Trirdperson It's been a couple of weeks at hindi na malaman ni Albrey ang gagawin niya kay Tracy dahil sa sobrang kakulitan nito. Lagi itong nasa opisina niya para tanungin siya ng paulit-ulit lang naman na mga bagay. Hindi naman mapakali si Tracy hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya sa mga katanungan sa isipan niya. Noong magkasama sila noon sa ibang bansa ay hindi binigyan ni Albrey ng kahit anong malisya ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Hindi niya naman akalain na gusto pala siya nito kaya ito nakipaglapit sa kan'ya noon. Hindi siya noon naniniwala sa love kaya wala sa isip niya na magkagusto sa isang babae. Alam iyon ni Tracy pero umasa pa rin ito na balang araw ay matutunan din siyang mahalin ni Albrey dahil sa parehas sila ng personalidad at nagkakasundo sil

