About time... "I'm sorry Mom but, come again?" laglag ang panga ko sa sinabi ng aking ina. "I said we're going home," Home? What does she mean home? Hindi ba namin bahay to? Binenta na ba to ni Dad? Napalingon naman ako sa aking ama na tahimik lamang na nagbabasa ng dyaryo. Sa kanyang paanan ay si Teesha at Taias na kapwa naglalaro ng kanilang mga laruan. Those were toys given by Erish to them. He really likes to spoil my kids. "Mom, what home are you talking about?" pilit kong binura ang pag aalinlangang biglang lumukob sa aking puso. Bakit bigla yata akong kinabahan? "Back to our home, Barbara. Where we should have been since years ago," sagot niya bago ako tinalikuran at nagtungo na sa kusina. Magluluto na naman siguro. It's always dinner and I can't really cook that much. My M

