Kama... Wala na din akong nagawa at napilitang sumunod sa kondisyong inihain ni Kuya Aedree. Isa pa, after seeing how Taias looked at the picture of his father with so much longing in his eyes, hindi kaya ng puso kong patuloy pang saktan ang bata. Halos manghina ako nang tawagin ako ni Lexo at ikwento kung paano hinawakan lahat ni Mataias ang gamit ng tatay niya. And then I found him sleeping on his father's bed. Kahit siguro sino ay matutunaw kung makita nila iyon. "It's going to be okay," napalingon ako kay Erish na inilalabas ang mga gamit ko mula sa likuran ng sasakyan. Kakababa namin ng sasakyan at hindi pa nakakapasok sa loob ng mansyon. Napatingin ako sa malaki nilang bahay bago napalunok. Inayos ko pa ang laylayan ng aking paldang nalukot dahil sa pagkakaupo sa kotse ni Eris

