THIRD PERSON
Pagkatapos umiyak ni Marlyn sa pag-alis ni Rafael. Inayos niya ang kanyang sarili saka tumagilid ng higa. Para kung sakaling papasok ang kanyang Mommy. Hindi ito malaman na alam niya ang lahat. Habang si Rafael naman, tumagal pa ng ilang minuto sa labas ng silid ni Marlyn at duon umiyak. Dahil narinig ni Rafael ang pag-iyak ni Marlyn. Babalik sana siya ngunit nakita niya si Marlyn na bumangon at humagulhol ng iyak kaya dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Mabuti nalang hindi pa nakabalik si Mrs. Amelia kaya malayang umiyak si Rafael. Kahit na may makakita kay Rafael na umiiyak siya, wala siyang pakialam. Ang tanging gusto niya lamang ay mailabas ang sakit na kanyang naramdaman. Nang mapansin niya na hindi niya na narinig ang iyak ng dalaga. Dahan-dahan niya ulit binuksan ang pintuan. Duon niya nalang nakita ang dalaga na naka higa na ulit habang naka tagilid. Kaya kahit masakit sa kanyang damdamin kinalma niya ang kanyang sarili at sinara na ng tuluyan ang pinto.
"Good bye! for now, Moo! I'm gonna miss you. I love you forever!" Huling sambit ni Rafael bago tuluyan lumabas ng hospital. Paglabas niya, nag-abang siya ng taxi upang balikan ang kanyang sasakyan. Pagdating niya sa kanyang sasakyan nag byahe siya kaagad papunta sa bahay ng kanyang Tito upang kunin ang kanyang mga gamit. Pagkatapos nagpahatid na siya sa driver ng kanyang Tito papuntang airport.
Pagpasok naman ni Mrs. Amelia sa silid ni Marlyn. Nakita niya si Marlyn na mahimbing pa rin ang pagtulog kaya hinayaan niya muna para makapag pahinga ng maayos. Naawa siya jay Rafael at para rin sa kanyang anak. Naisip ni Mrs. Amelia na parang na trauma si Marlyn sa ginawa ng kanyang ex-husband. Lumapit siya jay Marlyn at hinaplos ang ulo nito.
"Sweety, magpagaling ka. Nandito lang si Mommy. Hindi kita pababayaan, kung ano man ang problema mo, huwag kang mahiya na magsabi kay Mommy. Mahal na mahal kita anak." Kausap ni Mrs. Amelia kay Marlyn. Narinig naman lahat ni Marlyn kaya hindi niya maiwasan na humikbi. Nang marinig ni Mrs. Amelia na umiiyak ang kanyang anak. Dahan-dahan niya itong pinaharap sa kanya. Hindi na rin mapigilan ni Marlyn ang kanyang sarili kaya bumangon siya at niyakap ng mahigpit ang kanyang Mommy.
"Mommy,I'm sorry po! Kung nag-alala ka sa akin. Mahal kita Mommy. I'm sorry ulit. From now on, I will be a better person. I love you, Mommy." Umiiyak na saad ni Marlyn. Nagyakapan silang mag-ina hanggang sa umayos ang pakiramdam ni Marlyn. Hindi na nuna nagtanong ng kahit ano si Mrs. Amelia sa anak para gumaling ito kaagad. Nang maubos ang IV fluids na nakalagay sa kamay ni Marlyn kaagad na rin siya lumabas ng hospital. Dumiretso na sila pauwi sa kanilang bahay. Hindi na rin muna sinabi ni Mrs. Amelia sa kanyang Daddy ang nangyari kay Marlyn.
Sa kabilang banda naman pagdating ni Rafael sa Pilipinas sa halip na magpahinga siya. Pagdating niya sa kanyang condo, uminum siya ng beer. Gusto niyang makalimutan ang sakit na kanyang naramdaman. Naisip niya na deserve niya na maging miserable ang kanyang buhay. Dahil sa kanyang katahangan, niya sa kanyang sarili. Dahil ang babaeng mahal siya, ay ginawang niya ng masama. Umiiyak siya habang umiinum ng beer. Ka baklaan man sa iba na umiiyak ang isang lalaki. Ngunit para sa kanya, wala na siyang pakialam kung ano man ang sasabihin sa kanya ng mga tao. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay magpaka lasing. Kahit pumi-pikit na ang kanyang mata sa sobrang kalasingan patuloy pa rin ito sa pag-inum. Gusto niyang magpaka lunod sa alak. Hanggang sa naubos niya ang tatlong case ng beer duon nalang bumigay ang kanyang katawan. Nakatulog siya, kasama ang mga bote ng beer.
Nagtaka naman si Yell kung bakit hindi pa pumasok ang kanyang amo sa trabaho samantala alam niya na, nasa Pilipinas na ang kanyang boss. Dahil sa nag-alala na si Yell, kahit ayaw niyang makita si Gab. Tinawagan niya pa rin ito upang sabihin ang tungkol kay Rafael. Dahil hindi matawagan ni Yell ang kanyang amo. Nang malaman naman ni Gab, jaagad niyang pinuntahan si Yell sa kompanya ni Rafael upang isama papunta sa condo unit ni Rafael. Lihim naman na napangiti si Gab dahil kahit ayaw siyang makita at makasama ni Yell. Napilitan pa rin itong sumama. Panay ang irap ng dalaga sa kanya habang nasa loob na sila ng sasakyan. Sa likod pa talaga mas pinili ni Yell na umupo. Dahil ayaw niyang makatabi Si Gab. Iwan ba ni Gab sa babaeng ito. Parang amazona. Unang kita pa lang ni Gab kay Yell nahulog na kaagad ang loob ni Gab sa kanya. Ngunit ang dalaga parang allergy sa lalaki. Kaya sa tuwing pupunta nuon si Gab sa opisina Rafael hindi manlang siya nito binabati. Pagdating ni Yell at Gab sa loob ng condo ni Rafael bumungad kaagad sa kanilang dalawa ang amoy ng alak at mga nagkalat na basyo ng beer. Napailing nalang si Gab saka dumiretso sa kwarto ng binata. Inumpisahan naman ni Yell na kunin ang mga nagkalat na basyo ng beer at nilagay sa garbage bag. Pagpasok ni Gab sa loob ng kwarto ni Rafael may naka kalat pa rin na mga basyo ng beer at ang gulo-gulo ng kanyang mga gamit. May mga basag din na vase sa paligid. Nakahiga si Rafael sa sahig kaya mabilis na nilapitan siya ni Gab. Awang-awa naman si Gab sa sitwasyun ni Rafael. Nasa isip kaagad ni Gab na nagka ganito si Rafael dahil kay Marlyn. Hindi pa alam ni Gab kung ano ang nangyari sa pagsunod ni Rafael kay Marlyn sa Switzerland. Ngunit ang nasa isip ni Gab ay hindi sila nagkausap ng maayos ni Marlyn. Sapagkat hindi magka ganito si Rafael kung nagkaayos sila ni Marlyn. Binuhat niya si Rafael upang dalhin sa ibabaw ng kama. Nakita pa ni Gab na basa ng luha ang mga mata ni Rafael at humihikbi pa ito.
"I'm sorry, Moo. I love you. Hindi ko kaya, kung mawala ka sa buhay ko." Bigkas ni Rafael habang tulog. Kaya sobrang naawa sa kanya si Gab. Hinubad kaagad ni Gab ang damit ni Rafael at pinunasan ang buong katawan nito. Pagkatapos niyang bihisan ang kaibigan. Inumpisahan niya rin linisin ang silid ni Rafael. Habang si Yell patuloy pa rin sa paglinis ng buong condo ng amo. Nang makatapos si Gab. Lumabas siya para magluto ng soup para kay Rafael. Dinamihan niya na rin para sa kanilang dalawa ni Yell. Hindi manlang magawa magsalita ni Yell habang patuloy sa paglinis. Hanggang sa nakatapos na rin siya sa paglinis ng mga kalat ng kanyang boss. Dahil nakaramdam ng pagod si Yell umupo muna siya sa sofa. Hindi niya manlang magawang magtanong kay Gab kung nasaan ang kanyang amo o kamusta ito. Dahil ayaw niyang kausapin si Gab. Iwan ba ni Yell kung bakit inis na inis ito kay Gab. Na bwe-bwesit lang kasi talaga si Yell jay Gab. Laging nagpa parinig na ligawan daw siya. Pero ilang minuto lang ang maka lipas may kasama naman na babae. Parang damit lang kung mag bihis. Dahil araw-araw nalang nakikita ni Yell sa post na iba't ibang babae ang kasama ni Gab. Gwapo, matangkad, mayaman at isa din CEO si Gab sa kanyang sariling kompanya. Kaya maraming nag hahabol sa kanyang mga babae. Kaya inis na inis si Yell sa kanya. Dahil sa pagod ni Yell, ang plano niya lamang sana na umupo para mag pahinga. Hindi niya namalayan naka tulog na pala siya sa sala.
Nang maluto ni Gab ang mushrooms soup. Naglagay siya sa dalawang bowl. Para sa kanya at para kay Yell. Mamaya niya na lang muna gisingin si Rafael. Nang mailagay na ni Gab sa dalawang bowl ang soup. Hinanap niya si Yell. Napangiti siya ng makita niya si Yell sa sofa na nakatulog habang naka nganga at humihilik pa ito. Kaya kinuha ni Gab ang kanyang cellphone upang kunan ng picture ang dalaga.
"You're so beautiful kahit tulog ka. Kailan mo kaya ako papansinin?" Kausap ni Gab sa natutulog na dalaga.
"Kahit ikaw nalang ang lalaking natira dito sa ibabaw ng mundo hinding-hindi kita papansinin. Lahat nalang na babae gusto mo. Huwag mo akong isali sa kanila. Dahil hindi ako katulad ng mga babae mo." Singhal ni Yell kay Gab. Nagising kasi si Yell dahil pakiramdam niya na parang may nakatingin sa kanya. Kaya akmang imulat niya na sana ang kanyang mga mata, nang marinig niya ang sinabi ni Gab. Laking gulat naman ni Gab dahil hindi niya akalain na gising pala si Yell. Kaya napa hilot na lamang siya sa kanyang batok. Aaminin niya marami talaga siyang naging babae. Ngunit kay Yell niya nalang naramdaman ang kakaibang damdamin sa isang babae. Kaya pakiramdam niya dumating na ang kanyang karma. Dahil totoo nga ang sinabi ni Yell na hindi siya katulad ng naging babae niya. Lihim nalang napa ngiti si Gab nang inirapan siya ni Yell at iniwan.