Chapter 20 > > Hindi ko inaasahan na didibdibin ko talaga ang paghahanda para sa birthday ni Marcus. Andami dami kong inihanda para sakanya, eh kaming dalawa lang naman yung magcecelebrate. ang importante masurprise at mapasaya ko ang kaibigan kong pogi. si Marcus.. pangalan palang ang masculine na diba? Ipinagluto ko siya ng spaghetti, lumpiang shang hai, fried chicken at kung ano-ano pa. Pero wish ko lang mapasaya ko siya, pero confident naman ako na maapreciate niya to, first time niya kasi akong makakasama sa pagsecelebrate ng birthday niya. Dati sila sila lang tatlo ni ate Ynna at kuya niya. Ipinagbake ko din siya ng cake. Kasi parang naiingit siya nung pinagbake ko si Calyx eh na inichepwera lang niya. Huhu speaking of Calyx kumusta na kaya siya ngayon? Matatag pa kaya si

