Thirdperson Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin natatahimik ang kalooban ni Tracy kaya nakipag kita ito kay Sav. Nagpadala ito ng mensahe na nais niyang makausap si Sav at sa isang coffee shop ang ipinadala nitong address. Nakipagkita naman sa kan'ya si Sav upang linawin ang lahat sa kanila. Savannah Kaagad akong nagtungo kung saan ang Address na ipinadala ni Tracy. Nang makarating ako roon ay naroroon na siya at nakangiting sumalubong sa akin. Alam kong peke ang mga ngiting iyon, pero wala naman akong pakialam. Nagpunta ako rito hindi para makipag plastikan sa kan'ya kundi para maging malinaw ang lahat sa kan'ya. Napansin ko rin na mukhang iba ang istilo ng pananamit niya ngayon. Balot na balot kasi siya, dahil ba hindi naman si Albrey ang makakaharap niya? Alam ko naman na gus

