Progress... "Namumula ang pisngi, check!" "Maga ang labi, check!" What is she talking about? Hindi naman namamaga ang labi ko! Bahagya pang dumukwang palapit si Andrea sa akin at inamoy amoy ako. Sa hindi malamang dahilan ay parang nananayo ang mga balahibo ko sa ikinikilos nang dalawa. "Amoy bagong harot, check!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata na parang nawawala na din katulad nang sa kanyang nobyo, "Umamin ka, may ginawa na kayo agad kagabi no? Nag make up s*x na kayo?" bulong sa akin ni Andrea na ikinasamid ko ng paulit ulit. Inabot ko naman agad ang baso na may lamang tubig sa aking harapan at nahimas ang dibdib. Pansin na pansin ko pa ang itsura ni Ulap na nakakunot ang noo habang sumusulyap sa direksyon namin. He was standing a few meters away from us. Nanunuod sila nil

