Chapter 22 > Mejo maaga akong nagising ngayon, pumasok kasi sa isip ko na ipagluto ko muna si Sophie, Gusto ko kasing bumawi sakanya dun sa effort niya nung birthday ko. The problem is ano kayang iluluto ko? hindi naman kasi ako marunong magluto. Marunong akong tumulong. Maghiwa. Ganun. Pero magluto. Hindi eh. Pero bahala na. Tinry ko syang ipagluto, yung mejo mahirap hirap pero hindi talaga ako marunong lagi nalang palpak, ilang beses ko na ngang inulit pero wala padin, tinry ko ding tikman pero napakasama ng lasa. Kaya ang kababagsakan, hotdog and egg lang nailuto ko, eto lang kasi ang nakayanan.. Hay! Bahala na. Magugustuhan niya naman sigurado ito. Pagkatapos kong magluto ng mga hotdog at itlog linagay ko ito sa isang lunch box and then linagyan ko ng kanin. Tinitigan ko yun

