SAMANTHA POV Gabi na ngunit wala pa rin si Zyne. Simula kaninang umaga noong nagtungo ako sa kwarto ko ay inayos ko muna ang sarili ko bago muling lumabas subalit noong dumating ang katanghalian ay pansin ko na parang wala akong kasama sa bahay kaya naman umakyat ako ng hagdan upang tignan kung nandoon ba si Zyne pero bigo ako. Umalis nga talaga siya kagaya ng kaniyang sinabi. Ganoon na lamang ba iyon Pagkatapos ng nangyari sa amin ay bigla na lamang siyang aalis na parawang wala lang? Siya ang nakauna sa akin. Sa kaniya ko inalay ang buong sarili ko ngunit bakit ganito siya? Kahit na nagawa akong iwanan si Zyne kanina ay hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako. Hindi ko mai-waksi sa aking isipan kung ano at nasaan na si Zyne. Kung ano ang ginagawa niya, sino ang kasama niya at kung nasaa

