Thirdperson "Ang ganda mo, Beshie. Nasisiguro ko na walang panama sa'yo ang Tracy na iyon," papuri ni Bea habang taas kilay na nakatingin kay Sav mula sa salamin. Kasalukuyang nakaupo si Sav sa harap ng vanity mirror ni Bea. Katatapos lang kasi ni Bea na ayusan ang kaibigan. "Wow," nasambit naman ni Avin ng humarap sa kan'ya si Sav. Ang mga mata nito ay puno ng paghanga para sa kaibigan. Tumayo si Sav mula sa pagkaka-upo at pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Hindi ba masyado itong sexy?" may pag-aalinlangang sabi ni Sav. "Ang ganda mo kaya. Tama lang iyan dahil sexy ka naman talaga. Sigurado ako na luluwa ang mata ni Professor at hindi na iyon titingin pa sa iba," ani Bea at napangiti naman si Sav dahil doon. Natuwa ito sa usaping hindi na si Albrey titingin pa sa iba. Muli niyang

