Savannah Naistatwa ako at hindi nakagalaw kasabay ng mabilis na pagdampi sa aking balat at pagtangay sa aking buhok ng malakas at malamig na simoy ng hangin. Ngunit hindi ko na ito alintana dahil natuon ang atensyon ko sa buong paligid. Nabusog ang mga mata ko sa napakagandang pagkakaayos ng buong rooftop. May mga lanterns at string lights sa buong paligid na nagbibigay liwanag sa buong kapaligiran. Tamang-tama lang dahil sa mga oras na ito ay nag-uumpisa ng dumilim. Marami ring mga halaman at mga bulaklak na nagmistulang garden sa buong paligid. May mesa sa gitna na may napakagandang pagkakaayos rin. Luminga pa ako sa buong paligid ngunit wala akong nakitang tao doon. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung para sa akin ba ang lahat ng ito. Bigla ko naman naalala ang dalawang kasama ko

