ng mga labi ni Duke Valerius. Nakakulong ang Prinsesa sa pagitan ng malamig na pader ng balkonahe at ng matigas, maselan na katawan ng pinakakinatatakutang Heneral at Regent ng kaharian.

Ipinangako ng Duke sa kanyang ama na protektahan siya, ngunit habang humihigpit ang palad nito sa manipis niyang baywang—na nagdudulot ng paghihina ng kanyang mga binti—nagbago ang lahat.

"Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Kung kailangang ibagsak ko ang kasunduan sa Vaeloria upang masiguradong ikaw ang mauupo sa trono, gagawin ko."

Sa isang mababang ugong mula sa lalamunan ni Valerius, tuluyang nawala ang huling natitirang kontrol ng Regent. Iniyukod ng Duke ang kanyang ulo at inangkin ang mga labi ng Prinsesa sa isang matindi, nag-aalab, at sabik na halik—halik ng isang Heneral na kumukuha ng kanyang pag-aari, puno ng taon ng pagtitimpi, matinding pagnanasa, at walang katapusang proteksyon.

Si Seraphina ang inagawan ng korona. Si Valerius ang makapangyarihang Heneral na dapat ay nagpapasunod sa kanya.

Sa isang palasyong puno ng lason, kasakiman, at lihim na pagtataksil , kakayanin ba nilang panatilihing lihim ang umaalab nilang pagnanasa? O ang kanilang lihim na pag-ibig sa ang mismong magpapabagsak sa buong kaharian?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: PAGBABALIK
Nagmamadali ang punong taga-silbi na si Parella na maglakad at binuksan ang malaking pinto. "Prinsesa Serpahina!" Mula sa pagkakatayo sa bintana ay lumingon si Prinsesa Serpahina. Ang panganay na anak ni Haring Theron na Hari ng Aveloria. "Parating na ho ang Duke," nakatungong dagdag ng taga-silbi. Nahawakan ni Serpahina ang ibaba ng kanyang damit. "Ang Duke?" ulit niya at kumislap ang mga mata. "Opo, kasama niya ang sundalo." Kinakabahan siyang ngumiti at agad na naglakad palabas ng kwarto. Awtomatikong sinundan siya ng hale-halerang mga taga-silbi. Ang Duke... Nagiging mabilis ang bawat hakbang niya habang hawak ang dulo ng damit para hindi madapa. Punong-puno ng sabik ang dibdib niya. Huminto siya sa entrada ng kaharian na may mataas na paghinga. Tiningala niya ang malaking pinto ng tarangkahan Aveloria, ang kanilang kaharian. Kumurap ang mga mata ni Prinsesa Serpahina nang marinig ang malakas at nagmamadaling yabag ng mga nagtatakbuhang mga kabayo. Mas naging mataas ang paghinga niya at hindi kumukurap na nakatitig sa tarangkahan. Hanggang sa tuluyang bumukas iyon. Kasabay nang malakas na hangin ay ang pagpasok ng napakaraming kabayo, sakay-sakay ang mga sundalo ng Aveloria. Kahit sa dinami-dami ng mga naroon ay isa lang napadpad ang tingin niya. Sa gitnang unahan kung nasaan ang namumuno sa mga ito. Nagsimulang tumibok ang puso niya. Naroon ang isang matipuno at mataas na lalaking nakasakay sa isang itim na kabayo. Nakasuot ito ng itim na unipormeng militar na may mga palamuting ginto, habang ang itim nitong kapa ay lumilipad sa hangin. "D-Duke Valerius," mahinang aniya. Si Duke Valerius Blackwood. "Ohoop!" huminto ang kabayo ni Duke, eskastong sa harapan ng kaharian. Nang huminto ang kabayo ay tumaas ang tingin ng Duke. Nagtama ang mata nila ng nasa itaas at pinagmamasdan siya. "Prinsesa Serpahina," anang ng Duke. Suot ng Prinsesa ang sang napakagarbong deep sapphire velvet gown na yumayakap sa balingkinitan nitong katawan. Ang makapal at kulay-gintong burda sa gilid ng bestida ay kumikislap mula sa malayo. Sa ibabaw ng kaliwang dibdib nito, nakakabit ang kumikinang na selyo ng Aveloria, ang opisyal na palatandaan ng maharlikang pamilya na nagpapatunay ng dugong bughaw at karapatan sa trono. Bumaba ang Duke mula sa kabayo nang walang kahirap-hirap. Inalis niya ang guwantes at tuluyang umakyat sa hagdan para makarating sa entrada ng palasyo. Sa sandaling iyon, habang pinanood ni Serpahina ang paglapit ng Duke ay sumikip ang dibdib niya. Ang puso niya ay mabilis na kumakabog. Na hindi niya kailanman naramdaman para sa kahit kanino. Bakit ganito? Napahawak si Seraphina sa sariling dibdib habang pinagmamasdan ang makisig na Duke. Tuwid na tuwid ang tingin nito sa kanya. Ang malapad ang balikat at umiigting ang panga. Ilang taon ding nawala ang Duke sa Aveloria, dahil ipinadala ito ng kanyang ama sa giyera sa Hilagang Hangganan. Masyado pa siyang bata noon nang umalis ito. Ang huling alaala niya kay Valerius ay ang isang nakatataas na lalaking napakabuti at napakaprotektado sa kanya, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama na palaging nakaalalay at nagpoprotekta sa kanya. Pero ngayon habang pinagmamasdan ang Duke na iisang hakbang na lang ang layo sa kanya. Ngayon niyang napagtanto na sa edad nitong apatnapu, mas lalong naging delikado ang kagandang lalake nito. Ang matigas nitong panga, ang maikling balbas na may bahid ng pilak, at ang malamig nitong mga matang kulay abo. Ang Duke ay isang ganap at nakatatakot na mandirigma pero napakagandang lalake. Nakaramdam si Prinsesa Seraphina ng pananabik habang palapit ito. Hanggang sa tuluyang magharap ang mukha nila. Ang kamay niyang nakakapit sa suot ay mas humigpit. "D-Duke Valerius," hirap niyang saad. Yumuko ito nang kaunti pagkatapos ay tinaas ang mukha. "Prinsesa Seraphina. Sampung taon din ang lumipas mula nang huli tayong magkaharap... Isang malaking karangalan ang makatayo muli sa iyong harapan, susunod kong Reyna." Maliit siyang napangiti. Tumalon ang puso niya nang marinig ang salitang susunod kong Reyna. Pakiramdam niya ay nag-init pa ang mga pisngi niya kaya tumanaw siya sa malayo. Si Duke Valerius naman ay hindi magawang kumurap habang pinagmamasdan ang maliit at kaamo-among mukha ng Prinsesa. Prinsesa na noon ay binubuhat niya lang at nakikipaglaro. Ngayon ay isa na itong ganap na babae, magandang babae. "Bagaman halos hindi na kita makilala," patuloy ng Duke sa mas paos na boses. "Ang batang minsang tumatakbo sa hardin at nagtatago sa likod ng aking kapa ay wala na. Ang nakatayo sa aking harapan ngayon ay isang ganap na babae na handa nang maging Reyna." Kumurap ang mga mata ni Seraphina at dahan-dahang sinalubong ang mga mata ni Valerius. "Ganoon din ako, Duke Valerius. Noon ay wala ka pang bahid ng puti sa iyong buhok, ngunit ngayon ay mayroon na. Gayumpaman," humakbang siya para okupahan ang natitira espasyo sa pagitan nila. Tiningala niya ito. "Hindi pa rin nababawasan ang iyong kisig." Naghinang ang mga mata nila. Ngumiti si Valerius, maliit na tumaas ang balikat ni Serpahina nang buhat sa mapang-akit niyang boses ay hinaplos ng Duke ang ulo niya. Tulad nang ginagawa nito noon sampung taon pa lamang siya. Napapakurap siya sa bawat haplos ng malaking palad nito sa ulo niya. Kung noong bata ay wala siyang nararamdaman sa haplos na iyon. Ngayon ay mayroong init. May kiliti. At may kuryente. Natigilan si Valerius nang pigilan ng Prinsesa ang palapulsuhan niya. Nagtama ang mata nilang dalawa. "Duke Valerius, " pormal pero malambot na pambungad ni Seraphina. "Simula ngayon, ipinag-uutos kong hindi mo na pwedeng haplusin ang aking ulo." Napakunotnoo si Valerius. Ibinaba nito ang kamay na hawak ng Prinsesa at maliit na yumuko. "Patawad, Prinsesa." Napatingin ang Duke sa bestida ng Prinsesa na nasa tapat niya. Nagtaas si Valerius ng mukha. Muli siyang napakunotnoo nang makita ang ngiti sa labi ni Seraphina. "Dahil ako ay dalawampung taong gulang na at isang ganap nang babae," patuloy nito habang ang mga mata ay titig na titig sa kanya. "Hindi na ako ang batang dapat mo na lamang haplusin sa ulo sa tuwing gusto mo. Kung hahawakan mo man ako. Kailangang nararapat na ito sa isang ganap na babae." Bumigat ang paghinga ni Valerius. Ang sampung taon ay may malaking pagbabago sa Prinsesa. Ang mga mata nito. Ngiti, kilos at boses. Marahang dumukwang si Serpahina sa tenga ng Duke. "At bilang isang ganap ng babae, mas marami na akong bagay na kakailanganin mula sa 'yo," bulong niya at hinarap ang Duke na tila nanigas. Ngumiti siya rito. "Muli, maligayang pagbabalik, Duke Valerius."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.8K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.0K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook