ZYNE POV Matapos ng tawag ay dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko at saka seryosong nagmaneho. Gusto kong makita ulit si Kyla. Gusto ko siyang makausap, mahawakan, mayakap. Gusto kong maging akin siya. Napakahirap kalimutan ng isang kagaya niya! Napakahirap magpanggap na okay na ako na asawa na siya ng kapatid ko. Nang makarating na ako sa park kung saan kami magkikita ay itinabi ko muna sa isang gilid ang sasakyan ko bago bumaba. Kaagad ko namang natanaw si Kyla sa hindi kalayuan na nakaupo sa isang bench. Kahit nakatalikod ang piuwesto nito sa akin ay titig na titig pa rin ako rito habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya. Nang ilang hakbang na lamang ang pagitan namin ay sandali akong huminto. Marahil ay nakaramdam si Kyla na nandito na ako kaya lumingon ito sa akin at ng

