Wilson's POV
Bwiset! Kung kailan ako tumigil doon naman umatake 'yong iba katulad ni Harold na masyadong papansin. Nakakainis! Mas lalo tuloy akong napapalapit kay Hetera na ayoko namang mangyari.
Nang masalo ko si Hetera hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, binuhat ko na siya. Bwiset kasi 'yong bola hindi ko na nasanggi pa dahil sa gagong Harold na 'yon, malilintikan talaga ang lalaking 'yon sa 'kin.
Nang makarating kami sa clinic kaagad ko siyang hiniga sa kama.
"Wilson? Anong nangyari kay Hetera?' Gulat na gulat namang tanong ni Dr. Elva, 'Kanina lang nagpunta na siya dito tapos ngayon naman, ano?"
"Nasapul ng bola."
"Sino naman ang may sala?"
"Si Harold. Bwiset nga, eh. Ako ng bahala do'n."
"Sabihin mo na lang sa lola mo."
"Hindi na. Hindi naman ako gagawa ng gulo."
"Aba'y ipinagpipilitan mo talaga."
"Of course. I can do anything, doc." Ngumisi pa ako sa kanya.
"P'wede ka ng bumalik sa klase mo. I-excuse mo na lang si Hetera, ako ng bahala." Sabi niya habang tinitingnan naman ang kalagayan ni Hetera.
"Okay, thanks." Sabi ko. Lalabas na sana ako nang magsalita pa si doktora.
"Ngayon ka lang nagpasalamat sa akin ng ganyan. Nagbabago ka na ba, Wilson?"
"Never." Ngumisi ako at lumabas na.
Masama bang magpasalamat? Buti nga nagpasalamat ako, eh.* Well, hindi talaga ako nagpapasalamat, depende na lang sa taong kausap ko.
Matapos kong sabihin kay ma'am ang kalagayan ni Hetera ay hinayaan niya na akong makalapit sa mga kaibigan ko. Next team na ang maglalaro kaya kaming mga nauna ay manonood na lang.
"Par!" Narinig ko namang tawag sa 'kin ni Von kaya nagpunta na ako sa pwesto nila.
"Kamusta na si Hetera?" Tanong naman ni Brentt nang makaupo na ako sa tabi nila.
"Okay naman." Sabi ko. Naiinis pa rin ako sa inasal niya kaninang umaga.
"Eh bro, anong gagawin ko? Baka ako ang tanungin nila tita kung bakit nagkagano'n si Hetera." Nag-aalalang sabi naman ni Von na para bang may ginawang masama.
Napabuntong-hininga naman ako. "Ako ng bahala do'n. Ako naman magdadala mamaya kay Hetera sa hospital kapag nagising na siya." Gusto ko ring makasigurado na maayos talaga ang kalagayan ni Hetera.
"Aba! Iba na 'yan, bro." At bahagya pa akong siniko sa tagiliran.
"P'wede naman na ako na lang?" Brentt.
"Hindi na. Ako ang inutusan." Seryosong sabi ko naman. Baka kasi kung ano pang gawin ni Brentt sa kanya.
"P'wede bang mag-usap muna tayo sa labas?" Naiinis na sambit niya kaya iniwan muna namin si Von.
Lumabas lang naman kami sa gym para mag-usap. "Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Akala ko ba?"
Napangisi ako, "Masyado ka namang excited. Hindi nga namin iniisip ni Hetera 'yon."
"Paano na lang kapag habang napapalapit kayo sa isa't isa, eh baka magulat na lang kami dahil kayo na?"
"Taena, bro!' Natatawa pang sabi ko, 'Alam mo na gusto ko si Reya."
Oo, si Reya lang.*
"Alam mo rin na gusto ko si Hetera."
Ilang araw na akong nag-iisip kung anong p'wede kong gawin. Kung ano ba ang solusyon sa problema ko na kung saan wala akong masasaktan ngunit mas lalo akong naiinis kay Brentt dahil sa bagong ugali na ipinapakita niya sa 'kin. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan dahil sa nararamdaman niya para kay Hetera. "Edi sa'yong sa'yo na siya! Wala akong pakialam sa kanya. Ang ginagawa ko lang ay utos ng lola ko. Naiintindihan mo ba? At p'wede ba hayaan mo muna si Hetera? Dahil nasasaktan siya sa pinaggagawa mo! Ayaw mo naman na ma-turn off siya sa'yo, 'di ba?' Hindi naman siya nakapagsalita, natauhan yata. 'Oh, ano? Huwag mo akong ginaganyan, Brentt. Kilala mo ako." Bwiset, pinapalala ko lang ang problema. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang katotohanan na ayoko siya para kay Hetera.
"Just stay away from Hetera."
Hindi ko na alam! Ang gulo-gulo!* Naikuyom ko na lamang ang kanang kamay ko at do'n itinuon ang galit ko saka tinalikuran na siya at iniwan. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niya dahil baka iba pa ang lumabas sa labi ko.
Pagkabalik ko sa loob ng gym, last game na nila. Tinabihan ko naman si Von. "Par," Tawag ko sa kanya.
"Anong nangyari, par? Para kayong nagkakaroon ng world war z ni Brentt, ah."
"Hindi ko siya maintindihan. Para bang napaka-possessive niya kay Hetera."
"Well, for the first time 'yan, bro. Tingnan mo naman si Carly ang tagal niya ng minamahal si Brentt kaso etong si Brentt, waley pa rin." Umiiling na sabi pa nito.
"Pag-ibig nga naman."
"Pero, par baka nga kapag nakita ni Brentt 'yong mga mata ni Hetera ay baka lumayo si Brentt sa kanya, eh."
Alam nga niya.* "Mata?" Patay-malisya ko naman.
"Ah, ano wala." Nadulas, amp* Mabuti na lang ako ang nakausap niya.
"Kakausapin ko pa mamaya si Harold. Papansin masyado 'yon, eh." Binago ko naman ang usapan.
"Sasamahan pa ba kita? Kaya mo na 'yan."
"Kaya ko naman talaga. Ikaw na lang muna ang bahala kay Brentt.' Sabi ko naman at tiningnan si Reya. Hindi ko naman inaasahan na makikita kong nakatingin din siya sa 'kin. Ang lungkot niya. 'Hays, hindi na kami gaano nakakapag-usap ni Reya."
"Si Hetera na kasi pinagtutuunan mo ng pansin."
Nanatili pa rin ang mga mata ko kay Reya habang siya ay umiwas na ng tingin sa 'kin. "Hindi naman," Tugon ko.
"Totoo 'yon, par."
"Kung totoo man, si lola ang may kasalanan.' Sabi ko at napabuntong-hininga na lang. 'Nalalapit na rin ang quiz bee kailangan kong manalo para naman maging proud sa akin si daddy."
"Ikaw pa ba? Kaya mo 'yan."
"Salamat, par. Kaso si Hetera." Sabi ko naman. Kilala ko na kasi ugali ng lolo niya paniguradong magagalit 'yon kay Hetera kapag hindi siya nanalo.
"It's your choice, par." Sabi naman niya at tinapik ang balikat ko.
Tumayo na kami para makapagpaalam na lahat kay ma'am. Tapos na kasi ang laro. Nang makabalik kami lahat sa room ay kinuha na namin ang bag namin para makakain na kami sa cafeteria. Sumabay sa amin 'yong mga girls. Tinabihan ko naman kaagad si Reya nang makarating kami sa cafeteria. Habang si Von at Erika na ang nagpresinta na bumili nang makakain naming lahat.
"Reya, okay ka lang ba?" Napansin ko kasi na kanina pa siya malungkot.
"Nag-aalala lang ako kay Hetera,' Oh dahil pala kay Hetera 'yon. Akala ko nagseselos ka dahil dinala ko si Hetera sa clinic.* 'Kamusta na pala pakiramdam niya?"
"Ayun, nagpapahinga." Sabi ko naman at tumango siya.
Ang tahimik namin ngayon.
"Rest in peace, guys! Ang tahimik niyo!" Bigla namang sumulpot si Von sa harapan namin. Nasa likod niya si Erika na may dalang drinks.
Nang makaupo na silang dalawa ay nagsimula na naming kumain.
"Ang tahimik pa rin. Ano bang meron?" Von.
"Namatayan kasi sila." Erika.
"Jeez. There's nothing wrong about silence." Seryosong sabi naman ni Carly.
"I need tissue." Natatawang sabi naman ni Reya.
"Gusto niyo mag-ingay? Ganto lang 'yan. Tutal wala naman si Hetera dito pag-usapan kaya natin siya?" Naging alerto naman ako dahil sa sinabi ni Erika.
"That's a bad idea." Von.
"Ang kj naman! May nalalaman kasi ako tungkol kay Hetera. Gusto niyo naman malaman, 'di ba?" Mas lalo tuloy akong nati-trigger na makinig kay Erika kung ano ba ang nalaman niya. Kaya naman nanatili akong tahimik.
"Not interested." Carly.
"Game ako riyan!" Reya.
"How about you, Brentt?" Tanong naman ni Erika. Tumango lang naman si Brentt, siya ang pinakatahimik sa 'min. Nag-away ba naman kami, awkward talaga.
"Eh, ikaw Von?" Erika.
"Bahala kayo." Von.
"And you?" Sabay turo sa akin ni Erika at tumango na lang din ako.
"Okay. Nalaman ko kasi na si Hetera ay palaging binu-bully because of her secret."
Secret?! Hindi yata maganda 'to!*
"What do you mean?" Tanong ni Brentt.
"Hey, Erika. Could you please stop?" Von.
Ano 'yon? May alam si Erika?!*
"So kj! Hetera is a---"
Nang tumunog na ang bell nakahinga naman ako ng maluwag. Niligtas ng bell si Hetera!
"Oras na para mag klase, tara na." Sabi ko naman kaya tumayo na kami at bumalik na sa classroom.
"Sayang.." Narinig ko namang sabi ni Erika.
Nilapitan ko naman si Von na para bang naiinis dahil sa inasal ni Erika kanina. Nakatingin kasi si Von kay Erika, ang sama ng tingin.
"Par, turn off ka na ba?" May halong birong sabi ko.
"Hays, par kung alam mo lang baka ako ang masisi dito dahil sa kapabayaan ko. Kainis kasi, eh ang daldal ko rin."
"Bakit? Ano 'yon?"
"Kinuwento ko kasi sa kanya 'yong tungkol kay Hetera."
Kaya naman pala, alam niya!* "Ano ba kasi 'yon?' Tanong ko sa kanya at para bang nag-aalinlangan pa siyang sabihin sa akin. 'Di ba ayaw mo naman sa pinsan mo? Eh, bat ka nagkakaganyan?" Sinubukan ko siya.
"Oo, ayaw ko sa kanya pero hindi magbabago na pinsan ko siya.' Seryoso niya namang sabi, 'Ayoko naman na ako ang maging dahilan para umalis dito si Hetera. Magagalit sa akin sila tita."
"Oh, eh ano nga kasi 'yon?" Gusto ko siyang subukan kung sasabihin niya ba sa 'kin o hindi niya na uulitin pa ang maling ginawa niya.
"Par, alam mong best friend kita, di ba?"
"Oo, bakit?"
"Sorry, pero kahit best friend kita hindi ko muna sasabihin sa'yo. Mahirap na, eh."
Napangisi naman ako. "Naiintindihan ko. Ikaw kasi, tanga! Kay Erika mo pa sinabi porket gusto mo lang." Natatawang sabi ko naman.
"That's the power of love, bro!" Natawa na rin siya.
Pagkatapos ng afternoon period ay excuse muna ako sa training kasi nga mag-aaral pa kami ni Hetera at dadalhin ko pa nga pala siya sa ospital. Dumaan muna ako saglit kay lola. Pinapasok naman ako ni Magi. "La!" Bungad ko sa kanya.
"Si Hetera." Sabi ko nang makalapit na sa kanya.
"Oo iho, alam ko. Sige na, puntahan mo na siya sa clinic gising na 'yon. Nasabihan ko na rin ang mga magulang ni Hetera na gagabihin ng uwi si Hetera."
"Ayun! Bye, grandma."
"Mag-iingat kayo."
Lumabas na ako sa Dean's office at nagpunta na sa clinic. Ngunit bigla naman akong natigilan sa paglalakad nang makita ko si Harold na naghihintay sa labas ng clinic.
Another fiucker!* Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Oy, Master! Hinihintay ko lang naman si Hetera, ang prinsesa ko." Loko, amp!*
"Gago! Lumayas ka nga sa harapan ko baka gusto mo patalsikin kita dito?"
"Ang lola mo lang ang may kayang gawin 'yan." At ngumisi siya.
Kailan pa siya nagkaroon ng lakas para tapatin ako? Dati, tatahimik lang siya sa tabi tapos ngayon nagagawa niya na akong kalabanin. Nagbabago ba talaga ang mga tao?
"Pwes! Ako mismo ang magsasabi sa kanya. Alam ko naman na sinasadya mo ang lahat. Kaya umalis ka na dito baka masapak pa kita." Binantaan ko na siya, gagawin ko talaga kapag hindi niya ako sinunod.
"Edi wala akong makukuhang pera kung hindi ako successful ang inutos sa 'kin?"
"Anong sabi mo?!" Unti na lang, unti na lang. May masasapak ako ngayong araw!
"Inutusan lang naman ako." Ngumisi siya.
"Sino naman ang nag-utos sa'yo?"
"Hulaan mo?" At humalukipkip siya habang nakataas ang isang kilay.
"Taena mo!"
"Next time na lang!" Sabi niya at tumakbo na papalayo sa 'kin.
Maghintay ka lang, malalagot ka sa 'kin.* "Walang kwenta." Sabi ko naman at napakuyom na lang ang kanang kamay ko dahil sa namumuong galit. Sino naman kaya ang nag-utos sa kanya? Ano naman ang atraso ni Hetera sa kanya?*
Tuluyan na ako pumasok sa clinic at nadatnan ko si Hetera na kumakain ng lugaw. Nilapitan ko naman siya at nanlaki ang mata niya nang makita ako sabay takip bigla ng unan sa mukha niya.
Napangiti naman ako. "Nakita ko na 'yan," Sabi ko. At gusto ko pang makita ulit.*
"Oh! So, Wilson knows about your eyes, Hetera." Singit naman ni Dr. Elva.
"Tanggalin mo na 'yan." Sabi ko naman at unti-unti nang tinanggal ni Hetera ang unan sa mukha niya.
Ang ganda naman kasi talaga ng mga mata mo dapat diyan ipakita at ipagmalaki sa mundo.*
"Salamat.." Sabi naman niya at napaiwas ng tingin sa 'kin. Para siyang bata kapag nahihiya.
"Para saan?"
"Sa lahat."
"Tsk! Tara na nga sasamahan pa kita sa hospital." Sabi ko naman at inalalayan na siyang makababa sa kama.
Inayos niya muna ang contact lens sa mata niya at napansin ko na isa lang ang gamit niya. Bakit?* pagkatapo nagbihis na siya pang-academic uniform.
"Mag-iingat kayong dalawa." Nakangiting sabi naman ni Dr. Elva at ako naman tumango lang.
Nang makalabas na kami sa clinic. Dumiretso na kami sa parking lot.
Pinasakay ko na siya sa kotse. "Mag seat belt ka." Sabi ko at ginawa naman niya.
"Si mama?"
"Wag kang mag-alala, alam nila." Sabi ko naman at pinaandar na ang kotse.
"Ah, salamat."
"Okay ka na ba?" Muli kong tanong sa kanya.
"Yes,' Sagot niya. 'P'wede naman na mag-aral na lang tayo. 'Di ko na kailangan pumunta sa hospital."
"Kailangan. Kapag tinakasan kita grounded ako kay lola hindi pa ako makakalaro kapag hindi ko siya sinunod." Kahit na wala naman talagang sinabi si lola, ang totoo niyan gusto kitang makasama.*
"O-okay." At ibinaling niya na ang tingin sa kalsada matapos ko siyang sulyapan.
Nang makarating kami sa hospital pina-check up ko na siya. Para tuloy akong tatay niya.
"Boyfriend ka po ba niya?" Tanong naman ng nurse.
Hindi pala tatay! Boyfriend, amp! "Hindi, kaklase niya ako." Sabi ko naman.
"Kaibigan ko po." Sabi naman ni Hetera.
Wow! Kaibigan, tsk!*
Naghintay lang ako sa labas ng kwarto habang abala ang doktor at nurse kay Hetera. Napapahikab na ako dahil ang tagal nila at magdidilim na.
Nang bumukas na ang pinto ay napatayo na ako. Tapos na!
"Oh, anong sabi?" Sabi ko at lumapit na kay Hetera.
"Okay naman. Naalog lang daw ng kaunti 'yong ulo ko."
Bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niya. "Ah, mabuti naman. Tara na?"
Tumango na lang siya sa 'kin. Habang papunta kami sa parking lot ay nagtanong na ako kay Hetera dahil kanina ko pa 'to naiisip. "Wala ka namang kaaway, 'di ba?"
"Wala naman. Umiiwas naman ako sa kanila para walang gulo."
Edi sino 'yong nag-utos kay Harold? P'wede naman siguro na si Harold lang talaga 'yon? Pinalabas niya lang na may nag-utos sa kanya?*
"Sa tingin mo sinadya ba 'yon ni Harold?" Tanong ko pa habang malalim pa rin ang iniisip.
"H-hindi ko alam."
"Mag-iingat ka na lang." Paalala ko naman sa kanya.
"Salamat."
Nang makasakay na kami sa kotse pinaandar ko na 'to. Bigla namang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko muna 'to bago magmaneho.
"Hello, ate?"
"Bilisan mo na. Nandito ang magulang ni Hetera."
"Ano?! Sige sige. Sabihin mo papunta na kami."
-End-
Pagbalik ko ng phone ko sa bulsa ay hinarap ko naman siya. "Nando'n sa bahay namin ang mga magulang mo."
"Bakit daw?"
"Baka nag-alala lang sa'yo." Sagot ko naman at nag drive na.
"Paano kung magalit sila?" Ramdam ko naman ang kaba sa boses niya.
"Nandito naman ako." Seryosong sabi ko.
Hindi ako magdadalawang-isip na ipagtanggol ka.*