Thirdperson Maagang dumating si Albrey sa opisina niya ngunit may mas maaga pa sa kan'ya. Noong dumating siya ay nasa loob na ng opisina niya si Tracy habang prenteng nakaupo sa sofa. Nakapatong ang kanan niyang binti sa kaliwa niyang binti. Nakasuot ito ng business suit pero napaka-iksi naman ng pencil cut na skirt na suot nito. Kitang-kita ang mapuputi niyang mga legs na animo'y idini-displey talaga niya iyon. "Oh! Tracy..you're so early," gulat na sabi ni Albrey. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya ang dalaga sa opisina niya, nang ganoon ka aga. "I'm waiting for you. I haven't eaten breakfast yet," may paglalambing na sabi nito kay Albrey. Bahagyang natigilan si Albrey at tumingin sa pambisig niyang orasan. "It's still early so, come on, I'll join you for breakfast," pagyaya

