Thirdperson Habang abala si Sav sa pag-aaral sa mga exercises na iniwan ni Albrey sa kan'ya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa bagong kaibigan. "Hello," bungad ni Sav ng sagutin niya ang tawag. "H-Hi," Nanginginig ang boses nito. Rinig din ang mga pagsinghot nito na halatang umiiyak. "Umiiyak ka ba? Anong problema?" may pag-aalalang tanong naman ni Sav. Bigla siyang nakaradam ng kaba at pag-aalala para sa bagong kaibigan. "A-Are you free today? I just need someone to talk," sagot nito kay Sav at dinig pa rin ni Sav ang patuloy nitong pagsinghot sa kabilang linya na waring umiiyak. "Oo, pupuntahan kita, i-send mo na lang ang address." Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay mabilis na niyang inayos ang mga gamit sa mesa. Dinampot niya ang cellphone niya at isinilid sa kanyang sho

