Perfect Daughter

2434 Words
Baybay ang daan patungo sa una ko na asignatura sa pang-umaga. Hindi ko ininda ang mga schoolmate at mga kaklase kong nagkakagulo at naghihiyawan sa kabilang bahagi ng malawak at malapad na school ground ng campus. And there, nakikita ko ang ugok kong bestfriend na si Tephany na nakisabay sa mga kababaihan na walang ibang pinupunterya kundi ang siga ng aming paaralan na walang ibang ginagawa kundi makipagbasagan ng ulo sa labas ng aming school campus. Tila ba ang mga kababaihan ay nahuhumaling sa lalaki at walang ibang bukang bibig kundi si Niccolo Adonis na nag-iisang anak ni Don Franco Whitlock isang Mafia Leader na sangkot sa mga illegal na gawain ng lipunan. Makapangyarihan at hawak sa leeg ang mga awtoridad. Napangiwing pinagpatuloy ko ang aking hakbang. Hindi ko pinansin si Tephany na tulo-laway na sinundan ng tingin si Niccolo. Hindi man lang alintana ng lalaki na nakabukas ang suot nitong uniporme na labag sa patakaran ng paaralan naming pribado. Nakasuot pa ito ng hikaw. Walang kasapi ng paaralan na nangahas na sawayin ang binata sa pagsuway ng patakaran ng paaralan dahil isa rin sa galamay ni Don Franco ang may-ari ng unibersidad. "Bella," rinig kong may tumawag sa aking palayaw mula sa likuran. Hindi ko pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa aking hakbang. Sigurado akong ang ugok kong kaibigan lang iyon. "Isabella Rose Garcia!" At hindi pa talaga nakontento at binigkas ang buo kong pangalan. Napinto ko ang hakbang na napahugot ng hininga. Pansin kong lahat ng mga mata ng estudyante ay nasa sa akin at pati na rin si Niccolo dahil sa sigaw ni Tephany. Tang inang Tephany! Ang pinaka-ayaw ko ay maging sentro ng atensiyon. Mas gustuhin ko na lang maging hangin o kaya multo na hindi nakikita at binibigyan diin ng mga tao. Tumakbo ang kaibigan ko't daling kinawit ang mga braso sa bisig ko. "Kanina ka pa?" nakangiting tanong ni Tephany. Magka-ibang magka-iba kami ng personality ni Tephany. She's a happy go lucky lady. Palangiti at masayahin-dinadaan ang problema sa ngiti at tawa at may supportive na mga magulang. "Kailangan mo pa talaga gumawa ng eksina para itanong sa'kin 'yan?" pabulong na sumbat ko sa kaibigan. Pasimpleng kinurot ang ko tagiliran ni Tephany. "Aray ko naman, Bella!" Pasimple ko ding ginala ang mata sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag at wala na ang mga mata na nakatuon sa akin at bumabalik na kay Niccolo ngunit hindi ang mga mata ng lalaki. Nanatili siyang nakatingin sa akin. His eyes were on my nerdy glasses and it was cold. Wala akong makapang emosiyon sa mga titig na pinukol niya. Nakapamulsa at makisig na nakatayo mga ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin ni Tephany. He's taller than an average 12th grader. Pareho kami na nasa huling taon na sa Senior high. Ang lalaki ay may malalapad na balikat, makikisig na pangangatawan at may hitsura... physically fit. Maliban sa mga katangian na nabanggit ko ay wala na akong magandang ilalarawan na katangian para sa lalaki. He's a delinquent yet he's popular to young girls in our campus. Hindi ako tuminag at nanatitiling nakatitig sa lalaki. And what strange was I felt my heart suddenly skips a beat as he kept his eyes on us. Parang tinaga ng mga titig niya ang kaluluwa ko. Napansin kong humigpit ang pagkakapulupot ni Tephany sa aking bisig at pabebeng ngumiti. "Tumingin si Niccolo sa 'tin, Belle," pumipiyok pa na saad na Tephany na halatang kinikilig ang singit. Inalis ko ang titig sa laki at pilit kong binalingan si Tephany na sa sandaling ito ay parang gusto na lang mangisay sa aking tabi. "OMG, I can't believe na tiningnan ako ni Niccolo!" Todo assume ng kaibigan ko. Muli kong binalik ang mata kay Niccolo ngunit ang likod na lang ang natanaw ko. Pasekreto kong binuga ang hininga kong kanina ko pa pinipigilan na sinundan ng tingin si Niccolo papalayo. "Kita mo 'yon, Bell? Hindi ako makapaniwala at pinagtuonan ako ng pansin ni Niccolo." Napabuntong hiningang nagsimula na akong humakbang uli. Si Tephany ay sumabay na nakakapit pa rin sa bisig ko. "Oh my God, I want to be his girl, alam mo 'yon," nangangarap ng gising ang kaibigan ko na sinabayan ang hakbang ko. "Ano bang meron sa lalaking 'yon at patay na patay ka, ha?" Kontra ko. "Ang guwapo kaya ni Niccolo-" "Kahit na gwapo! There's no good about him, Tephany!" "Ba't ba inis na inis ka kay Niccolo?" Inirapan ako ni Tephany. Pinagpatuloy namin ang mga hakbang. "Kung 'yon magiging boyfriend mo, itatakwil ko ang pagkakaibigan natin." Pinandilatan ko ang kaibigan. "Bella!" si Tephany na nakanguso. "Hindi mo nakikita ha? Walang ibang ginawa ang lalaking 'yon kundi pasimuno ng gulo!" Balitang-balita kasi sa buong unibersidad ang nangyaring rambolan ng grupo nila Niccolo at Sebastian. Si Sebastian na anak ng mayor ng lalawigan na wala ding ibang inatupag kundi ang tumambay sa kalye pagkatapos ng klase. Hindi lang unang pagkakataon ang binatilyo na nasangkot sa gulo kundi maraming beses na't hindi na mabilang pa sa pagkakatanda ko. "Eh, di naman kasalan nila Niccolo 'yon at sila ni Sebastian ang nauna," depensa ni Tephany sa crush. "Eh maski na, walang magandang idudulot ang Niccolo mong iyan kundi sakit ng ulo!" "Ikaw talaga, parang nanay ko, mag-enjoy ka nga sa buhay mo't nadadamay ako sa kaseryoso mo," kibot-kibot ni Tephany. Sumusukong sumunod na lang siya sa akin sa loob ng classroom. Nasa panghuling taon na ako ng Senior high at magkokolehiyo na ako sa susunod na pasukan. Kung pwede na bilisan ang panahon hiniling ko na sana para agad-agad magkaroon ako ng trabaho at bubukod ng tahanan na hindi na dedepende sa mga magulang ko. NATAPOS ang huling subject namin sa pang-umaga na natutulog lang si Niccolo sa likuran ko at ni-isang guro ay walang nangahas na sawayin ang lalaki at hinayaan lamang. Hindi ko maiwasang mangarap na sana magagawa ko din ang matulog sa klase pero hindi pwede at malilintikan ako ni mommy. Mabilis ang kamay na niligpit ko ang gamit ko. Plano kong magpunta sa library upang doon ko ipagpapatuloy ang takdang-aralin ko. Iniwan ko si Tephany na nakipagchikahan pa sa ibang kaklase. Mabilis ang aking hakbang at wala akong planong mananghalian. Aksidenting tumama ang paningin ko sa Top 10 list ng section namin na nakapaskil sa bulletin board. Napabuntong-hininga ako habang inangat ang paningin sa mga pangalan na nakalista. As usual nandoon ang pangalan ko sa top ngunit pumapangalawa lang ako... pumapangalawa lang ako kay Niccolo Adonis Whitlock. How can he able to be on top? Ni isang beses hindi ko naalalang nakikinig ang lalaki at sineseryoso ang pag-aaral. Mula naging kaklase kami simula Grade-7 ay palagi itong hindi nakikinig at natutulog lamang sa likuran. Ang saklap pagmay patimpalak ay palagi itong nangunguna at pumapangalawa lang ako. Samantalang ako sunog kilay bente-kuwatro oras. Memorya dito, memorya doon pero kahit anong gawin ko wala akong natatandaang natalo ko ang lalaki. Hindi ko rin masisisi ang mga punong guro na kahit lumalabag man si Niccolo sa patakaran ng paaralan ay hindi nila mabigyan ng karapat-dapat na disiplina. Isa kasi ito ang dahilan na mas lalong namayagpag ang paaralan namin hindi lang dito sa bansa pati na sa International nang manalo at naging champion ito sa patimpalak para sa buong mundo. Nasa ganoong punto ako ng pag-iisip nang marinig ko si Tephany. "Ba't mo ba ako iniwan?" humihingal na sabi ng babae na sinundan ang paningin ko na nakatuon sa top list. "See, perfect talaga ang mahal kong si Niccolo," buong pagmamalaki niya. Pilit na napaarko ko ang labi ngunit hindi iyon umabot sa mga mata ko. Tahimik na tinalikuran ko si Tephany. Sa loob ng library ay abala ako sa pag-a-advance study para sa lesson namin kinabukasan. Si Tephany nama'y sa halip unahin ang aklat sa harapan panay t****k. Hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman kami pareho. "Bella, punta lang akong banyo," paalam ni Tephany na tumayo at tumalikod. Naiwan na mag-isa ay pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral na hindi ininda ang mga estudyanteng naglabas masok sa loob ng library hanggang sa may na-upo sa kahanay ng inuupuan ko. "Hey, nerdy!" Pabulong na pukaw ng dumating na panauhin. Nilingat ko ang paningin kung sino. Nawindang ang ulirat ko nang makilala. Alfred? Alfred Reyes isang sikat din ng paaralan namin at walang ibang ginawa kundi magpa-iyak ng mga babae. Sa kabilang section siya nabibilang at gaya ko nasa panghuling taon na rin. Galing sa maempluwensiyang pamilya. Isang Business Tycoon ang ama na minsan naging kliyente ng aking ama na isang abogado. Bakit ba nandito ang lalaking 'to? Hindi ko pinansin at maingat kong sinara ang aklat na nakabukas. Akma akong tatayo nang biglang hinagip niya ang malaking salamin ko sa mata. Naiwan ang hubad kong hitsura na pilit kong tinatago sa likod ng malaking salamin. Hindi naman deperensiyado ang mga mata ko. I preferred that way at malayo sa kaguluhan. Napa-Ohh ni Alfred ang mga labi nang malayang nasilayan ang aking hitsura. Hindi pa siya nakontento at marahas na binaklas ang tali ng buhok ko't naiwan iyon na nakalugay. Lantad sa mga mata niya ang hitsura ko. Hindi ako nagsalita at naihilig ko ang katawan sa sandalan ng silya. "So-the nerdy Isabella Rose Garcia a daughter of Attorney Ismael Garcia hiding her beauty behind a nerdy personality, huh?" si Alfred na tumayo at dumukwang. Inilapit sa 'kin ang sarili na may pilyong ngiti sa labi. "A beautiful nerdy," dagdag pa niya na pumaypay ang hininga sa pisngi ko. Tinambol bigla ang dibdib ko dahil sa takot. At ang pinakaayaw ko ay ang pagtuonan ako ng pansin ng kahit na sino. Akmang iangat ni Alfred ang daliri papunta sa pisngi ko nang may tumikhim sa kahanay na mesang kinaroroonan namin. "You're disturbing my sleep, losers!" paos pero may diin na saad ang boses mula sa likuran ko. Bumulaga sa paningin ko si Niccolo na pungas-pungas mula sa pagkaka-idlip. May bahagi sa buhok nitong humiwalay ngunit tila nakakamagneto ang hitsura ng binatilyo. Naninigas na lang ako sa kina-uupuan ko. Mas lalong gusto kong maglaho sa eksina. Niccolo talked. I heard it. Exactly. Minsan lang kasi nagsasalita si Niccolo kung hindi man lang importante. Mabilis ang kamay ni Niccolo na inabot ang salamin ko na hawak ni Alfred. Kita kong napa-igik at nalukot ang mukha ni Alfred. 'Yon pala ay dinali at mahigpit na nakapulupot ang palad ni Niccolo doon. "Leave this nerdy alone, loser!" walang prenong utos ni Niccolo kay Alfred. Alfred hissed! Walang namutawing salita sa labi ni Alfred na tumalikod. Ako naman ay naninigas sa tinding kaba. I hate Niccolo of having a bad boy image but not until today. Bagot na binalik ni Niccolo sa akin ang salamin. "Leave, lady you're disturbing my sleep." Iyon lang at muli siyang na-upo at pinagpahinga muli ang ulo sa ibabaw ng mesa. MAINGAT kong tinulak ang bakud na bakal ng aming bahay. Alas sais na akong nakauwi mula sa paaralan. Mag-isang nagco-commute ako't nakasanayan ko na. Simula kasi nang magtapos ang nakakatanda kong kapatid ay pinatigil na din ni mommy si manong Tasyo na nakatalaga sana bilang tagahatid at sundo namin ni ate Rodalyn. Bago ko pa lang naihakbang ang paa ay bumulaga na sa'king harapan si mommy Evelyn. Pinagkrus nito ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Nakatayo sa lane ng bakuran namin. Halatang hinintay akong dumating. "Anong oras na, Isabella?" Nakataas ang kilay ni mommy na hinakbang ang paa patungo sa kinatatayuan ko. "M-May presentation po kasi kami, mommy." Nabubulol ako dahil sa takot. "Akala mo ba matutuwa ako sa sagot mong 'yan-natutong ka nang magdahilan. Presentation kamo'y mabuti sana kung top 1 ka, Isabella!" "Mommy-" "Bakit ba simpleng top 1 hindi mo pa magawa? Hindi ka gaya ng ate Roda mo palaging champion at top 1!" sumbat ni mommy Evelyn. Napatikom ko ang bibig sa narinig. Sa tanang buhay ko palagi niya akong kinukumpara sa ate ko. Si Rodalyn na halos perpekto sa lahat ng bagay. top 1, palaging champion sa mga patimpalak at pageant. Na bakit daw hindi ko magawang manguna sa klase na pareho naman ang pinapakain niya sa amin. At walang araw na hindi bukam-bibig ni mommy ang palaging 2nd placer ko. Ang ina kong si Evelyn Garcia ay isang simpleng may bahay ngunit galing sa isang broken-family. Ang mommy ay isang bastarda-anak sa labas ng lolo ko. Ang aking ama naman na si Ismael Garcia ay isang batikang abogado ng lalawigan. Walang ibang hangad si mommy kundi isang perpektong mga anak sa kadahilan na gusto niyang pananatilihin na maganda ang dignidad ng pamilya. Ayaw na ayaw ni mommy na isa sa amin ni ate na masangkot sa gulo. "Mommy, iyong lang talaga ang naabot ko. Pinag-igihan ko naman." Nangingilid ang luha ko sa mata. Hindi ko napigilan ang sarili at nasasaktan ako sa mga binabato niyang mga kataga. "Sumasagot ka pa!" Nilapitan ako ni mommy na bakas sa mukha ang galit sabay na dinuro ang ulo ko. "Sabihin mo bobo ka lang talaga, bakit hindi mo magawang maging top 1 na kaya naman ni Roda!" Mas lalong nanggagalaiti si mommy at sinabunutan ako. Wala sa oras na nahulog ko ang suot na salamin at malayang napasabunot si mommy sa buhok ko dahil hindi naman iyong nakatali. "Mommy, sorry po-" "Sorry? Anong magagawa ng sorry pag-hindi mo naman pinag-igihan, Isabella!" inis na dinuro niya ang sentido ko. "Pigain mo 'yang utak mo! Lalaki pa ang nangunguna sa klase n'yo at mula pa sa pamilyang walang ibang dulot kundi gulo sa lipunan!" "Mommy!" Pilit kong binawi ang sarili sa pagkakasabunot ng ina ko. "Bakit hindi na lang kayo masaya kung ano ang nakuha at naabot ko, mataas din naman ang marka ko." Sa unang pagkakataon sumagot ako kay mommy. "Bakit hindi pa rin sapat sa inyo ang pagpupursige ko, wala naman akong ginawa sa buhay kundi ang sundin ang gusto n'yo!" Dagdag ko pa na sumisingot. "Isabella, sumasagot ka na bata ka!" Pagkasabi ko niyon sa binagsak ko sa paanan ang dala kong napsack bag at tumalikod papalabas ng gate. "Isabella!" dinig ko si mommy. "Isabella, bumalik ka rito!" Ngunit hindi ko na pinakinggan si mommy at nagtuloy-tuloy na akong lumabas at malayang pinakawalan ang luha ko. Napinto ko ang hakbang nang bumulaga si Niccolo sa labas ng gate namin. Iisang subdivision lang ang aming tinitirhan at hindi malayong mapadaan ang binatilyo sa aming bakuran. Isang matalas na titig ang pinukol ko sa lalaki na sa sandaling ito ay napinto ang mga hakbang. Nakatuon ang mga mata sa gulo kong buhok at namamasang pisngi. "I hate you!" bulyaw ko sa lalaki at nilampasan. Tumakbo ako na hindi alam kung saan ako dadalhin ng paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD