Savannah I love you to----." Naputol ang sinasabi ko ng mabilis na niyang sinakop muli ang mga labi ko habang hawak na niya ng mahigpit ang batok ko. Mariin ang mga halik niya ngunit hindi naglaon ay naging maalab at masuyo rin ito kasabay ng pagbalot ng mga braso niya sa katawan ko. Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay milyon-milyong bultahe ng kuryente ang mabilis na dumaloy ngayon sa mga ugat ko. Mainit kong tinanggap ang mga halik niya at nagpatianod sa init at bugso ng damdamin. Awtomatikong yumapos ang mga braso ko sa leeg niya at umangkla ang magkabila kong binti sa baywang niya nang buhatin niya ako habang patuloy pa rin sa maaalab na mga halik. Ramdam ko ang paglalakad niya. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama.

