CHAPTER ELEVEN

2017 Words
THIRD PERSON Isang linggo ng nakaabang si Rafael sa labas ng building ni Marlyn ngunit kahit anino ng dalaga hindi niya nakita. Bawal na rin kasi siya sa labas ng building. Kaya nasa kabilang kalsada siya at nasa loob lamang ng kanyang sasakyan naghihintay. Ngayon din ang huling araw ni Rafael sa Switzerland dahil tinawagan siya ng kanyang secretary na kailangan niya nang bumalik sa Pilipinas. Dahil may kinakaharap na problema sa kanyang kompanya. Hindi naman pwedi pabayaan ni Rafael dahil nakahihiya naman sa pamilya Castro kung ma lugi ang kompanya. Dahil kung hindi sa kanilang tulong hindi niya maibalik ang kompanya ng kanyang mga magulang. Nang dumating siya sa kompanya ni Marlyn parang nanliit nga siya sa kanyang sarili. Sobrang laki ng kanyang kompanya ni Marlyn at may body guard pa ito. Gustong-gusto niya na talaga makita at makausap sama si Marlyn bago siya bumalik ng Pilipinas. Nang umalis si Marlyn duon niya na realize na mahal niya talaga ito. Kaya ngayon sobra ang kanyang pagsisi kung bakit naging gago siya. Hindi maiwasan ni Rafael na tumulo ang kanyang mga luha. Dati hindi naman siya nakaramdam ng ganito kay Khala. Aaminin niya nasaktan man siya ngunit hindi ganito katulad ng sakit na naramdaman niya para kay Marlyn. Parang hindi niya kaya na hindi makita o makasama si Marlyn. Parang buhay siya ngunit patay ang katawan. Iniisip niya pa lang na aalis siya at malayo kay Marlyn parang hindi niya na kaya. Ngunit naisip niya rin na kahit masakit man kung hindi man talaga sila magkita ngayon. Kailangan niyang magtrabaho para mas lalo pang lumago ang kanyang kompanya. Gawin niyang inspiration si Marlyn sa araw-araw. Kung sakaling aalis man siya, hindi ibig sabihin susuko na siya kay Marlyn. Gagawin niya pa rin lahat para sa muling pagkikita nila ni Marlyn handa niya ng ipag sigawan sa buong mundo na mahal niya talaga si Marlyn. Samantala nagtaka na talaga ang Mommy ni Marlyn kung bakit isang linggo ng hindi umuwi ang kanyang anak. Kaya naisipan niyang puntahan ito sa kanyang opisina. Nagluto siya ng kate-kare na paborito ni Marlyn upang dalhin niya sa opisina. Nang maluto na, nag ayos na ang Mommy ni Marlyn upang puntahan ang kanyang anak. Nang nakapag bihis na siya, nag paalam muna siya sa kanyang Daddy at sinabi na bibisitahin lamang si Marlyn sa kanyang opisina. Pagdating ng Mommy ni Marlyn sa tapat nang building napansin niya ang lalaki na lumabas sa sasakyan na naka park lang sa kabilang kalsada. Parang pinoy kasi kaya naagaw niya ang attention ng lalaki. Ngunit hindi niya nalang pinansin dahil nagmamadali siya upang makita at kamustahan ang anak. Pagpasok niya sa loob ng kompanya. Narinig niya ang usap-usapan na kawawa daw ang lalaki dahil isang linggo ng nasa labas. Dahil sa hindi naman chismosa ang mommy ni Marlyn binaliwala niya lamang ang narinig niyang usap-usapan ng kanilang empleyado. Nang makita nila si Mrs. Amelia yumuko ang lahat at binati nila si Mrs. Amelia. Binati naman sila pabalik ni Mrs. Amelia saka dumiretso papasok sa elevator. Pag labas niya sa elevator nakita niya ang secretary ni Marlyn na busy sa kanyang ginagawa kaya hindi siya nito napansin. Kaya nang makatapat ito sa kanyang mesa tumikhim si Mrs. Amelia. Kaya medyo nagulat si Fiona. "Good afternoon ma'am. I'm sorry if I'm not notice you, ma'am." Magalang na wika ni Fiona saka tumayo ito at nag bow kay Mrs. Amelia. Ngumiti naman ang ginang at nagpaalam na papasok sa loob ng opisina ni Marlyn. Pagpasok ni Mrs. Amelia, nagtaka siya na hindi niya nakita si Marlyn sa kanyang mesa. Nilapag niya muna ang kanyang dala na kate-kare saka pinuntahan niya ang kwarto ni Marlyn upang tingnan kung naruon ang dalaga. Mabuti nalang hindi ito naka lock kaya nabuksan niya ang pinto. Nagulat si Mrs. Amelia nang makita si Marlyn na nanginginig habang nakapikit. Mabilis ang mga hakbang ni Mrs. Amelia upang lapitan si Marlyn. Sobrang kaba ni Mrs. Amelia nang hinawakan niya ang noo ni Marlyn. Sobrang taas ng lagnat nito at basa ng pawis ang buong katawan habang nanginginig. Kaya sumigaw siya ng malakas upang humingi ng tulong kay Fiona upang tumawag ng security para dalhin si Marlyn sa ospital. Sakto naman na nag-uusap si Rafael at isa sa security sa kompanya ni Marlyn. Sa isang linggo na pagtambay ni Rafael sa labas ng kompanya may nakilala na rin siya at naging mabait naman sila kay Rafael. Habang nag-uusap sila narinig nila na nagkagulo sa loob ng kompanya at maya-maya nakita nila na may lumabas na security habang may buhat na babae. Nanlaki ang mata ni Rafael ng makita kung sino ang buhat ng securit. Kaya kaagad siyang lumapit sa security para kunin si Marlyn sa lalaki. Nagulat naman si Mrs. Amelia sa ginawa ni Rafael. Naalala niya kanina na ito ang lalaki na nakita niya bago siya pumasok sa kanilang kompanya. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki ngunit ang tanging nasa isip niya ay madala kaagad si Marlyn sa ospital. Hindi na rin siya nag reklamo dahil kaagad naman ni binigay ng kanilang security si Marlyn sa lalaki. Mamaya nalang muna siya magtanong. Ang importante sa ngayon madala si Marlyn sa ospital. Sobra din ang pag-alala ni Rafael ng mahawakan niya si Marlyn. Sobrang taas ng lagnat at puno ng pawis habang nanginginig. Panay ang haplos ni Rafael sa pisnge ng dalaga. Naguguluhan man si Mrs. Amelia habang nakatingin sa lalaki na yakap yakap si Marlyn at minsan hinalikan niya ito sa noo. "I'm sorry Moo. I'm sorry sa nagawa ko. Kung ako naman ang dahilan kung bakit ka nagka ganito. Promise kahit masakit aalis ako. Kung 'yun ang gusto mo. Kung ayaw mo ako sa ngayon makita. I will respect it. I'm sorry, I love you Moo." Mahinang wika ni Rafael sa walang malay na dalaga na dinig na dinig naman ni Mrs. Amelia. Kaya mas lalo siyang naguguluhan. Na kung bakit nag I love you ang lalaki kay Marlyn. Hanggang sa makarating sila sa ospital. Kaagad naman na inasikaso si Marlyn at dinala sa emergency room. Pagkatapos ma maasikaso si Marlyn dinala na rin siya sa private room upang hintayin muna ang result ng kanyang test kung bakit siya nagkasakit. Pero ang unang findings ng Doktor sobra daw itong na stress, pagod at gutom. Ganun nalang ang pagka gulat ni Rafael at ni Mrs. Amelia. Hindi niya akalain na ganito na pala ang sinapit ng kanyang anak. "Hello, ma'am! I'm sorry kung hindi manlang ako nakapag pakilala sa'yo ng maayos kanina. I'm Rafael De Castro. I'm sorry kung ganito ang nangyari kay Marlyn. Pangako kapag okay na si Marlyn aalis ako at hindi na muna magpakita sa kanya. Mahal ko si Marlyn ma'am. Pero nakagawa ako ng isang bagay. Kaya sobra siyang nagalit sa akin. But ma'am I didn't mean it. I love Marlyn so much. But maybe this is not the right time for the both of us. Kahit gaano man ka tagal, kaya kong maghintay kung kailan niya ako kayang kausapin at patawarin." Magalang na wika ni Rafael. Sabay lahad ng kanyang kamay kay Mrs. Amelia. Kahit naguguluhan man si Mrs. Amelia dahil wala talaga siyang alam at walang sinabi si Marlyn. Namangha siya sa sinabi ni Rafael. Kaya ngumiti siya at tinanggap ang kamay ni Rafael. "Nice to meet you iho. I'm Amelia Omian. Mommy ni Marlyn. Paano at saan kayo nagka kilala nang anak ko?" Pagkuwan na tanong ni Mrs. Amelia kay Rafael. Kaya kweninto ni Rafael mula umpisa hanggang sa nagalit si Marlyn sa kanya. Nakikinig lamang si Mrs. Amelia sa kwento ni Rafael. Mabilis na gumaan ang loob ni Mrs. Amelia kay Rafael ngunit ayaw niyang pangunahan ang kanyang anak. Alam niya kasi na may galit si Marlyn sa mga lalaki na cheater dahil sa kanyang ama. Nakiusap din si Rafael na huwag sabihin kay Marlyn ang tungkol sa pinag usapan nila ni Rafael. At saka hindi ipaalam na sumama si Rafael dito s hospital. Dahil hindi naman magpa pakita si Rafael kay Marlyn. Kapag mabtiyak ni Rafael na maayos na ang kalagayan ni Marlyn babalik na rin siya sa Pilipinas. Dahil iniisip ni Rafael na baka nagka sakit si Marlyn dahil sa kanya. Naunawaan naman lahat ni Mrs. Amelia. Nag-usap pa silang dalawa habang hinihintay ang result. Maya-maya tumunog ang cellphone ni Mrs. Amelia kaya magpa alam muna siya kay Rafael na kailangan sagutin ang tawag ng kanyang daddy. Kaya lumabas muna si Mrs. Amelia upang kausapin ang kanyang Daddy. Paglabas ni Mrs Amelia. Lumapit si Rafael sa natutulog na dalaga. Hinaplos niya ito sa pisnge at mabilis na hinalikan sa labi. "I miss you, I love you, Moo. I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yo nuon. But believe me, hindi kita ginawang panakip butas. Aaminin ko, naguguluhan pa ako n'ong una. Pero n'ong umalis ka duon ko lang na realize na mahal na mahal talaga kita, Moo. I'm sorry kung nagkasakit ka nang dahil sa akin. Kung ito ang gusto mo na huwag akong makita at makausap. Gagawin ko, pero hindi ibig sabihin na susukuan na kita. Handa akong maghintay kung kailan mo ako kayang patawarin at kausapin. Basta masasabi ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito at mamahalin ko habang buhay. Sana mag-ingat ka dito at huwag ng magpa gutom. Sana ako parin, kapag maghilom na ang sugat sa'yong puso. I'm really sorry Moo." Naluluha na sambit ni Rafael habang kayakap ang dalaga. Ilang beses pa na hinalikan ni Rafael ang labi ni Marlyn. Ang hindi alam ni Rafael na dinig na dinig ni Marlyn ang lahat na sinabi niya. Gusto man na imumat ni Marlyn ang kanyang mga mata ngunit wala siyang lakas na kausapin si Rafael. Natatakot siya na baka sinabi lamang ni Rafael sa kanya dahil na gi-guilty siya. Ganito rin kasi nuon ang kanyang Daddy sa kanyang Mommy. Kaya nanatili si Marlyn na kunwari tulog pa rin. Naramdaman din ni Marlyn ang paghalik ni Rafael sa kanyang labi. Hanggang sa bumalik si Mrs. Amelia sa loob. Kaya umayos na ng tayo si Rafael saka nag-usap sila muli ni Mrs Amelia habang hinihintay ang Doktor na dumating. Pagpasok ng Doktor sinabi niya lamang na kailangan lang ng sapat na pahinga ni Marlyn saka sinabi ng Doktor na iwasan muna ang bagay na makapag pa stress sa dalaga. Pagkatapos mag-usap ng Doktor at ni Mrs. Amelia. Nagpaalam na rin si Rafael na babalik na sa Pilipinas. Dahil naisip ni Rafael dahil sa kanya naging stress si Marlyn. Kaya ayaw niyang maabutan siya ni Marlyn sa kanyang silid. "Take care of yourself iho. Sana kapag dumating ang panahon na handa na ang anak ko na kausapin ka. Gusto ko lang malaman mo na kahit ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala. Gusto kita para sa anak ko. Mag-ingat ka pauwi sa Pilipinas." Turan ni Mrs. Amelia. Kaya hindi maiwasan na tumulo ang luha ni Rafael. Bigla niyang naalala ang kanyang Mommy. Niyakap naman si ni Mrs Amelia Ng Makita siya na umiyak. Naawa rin kasi si Mrs. Amelia kay Rafael. Kaya plano niya rin kausapin si Marlyn kapag gumaling na ito. "Maraming salamat, Tita. Salamat sa pag tanggap sa akin. Pangako po, kapag dumating ang araw na mapatawad na ako ni Marlyn gagawin ko ang lahat maging kami hanggang dulo." Madamdaming saad ni Rafael. Sinabi Kasi kanina ni Mrs. Amelia na Tita nalang ang itawag ni Rafael sa kanya. Pagkatapos nagpaalam si Mrs. Amelia na lalabas muna siya para bigyan ng oras si Rafael na kausapin ang kanyang anak. "I love you, Moo! I will be going back to the Philippines. Please take care of yourself here. I will be gonna miss you. I'm sorry for what I did to you. I Love you so much, Moo!" Kausap ni Rafael kay Marlyn sabay halik sa labi ng dalaga. Ilang segundo pa na hinalikan ni Rafael si Marlyn hanggang sa nagpaalam na ito ng tuluyan. Pagka labas ni Rafael duon lang nag mulat si Marlyn ng kanyang mga mata at humagulhol ng iyak. Gusto niya sanang habulin si Rafael. Ngunit naisip din niya, na baka ito talaga ang naka tadhana para sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD