bc

The Mafia Prince's First Love

book_age16+
402
FOLLOW
4.8K
READ
HE
badboy
brave
mafia
bxg
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Nagmula si Isabella sa isang angkan na nagpapahalaga sa dignidad at dangal. Iniiwas niya ang kanyang sarili sa gulo hangga't maaari, ngunit biglang may dumating na lalaki sa kanyang pintuan, duguan at naghihingalo. Wala siyang nagawa kundi tulungan ito. Nang maglaon, nalaman niya na ang lalaki ay mula sa angkan na kilala bilang "Sangue Onnipotente" Sicilian Mafia Gang. Si Adonis Whitlock ang walang awa na lider ng gang. Bumalik ang lalaki upang pasalamatan siya sa pagliligtas niya sa buhay nito. Gayunpaman, dumistansya siya dito, alam niyang nagmula ito sa angkan na walang dinadala kundi gulo sa lipunan. Ngunit ang lalaki ay matiyaga at umaaligid sa kanya hanggang sa unti-unting nahulog ang loob niya dito. Isang araw, hindi sumipot ang lalaki. Handa ba siyang ilagay ang sarili sa kapahamakan para makita ang lalaking inaasam-asam niya?

chap-preview
Free preview
Prologo
PASADO alas onse na ng gabi. Tupi ang tuwalya ay lumabas ako mula sa shower room. Tumutulo pa ang buhok ko nang maupo ako sa harap ng vanity mirror. Maingat kong inabot ang tuyong tuwalya upang tuyuin ang aking mahabang buhok saka binalabal doon pagkatapos. Pakanta-kantang sinabayan ko ang musika mula sa aking cellphone habang sinimulan ko ang pag-aaplay ng skin care sa aking mukha. Mula sa toner hanggang sa facial mask. Nakasanayan ko nang gawin 'to bago matulog. Setting my timer'n phone. Kampanteng tumayo ako na hinintay ang labing limang minuto upang tanggalin ang itim na face mask sa mukha ko. Tinalunton ko ang built in closet upang kumuha ng panloob at pajama-nang biglang malakas na kalampag ang umaalingawngaw mula sa labas ng aking maliit na apartment. Napasingasing ako nang marinig ko ang ingay. Pinilit kong hindi pansinin ngunit sunod-sunod na katok ang umaalingawngaw sa loob ng aking munting tahanan pagkatapos. Sino naman ang distorbo? Wala akong inaasahang bisita sa ganito kalalim na gabi. Muli na namang pumainlang ang katok. Walang nagawa ay lumabas ako ng silid at tinungo ang pinto na nakatuwalya lamang at may face mask sa mukha. Nakangusong mabilis ang kamay kong pinihit ang doorknob ngunit napatiuna ako sa bumungad sa aking pintuan. Nanlaki ang ako mga mata sa imaheng bumungad sa'kin. May matangkad at gwapong lalaking nakasandal sa door frame ng aking pintuan. Nakasandal siya doon na tila baga doon niya hinugot ang natitirang niyang lakas. Habang ginala ko ang mata sa imahe ng lalaki nakitaan ko ng mga marka ng pasa at galos ang kanyang gwapong mukha. Halatang galing sa sapakan at kaguluhan. Later, his face crumpled as if he was in pain, and he breathed heavily. "W-Woman." He groaned. His voice is deep. His brownish-green eyes were on my facial masked face. Pigil-hiningang nakatitig lang ako sa lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa buhol ng tuwalya. Muling umungol ang lalaki. Ang pinakawala niyang hininga ay nanginginig. Nalukot niya ang mukha. Kurap-kurap na ginala ko ang buong paningin sa kabuuan niya. May dugo na pumapatak papunta sa sahig. Sapo ang tagiliran na walang humpay ang dugo sa pag-agos. "Woman, let me in!" usal ng lalaki na kasama mabibigat na hininga. Akma niyang iusad ang paa papasok sa apartment ko'y kusa na siyang nawalan ng balanse at nabuway. Bumagsak sa harapan ko at nawalan ng malay. Humugot ako ng hininga ta's binuga. Sinundan ko ng tingin ang lalaking nakahandusay sa paanan ko. Napatsk ako, kalmanteng umatras. I saw my indoor-cute bear slipper stained with f*****g blood. What I hate is to run into trouble. Hangga't maari ay iniwasan ko ang kaguluhan. And here I am, facing it right now with a handsome young man at my doorway!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook