THIRD PERSON
Pagkatapos ng isang linggo na pagpa hinga ni Marlyn n'ong dinala siya sa ospital balik trabaho na siya ulit. Mas lalong niya lang kasi iniisip si Rafael kapag nanatili lamang siya sa kanilang bahay. Hindi na rin siya nag open ng kanyang account para maiwasan niya ang mga balita sa social media. Katulad nuon na ayaw niyang maki balita tungkol sa kanyang Daddy. Regular call lang ang ginagamit niya kapag tumawag siya kay Analyn at Khala. Nagpapasalamat siya na hindi nagtanong si Analyn at Khala tungkol sa kanila ni Rafael. Paglabas niya sa ospital hindi din siya tinanong ng kanyang Mommy kung bakit sobra siyang stress at nagpaka pagod. Gusto kasi nuon ni Marlyn na magpaka lunod sa trabaho upang hindi isipin si Rafael. Ngunit sa sobrang niyang gutom bumigay ang kanyang katawan. Simula kasi n'ong bumalik siya galing Pilipinas. Parang nawalan na siya ng gana sa lahat lalo sa pagkain. Kaya n'ong gumaling siya pagkatapos ng isang linggo na pahinga. Heto na naman siya nagpaka lunod sa trabaho. Pagdating niya kanina ng alas sais ng umaga hanggang ngayon alas dies na ng umaga kahit kape hindi manlang siya nakainum. Kaya n'ong napansin ni Fiona nag order siya ng pagkain para sa amo. Maya-maya lamang dumating ang delivery boy dala ang inorder ni Fiona na lunch para sa amo. Pagbayad ni Fiona nagpasalamat muna siya sa delivery boy saka kumatok sa pinto ng opisina ni Marlyn at pumasok naman ito kaagad.
"Ma'am, I ordered lunch for you. Please eat ma'am. It's lunch time already." Magalang na sabi ni Fiona sa kanyang amo habang naka ngiti. Kaya umangat ng ulo si Marlyn at nagpasalamat sa kanyang secretary. Paglabas ni Fiona, binuksan ni Marlyn ang paper bag. Nakaramdam siya kaagad ng gutom ng makita niya ang sushi at may kasama pang kape. Alam na alam talaga ni Fiona ang gusto ng kanyang amo. Kaya lihim na napangiti si Marlyn at isa-isa kinuha ang pagkain sa loob ng paper. Naubos niya ang lahat na pagkain na binigay sa kanya ni Fiona pati na rin ang kape. Simula pagdating niya galing sa Pilipinas. Pakiramdam ni Marlyn ngayon lang siya nakaramdam ng busog at gumana sa pagkain. Kaya parang bumalik ang lahat na kanyang lakas at naging ganado siya sa kanyang trabaho. Pagsapit ng alas tres ng hapon may binigay naman sa kanya ulit si Fiona na meryenda kaya kinain niya ulit dahil nakaramdam naman siya ng gutom. Pagsapit ng alas sais ng gabi mag-ayos na siya nang kanyang gamit upang umuwi. Kanina pa maunang umalis si Fiona dahil nagpaalam ito na may pupuntahan silang mag-asawa. Pagkatapos ni Marlyn ayusin ang kanyang gamit. Lumabas na rin siya sa kanyang opisina at tumungo sa elevator. Paglabas niya ng elevator dumiretso siya kaagad sa kanyang sasakyan. Masaya ang mga empleyado ni Marlyn na bumalik na sa dati ang kanilang amo na nakangiti na kapag binati nila ito. Dati kasi si Marlyn pa ang unang bumabati sa kanyang mga empleyado. Ngunit n'ong bumalik siya galing Pilipinas kahit tingin sa kanyang mga empleyado hindi niya na magawa. At gusto niya rin na kapag pumasok siya wala siyang ingay na marinig. Pero ngayon lahat na nakasulubong ni Marlyn binabati niya ito habang naka ngiti. Pagdating ni Marlyn sa kanyang sasakyan pagbukas niya pumasok naman siya kaagad at bumyahe pauwi sa kanilang mansyon.
Samantala si Rafael naman matapos ang tatlong araw na pag parusa niya sa kanyang sarili. Bigla niya naalala na kailangan niyang magtrabaho ng mabuti para kay Marlyn. Kaya ng natauhan siya, inayos niya ang kanyang sarili upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Bumalik na rin sa sa wakas sa kanyang opisina para nagpatuloy sa trabaho. Laking pasalamat niya kay Gab na tinulungan siya nito upang maayos ang problema sa kanyang opisina. Ngunit ngayon ang gago nandito para singilin si Rafael. Hindi pera ang kailangan, kundi si Yell ang gusto niyang kapalit. Gusto niya raw hiramin ng isang araw si Yell upang i-date.
"Alam ba ni Miss Jalandoni na i-date mo siya? Diba allergy si Miss Jalandoni sa'yo? Dahil babaero ka?" Natatawa na tanong ni Rafael sa kaibigan. Kaya bigla napa kamot ng kanyang batok si Gab. Dahil ang totoo hindi alam ni Yell ang kanyang plano. Dahil sa tuwing makikita ng dalaga si Gab para itong naka kita ng demonyo. Kaya naisip ni Gab na kausapin ni Rafael ang kanyang secretary. Na kunwari papuntahin niya si Yell sa isang restaurant upang makipag kita sa kanilang investor. Para kapag nasa restaurant na si Yell si Gab ang magpakita kay Yell. Wala na kasing ibang maisip na paraan si Gab upang pumayag si Yell na kumain sila ng lunch. Simula n'ong nagsama si Yell at Gab papunta sa condo ni Rafael. Iniwasan na talaga ni Gab ang mga babae na lumalapit sa kanya para huwag ng magalit sa kanya si Yell.
"Ganito kasi yun Raf. Ikaw ang magsabi kay Yell na kailangan niyang pumunta sa restaurant para siya muna ang kumasap dito. Dahil masama pa ang pakiramdam mo. Ako na ang bahala kapag nanduon na si Yell sa restaurant." Paliwanag ni Gab sa kaibigan. Kaya kahit masama ang pakiramdam ni Raf napatawa siya sa plano ng kaibigan. Bigla niyang naisip na kung gawin niya rin kaya kay Marlyn ang malupit na tinik ni Gab? Napailing lamang siya dahil naalala niya naman si Marlyn. Kamusta na kaya siya? Okay na ba siya? Mga katanungan ni Rafael sa kanyang sarili.
"Raf, bro. Naka tulala ka naman. Iniisip mo ba siya? Sana bro dumating ang araw na magkausap at magkaayos na kayo ni Marlyn. Para maipaliwanag mo talaga kung ano ang punto mo kung bakit nasabi mo ang bagay na iyon. Pero bro alam mo naman na nandito lang ako. Kapag may problema at gusto mo ng kausap huwag kang mahiya na tawagan ako. Pero sa ngayon Bro kailangan mong makumbinsi si Yell na pumunta sa restaurant. Alas dies na ng umaga na bro." Tila pakiusap ni Gab kay Rafael. Kaya mapa halakhak ng tawa si Rafael.
"Langya ka bro! Akala ko kung seryuso ka na sa mga sinasabi mo sa akin. Siningit mo pa talaga ang pakipag date mo kuno kay sa secretary ko? Yayain mo nalang kaya siya. Total nan'dyan naman sa labas ang secretary ki."Natatawa na wika ni Raf. Tinamaan na yata talaga ni kupido ang kanyang kaibigan. Dahil hindi naman siya ganito sa ibang babae. Kahit tingin lang dati ang gagawin ni Gab sa mga babae nag-uunahan na kaagad ang babae lumapit sa kanya. Ngayon kay Yell parang takot takot na parang naputol ang buntot.
"Sige na, tawagin ko. Sabihin kong ikaw na ang mag hatid sa kanya sa lunch meeting ko kuno. Baka sumbatan mo pa ako na walang utang na loob. Happy?" Sarkatisko na wika ni Rafael. Nagliwanag kaagad ang mukha ni Gab at akmang hahalikan pa si Rafael. Ngunit pumasok na si Yell. Katulad ng dati inirapan naman ng dalaga si Gab na kahit alam niyang kaibigan ito ng kanyang amo. Hindi niya manlang nagawang batiin.
"Good morning, Sir! May ipag-uutos po ba kayo?" Magalang na tanong ni Yell sa kanyang boss. Tumikhim muna si Rafael habang nakatingin kay Gab. Na ngayon naka talikod sa kanila ni Yell. Pero ang tainga nakikinig naman.
"Ahm! Miss Jalandoni, pwedi ba na ikaw muna ang pumunta sa restaurant? at ikaw muna ang bahala makipag usap sa ka meeting ko? Alam mo naman siguro makipag usap sa investor ko. Parang masama pa kasi ang pakiramdam ko. Saka kung pwedi ihatid ka muna ni Gab. Pabalik na rin kasi siya sa kanyang opisina. Madaanan ang restaurant papunta sa opisina ni Gab kung saan kayo mag meet ng kausapin mo. Kaya isabay ka nalang ni Gab. Pwedi ba bro?" Kunwari na tanong ni Rafael sa kaibigan. Humarap naman si Gab na parang nagtatanong kay Yell. Kahit ayaw ni Yell ulit makasama si Gab. Wala naman siyang magagawa dahil utos sa kanya ng kanyang boss. Kaya napilitan na pumayag si Yell. Pasimple naman na nag thumbs up si Gab kay Rafael. Kaya pa simple din na nag dirty finger si Rafael kay Gab. Kaagad na niyaya ni Gab si Yell upang ihatid kuno sa restaurant. Kaya napailing nalang si Rafael na nakatanaw sa dalawa habang palabas ng kanyang opisina. Dahil padabog na tinalikuran ng kanyang secretary si Gab.
Paglabas nang dalawa. Umupo si Rafael sa kanyang upuan at sumandal sa kanyang upuan saka pumikit. Naalala niya naman si Marlyn. Na kung sana hindi siya nag alinlangan nuon sa kanyang damdamin para sa dalaga. Ngayon siguro masaya sila. Kung sana hindi niya sinaktan si Marlyn sana hindi siya naging miserable ngayon. Ngunit puro nalang siya sana.
"I miss you MOO." Bigkas ni Rafael habang nakapikit.