Holy... "Oh, look Tito Daddy! Momma is doing it again!" Napalingon ako sa aking anak nang madinig ang malakas nitong boses. Sa tabi niya ay si Mataias na nakatingin lamang sa labas ng kotse. Natawa naman si Erish sa inasal ng aking anak, kumakawag kawag pa ang mga paa nito na akala mo siya isda. Napanguso naman ako. Pinagkakaisahan nila akong mag tito. Umiling na lamang si Erish at ibinaling ang tingin sa akin. He was leaning on the side door of the car while I nibble on my right index finger. Kinakabahan na talaga ako! "Pinagtatawan ka na ng babae mo dahil kanina mo pa kinakagat yang mga kuko mo. Ubusin mo na kaya," nang iinis niyang turan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at nag aalalang tumingin sa mga guwardiya na kanina pa sumusulyap sa sasakyan namin. Nilingon ko muli si Erish

