CHAPTER 26: "Masaya ako."

2319 Words
Wilson's POV Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong naman nila kami ng yakap. Para bang close na close ang family namin sa isa't isa. Nandito rin si lola maliban lang sa lolo ni Hetera, at least hindi na kakabahan si Hetera. "Mag dinner na tayong lahat. Sigurado akong nagugutom na ang mga bata." Nakangiting sabi naman ni lola, tuwang tuwa talaga siya na makita kaming magkasama ni Hetera. Palihim naman akong sumusulyap kay Hetera na tahimik lang at nakatungo ang ulo. Talagang hindi siya mapapansin ng tao kung gan'yan siya. Siya talaga 'yong babae na walang confidence sa sarili kahit na ang galing niya naman ngunit napaisip din ako dahil maaaring kaya siya gan'yan dahil sa pamilya niya, tsk. Nagtungo na kami sa dining room. Sa kanan kami pumwesto ng pamilya ko habang kaliwa ang pamilya ni Hetera na kung saan kaharap ko naman si Hetera. Habang si lola ay napapagitnaan namin. Mabuti na lang wala ang kuya ni Hetera, makakatingin ako ng malaya kay Hetera dahil kapag kasama niya 'yong kuya niya kung makatingin sa 'kin para akong kriminal. Habang isa-isang nilagay ang pagkain sa lamesa ay nagkwentuhan naman. "Hetera, kumusta na ang pakiramdam mo?" Sabi naman ni lola. "Okay naman po."  "Wala ka bang nararamdaman na masakit sa ulo mo, anak?" Nag-aalalang tanong naman ng mama niya sa kanya at tumango lang naman si Hetera. "Sinamahan ka ba ni Wilson sa hospital, Hetera?" Tanong pa ni lola na para bang walang tiwala sa 'kin. Malamang, lola. Galing lang kami do'n, eh. Tsk!* "Opo."  "Sabi ko naman sa'yo, lola. I got this." Sabi ko naman at natawa silang lahat. Anong nakakatawa do'n?* "Maganda 'yan. Nagkakamabutihan na kayo, anak." Kinikilig na sabi naman ni mama, siya lang talaga ang nakita kong masigla dito. "Mom." Naiinis na sambit ko. "Sayang naman at hindi kayo nakapag-aral ngayon ng sabay. Hayaan niyo may bukas pa."  "La, kaya naman kasi namin mag-aral." Sabi ko naman. "Mas mabuti po siguro na mag-aral na lang kami ng mag-isa para po makapag-concentrate kami." Sabi naman ni Hetera at sumang-ayon ako sa kanya. "Hetera." Narinig ko namang sabi ng kanyang tatay.  "S-sorry po." Napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtanto na iba rin ang pakikitungo ng tatay niya sa kanya.  "Makinig ka na lang, iho."  May magagawa pa ba ako?* Imbis na sagutin pa si lola nanahimik na lang ako. Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. "Everyone,' Pagpukaw naman ng atensyon ni lola sa aming lahat. 'Sana maging maganda at maayos ang magiging performance ni Wilson and Hetera sa darating nilang laban." Sabi niya sabay kuha sa basong may wine at itinaas ito sa ere. Tumayo naman kaming lahat at gano'n din ang ginawa. "To Wilson and Hetera!" Sabi nilang lahat. Napatingin naman ako kay Hetera. Nakangiti ka.* Nakangiti siya! May something talaga sa ngiti niya 'yong tipong napaka-genuine na sarap titigan. Ang gandang tingnan lalo na kapag nakita ko pa ang mga mata niya.  "Good luck, babies." Pumapalakpak pang sabi ni mama, tuwang tuwa sa aming dalawa. "Galingan niyo. Mayroon kayong apat na araw para maghanda." Seryosong sabi naman ni papa. "Kaya niyo 'yan!" Malakas naman ang fighting spirit ni tita, nanay ni Hetera. Gusto ko siyang tawaging tita, ba't ba? "Aja!" Nakatingin naman sa akin si Ate. Habang nanahimik ang tatay ni Hetera. "Thank you po." Nakangiting sabi naman ni Hetera. "Salamat." Nagpasalamat na rin ako. Matapos nila kaming kausapin ay kumain na rin kami. Akala ko magiging tahimik ang dinner namin pero naging masaya ito dahil nagawa pa nilang magbiro sa harap ng hapag-kainan lalo na't si mama at tita ang gumagawa ng paraan para panatilihing masigla ang usapan. Si papa at 'yong tatay ni Hetera lang naman ang seryoso. Hindi katulad doon sa Baguio na intense. Ibang iba talaga ang pamilya ni Hetera. Para bang lahat ay seryoso at dapat igalang lalo na 'yong lolo niya na ayoko namang gawin  Nang matapos ang dinner niyaya ko naman si Hetera na magpahangin sa garden namin. Pansin ko kasi na mahilig siya sa gano'ng lugar. Maganda pa naman tumambay do'n kasi malamig ang simoy ng hangin, makikita ang mga bituin sa kalangitan at makakapag-relax ka talaga dahil sa mga bulaklak ni mama.  Sa garden ni mama, mayroon siyang pinatayong gazebo at doon kami nagtungo para makaupo sa upuan. "Nagustuhan mo ba? I mean, 'yong view." Sabi ko sa kanya nang makarating kami. Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti niya habang pinagmamasdan ang kabuoan ng garden. "Oo, ang ganda." Sabi niya. "Ngayon lang yata kitang nakitang ngumiti na gan'yan katagal." "Oh?" Sabi niya at napatingin na sa akin. "Masaya ka ba talaga?" Tanong ko na nakatingin lang sa mga mata niya. Kung kaya ko lang tanggalin lahat ng hinanakit mo sa buhay ay gagawin ko.* Simula nang mangyari 'yong gabing 'yon napagtanto ko na napakasama kong tao. I'm so f*****g immature. Pinagsisihan ko na lahat ng mga ginawa ko sa kanya dapat hindi ako nagpadalos-dalos at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako gagawa ng katarantaduhan dahil hindi ko alam na baka 'yong pinagtitripan ko pala ay may malalim na pinagdadaanan, pinapalala ko lang lalo. Kakainin ako ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa taong 'yon dahil sa akin.  "Ngayon?' Tanong niya at tumango ako. 'Masaya ako," At tumayo na siya.  Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako."Mabait ka rin pala, noh?" At muling nagpakita ang ngiti sa kanyang labi dahilan para mapatitig ako do'n. "Wait, what?!" Sabi ko nang mapagtanto na ang tagal ko ng nakatitig sa pagmumukha ni Hetera. Napatayo na ako nang bigla niya na lang akong iwan. Anak ng tinapa! Gano'n na lang 'yon?* Napabuntong-hininga na lang ako at napaupo ulit sa upuan. "Siguro, wala namang masama na maging kaibigan si Hetera? Lalo na't madami akong gustong malaman sa kanya,' Wala sa sarili kong nasambit. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nakatingin sa langit. Hanggang sa pumasok na naman sa isip ko si lolo. 'Nasaan ka na kaya, lo? Buhay ka pa ba?" Naalala ko pa naman no'ng panahon na kinarga ako ni lolo kasama ang batang babae na hindi ko makilala. Napahawak naman ako bigla sa ulo ko nang bigla akong batukan ni ate. "Aray! Ano ba 'yan, ate! Moment ko 'to, eh!"  "Uuwi na sila Hetera! Para kang baliw diyan. Sino ba kausap mo? Multo?!" "Tsk! Mind your own business!" Sabi ko at tumayo na.  "Mauna na kami. Salamat sa masarap na dinner na inihanda niyo." Narinig ko namang sabi ni tita nang papalapit ako sa kanila. "Anytime, welcome kayo dito,' Nakangiting sabi naman ni mama. 'Bye, Hetera!" "Bye po, tita." Paalam naman ni Hetera kay mama at sa iba pa. Napatingin naman siya sa 'kin at muling ngumiti nang makita niya ako. At namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti rin habang pabalik na sa aking kwarto. Hetera's POV Pagdating namin sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Dali-dali naman akong nagpunta sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili ko. "Tama ba 'yong nabasa ko?" 'Kung kaya ko lang tanggalin lahat ng hinanakit mo sa buhay ay gagawin ko.'  Hindi ako makapaniwala! "Nababaliw na siguro ako." Sabi ko pa sa aking sarili habang tinatapik ng mga kamay ko ang magkabilang pisngi ko dahil ito'y namumula. Napailing na lamang ako sa aking mga naisip at napahinga sa kama. Nakakapagod pero totoong naging masaya ako kahit na ang bilis ng oras. Napaka-welcoming ng Bervara Family. Wala rin akong natanggap na sermon kay papa kaya naging mabuti ang pakiramdam ko. Sumandal naman ako sa aking unan at inilapat ang aking kamay sa dibdib kung saan tapat ng aking puso. Pinakiramdaman ko ang pagtibok nito. "Feeling ko talaga bumilis 'yong t***k ng puso ko nong nasa garden kami, eh!' Sabi ko naman sa aking sarili at kinuha ko ang unan at pinangtakip ito sa aking mukha saka do'n nagsisisigaw. 'No! Erase, erase!" "Wah! No!" Sigaw ko pa nang maalala muli ang sinabi ni Wilson at pinagbabato ang unan.  Napasabunot na lamang ako sa aking buhok habang nagsisisigaw pa rin dahil hindi ko na maintindihan ang puso't isipan ko lalo na 'yong nararamdaman ko sa aking tiyan. Ito na ba 'yong sinasabi nila na butterflies in my stomach? "Anak?! Hetera? Are you okay?" Sabi naman ni mama sabay katok sa pinto. Bahagya naman akong napatalon sa aking kama at muling napahawak sa dibdib. "Ma! Okay lang po ako!" Sabi ko naman habang inaayos na ang aking higaan. "Papasukin mo muna ako. Sure ka bang okay ka lang?" Nag-aalala pa ring tanong niya. Hindi ko naman siya pinagbuksan dahil baka magwala pa 'yong nararamdaman ko at hindi ko 'yon makakaya kung sakaling may masabi ako kay mama. "Opo, ma! Matutulog na 'ko, goodnight!" "O, okay. Goodnight." Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na si mama sa pintuan.  Kinabukasan naisip kong ilagay ang dalawang contact lens ko para makapagpahinga ulit ang aking mga mata at makaiwas na rin sa katangahan ko baka madulas na naman kasi ako. Bumaba na ako pagkatapos kong ayusan ang sarili ko. "Blooming yata ang anak ko." Sunod-sunod naman ang pag-iling ko. "Hindi po, ma." "Hay nako. Anak kita kaya alam ko, masaya ka ba kay Wilson?" "Ma, hindi po talaga." Umiiling na sabi ko pa rin. Bumuntong-hininga naman siya. "Oh, sige na, ihahatid na kita sa school." Sumunod na ako kay mama. Pagkasakay namin sa kotse ay hindi ko naiwasan na mag tanong tungkol kay papa. "Ma, si papa po?" "Maagang umalis dahil sinamahan ulit ang lolo mo sa Baguio." "Ah." Trabaho na naman pala.* "Kumusta naman 'yong grades mo?" "Okay naman po." "That's good. Keep it up!" "Thank you, ma." "Manonood kami ng laban niyo ni Wilson sa darating na friday na pala 'yon. Mamaya nga pala ay sabay kayong mag-aral ni Wilson. It's for your own good." Nakangiti pang sabi niya habang nakatingin sa daan. "Ma, baka naman kasi para lang sa kasal 'to na baka iniisip niyo na pumayag kami." Nakita ko naman na napabuntong-hininga siya. "I'm sorry, anak. Wala na kaming magagawa pa. Naisipan namin na ikasal kayong dalawa dahil para mapalakas ang business partnership ng dalawang pamilyang Lim at Bervara. Ang lolo mo at lola ni Wilson ang nag-isip ng ganito and we have nothing to do about it, buo na ang decision nila. Kami ay susuporta na lang kasama ang Peralla Family dahil isa sila sa mga stakeholder ng business natin." Tuluyan ng sinabi sa 'kin ni mama ang totoong pakay nila. It's all about money? It's all about that! Hindi niyo man lang naisip kung ano ba 'yong maramdaman namin dahil diyan! Iniisip niyo lang 'yong sarili niyo! About business! Paano kaming mga anak niyo? Ako, mom! Na anak mo! Wala ng magagawa? Totoo ba? Baka hindi niyo naman talaga sinubukan.* Hindi na ako nagsalita pa, nanatili na lamang 'yon sa aking isipan. Nang makarating na kami sa school ay nagpaalam na ako kay mama at bumaba na sa kotse. Pagkatapos ng flag ceremony ay dumiretso na ako sa classroom. Tiningnan ko ng mabuti ang upuan ko baka kasi may basa na naman at ayoko ng mapahiya. Wala namang basa.* Kaya naman umupo na ako at nagbasa na lang. Unti-unti na ring dumating ang mga kaklase ko. Muling umingay ang klase na natahimik naman ulit dahil dumating na sila Wilson. Bahagya akong napatingin sa kanila. Hindi ko naman inaasahan na 'yong mga mata ni Wilson ay nakatingin sa akin. Kaagad naman akong umiwas nang muling maalala ang nangyari kagabi sa garden. Wait! Ba't ko ba iniisip si Wilson? Hindi p'wede! May Reya siya! Si Reya ay para kay Wilson. Si Wilson ay para kay Reya. Tama, tama!* Dumapo naman ang tingin ko kay Brentt na nakatingin rin sa 'kin pero napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Si Reya na maganda talaga, Si Erika na hindi ko pa rin maintindihan, at si Carly na wagas kung makangiti sa akin. Okay na ba tayo?* Mayamaya pa ay dumating ulit si sir Pins para sa importanteng anunsyo. Bumati naman kami sa kanya. "So class, listen to me." Pag-agaw niya ng atensyon namin. Ang gulo kasi nila, eh lalo na sa pwesto nila Wilson. Magulo pa rin sila. Wala pa ring nagbabago puro asaran ang naririnig ko. "Why, sir?" Tanong naman ni Reya. "Well, thanks to Carly the president of disciplinary committee. Harold has been suspended for doing some stupidity to Hetera,' Sabi naman ni sir at lahat napatingin sa akin. 'Are you feeling well, Hetera?" "Yes, sir." Sabi ko. Pumalakpak naman ang lahat dahil sa magandang ginawa ni Carly na ikinagulat ko. "Salamat, Carly." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti na naman siya sa 'kin na sana nga totoo 'yon.  "Sure!" Sabi niya. "Carly, sasabihin ko na sana kay lola pero gusto ko munang makasigurado kung sino ba 'yong nag-utos sa kanya. Mukhang ikaw na pala ang gumawa ng paraan." Sabi naman ni Wilson. Hindi ko alam na gagawin niya 'yon. Habang patagal ng patagal nagbabago ang pagtingin ko kay Wilson. Hindi na siya katulad no'ng dati kahit na loko-loko pa rin siya, mabuting tao na siya. "Well, I'm the president of disciplinary committee. Kaya kong gawin lahat para sa ikakabuti ng lahat." Seryosong sabi naman ni Carly. Tama nga siya. Nabasa ko rin about sa school na 'to na kapag nasa disciplinary committee ka ay kaya mong gawin lahat for example kaya mong i-suspend ang isang student na may nilabag sa rules o may ginawang masama. Ang gagawin mo lang ay ibigay sa dean 'yong tungkol sa ginawa ng isang student at maaari na 'yong tanggapin.  "Kilala mo na ba kung sino 'yong nag-utos sa kanya?" Tanong pa ni Wilson. "Walang nag-utos sa kanya, siya lang 'yon." Sagot naman ni Carly. Bahagya naman siyang natigilan. "Seryoso? Ah, sabi na nga ba, eh!" "That's enough! Nandito pa ako, mamaya na ang usapan na 'yan!" Singit naman ni sir. Pilit kong inaalala ang nangyari kahapon. Bago ako mahimatay alam ko na tumingin muna ako sa mga mata ni Harold. Alam kong hindi ako nagkakamali na may nabasa akong may nag-utos talaga sa kanya ngunit hindi ko na maalala kung sino 'yon dahil tuluyan ng bumigay ang katawan ko. Kausapin ko man si Wilson tungkol do'n, alam kong hindi na mababago pa na suspended na si Harold at wala akong sapat na ebidensya.  P'wede naman si Erika? Or si Carly? Pero kay Erika wala akong makitang kahit anong masama tungkol sa isipan niya. Kay Carly naman na ayaw sa 'kin pero hindi pa rin sapat 'yon. Baka may iba pang tao na sinisiraan ako o gusto akong mapahiya. Kailangan ko talagang gamitin 'tong kakayahan ko ulit ng buong linggo or worst para malaman ko kung sino ba talaga ang dapat ma-suspend.* Kailangan kong magdoble ingat lalo na't sigurado ako sa aking nabasa sa isipan ni Harold. Ipagpapaliban ko muna ang problema sa kasal namin ni Wilson. Kailangan ko munang maghanda sa nalalapit na laban namin ni Wilson at kung sino ba 'yong misteryosong tao na 'yon. Paniguradong naipit lang sa sitwasyon si Harold kaya niya nagawa ang bagay na 'yon at dahil na rin sa impluwensiya ng nag-utos sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD