Savannah Dahil bored na naman ako dito sa condo ay naisipan kong ipagluto si Albrey ng lunch at dalhin ito sa office niya. Masaya akong nagluto. Sinigurado kong masarap ang mga niluto ko dahil sinamahan ko ito ng pagmamahal. Iyon ang sekretong sangkap. Tatlong putahing ulam ang niluto ko. Nang matapos ako ay inilagay ko ang lahat ng iyon sa mga Tupperware at isinilid sa paper bag. Dadalhin ko na ang lahat para sabay na kaming kumain. Nagdala na rin ako ng maraming kanin. Nang matapos ko itong ihanda ay kaagad akong nagtungo sa aming silid. Nag bihis ako at inayos naman ang sarili ko. Syempre dapat maganda naman ako. Nag suot lang naman ako ng simpleng blouse at jeans. Mas komportable ako sa ganitong suot lalo na kapag kaharap ko si Albrey. Sakto naman noong aalis na ako ay nag messag

