Savannah Nagising ako na nasa loob na ng aking kwarto. Ang naalala ko ay nakatulog ako sa kusina dahil hinihintay ko ang pagdating ni Albrey. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko si Albrey. Nagmadali akong lumabas at halos madapa-dapa pa ako. Naabutan ko siya na papalabas na ng pinto ng condo. Nakabihis na siya at mukhang aalis na siya papasok sa University. "Albrey," tawag ko sa kan'ya. Lumingon naman siya ng marinig ako. Tiningnan niya akong ngunit hindi nagsalita. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kan'yang mga mata. "Alam kong late na, pero gusto pa rin kitang batiin ng Happy birthday. I'm sorry," Nahihiyang sabi ko sa kan'ya. "It's okay, thank you. Hindi pala kita maihahatid ngayon dahil may early meeting kami," sagot niya. Halata ang lungkot sa kan'yang mga tinig. "In

