Chapter 6
>
"Ok class, magshower muna kayo pero pagkatapos niyo make sure na babalik ulit kayo for your next class ok." P.E kasi namin ngayon at kami ay naglaro ng volleyball, habang ako ay nagbibihis may narinig na naman akong grupo ng mga babae na nagchichismisan.
"Oh my gosh alam niyo na ba yung balita?”
"News about saan?”
"Duh, siyempre sino pa ba, edi si Calyx our Prince."
"Rhat's new girl?"
"Narinig ko kanina na magtatry out daw siya sa basketball team ng school natin."
"Err, diba senior na siya, bakit pa siya magtatry out."
"Anu ka ba girl, pwede naman daw yun, at tsaka si Calyx yun, di maaaring hindi nila pagbigyan nu. Ang galing galing kaya niyang magbasketball."
"Ok sige, basta mamaya sabay sabay tayong pumunta sa gymnasium. Para i cheer siya!"
"Ofcourse, tara lets go na girls."
what? Si Calyx magtatry out. Omg kailangan kong ibigay ang 100% support ko sakanya mamaya. Kailangan ko siyang panuorin.
Natutuwa lang ako so magaling pala siyang magbasketball? Hihihi I'm super attracted kasi sa mga lalakeng magaling magbasketball. Yun ako eh. Isa sa mga hinahanap ko sa mga lalaki yung may pagka sporty. Anu ba yan lahat yata ng mga qualities ng gusto kong maging boyfriend na kay Calyx na lahat. Define "infatuation" yan ganyan na talaga ang nararamdaman ko kay Calyx I'm infatuated to him.
Subalit hindi niya naman ako kilala, oo alam lang siguro ang mukha dahil nung dating nagkita kami pero pwede ding nakalimutan na niya ko? Sana nga mapansin na niya ko kahit na may nakalaan na siyang girlfriend.
Pagkatapos kong magbihis dumiretso nako sa classroom, at natuwa ako dahil nakita ko si Marcus, di kasi siya pumasok kanina, alam na, nasa rooftop na naman siguro kanina yan. Di siya nagvolleyball eh. Dahil di niya siguro trip. Lumapit ako sakanya.
"Hello Marcus." ang saya saya kong lumapit sakanya pero bigla na niya lang sinakmal ang mukha ko, gamit ang kanyang malaking kamay.
"ouch, nakakainis ka bakit mu ginawa yun, binati lang naman kita .”
"wag ka nga! nakakahiya, tignan mo pinagtitinginan na nila tayo. At saka diba sabi ko bawasan muna ang pagiging ganyan mo..”
"sabi ko nga." tama siya pinagtitinginan na nga nila kami. "Haha! Bagay nga silang magsama, they're both weird.."
"yeah. Perfect match. Haha" tumingin sila sakin, tsaka sabay mag uusap tas bigla nalang tatawa.
Ok bahala sila, wala naman akong pake, basta ang importante may naging kaibigan nako kahit papano.
///
After class tulad nga ng sabi ko may try out si Calyx ngayon kaya ako ay dali daling nagpunta sa gymansium para siya ay ipag cheer. At siyempre hindi lang ako pati nadin halos ng mga kababaihan sa campus ay nagtatakbuhan papuntang gymnasium. At buti naman hindi pa naman nagsisimula. Pero saktong pagpasok palang ni Calyx naghiyawan na ang lahat ng mga tao.
At siyempre pati na din ako ay nakihiyaw na, pinagtitinginan nga nila ako eh, dahil ang OA na ng pagchicheer ko, makahiyaw wagas, pero i don't care, full support ako.
"Errr, bakit pati yan nakikisali.?"
"Oo nga, di nalang siya nahiya, sobrang lakas niyang sumigaw."
"walang basagan ng trip.”
Leshe, inismid ko na lang sila, kesa patulan. Paki ba nila. Mga bisugong to. Faggot pa yung isa, nagmamaganda, hindi naman maganda.
Nagsisimula na ang pagtatry out kaagad namang nagpakitang gilas itong si Calyx mukhang impress naman yung coach ngumingiti ngiti siya tapos pumapalakpak din. Pasado nga siguro para sakanya si Calyx. Nung matapos na yung pagtatry out iaannounce na nila kung sino sino yung mga nakapasa, at sobrang kinakabahan ako parang matatanggal na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang kaba. Pano ba naman kasi 3 na yung binanggit na kasali pero hindi padin tinatawag ang pangalan ni Calyx. OMG last 1 nalang. Siya na sana ito. dug.dug.dug.dug "and the last slot will be given to Mr. Calyx Martinez!"
Nagsitayuan lahat ng mga nanunuod pati nadin ako at, humiyaw ng humiyaw, sobrang saya ko!Akala ko kasi talaga hindi siya masasali sa mga makukuha. It's official kasama na siya sa basketball team ng school! Oh my gosh,"I'm so proud for him." weh?Ang lakas maka gf line nun.pero kasi talagang sobrang saya ko para sakanya. Dahil alam ko din kasi na mahal niya ang sport na to.
Nagsisipaglabasan na ang mga tao, dahil tapos nadin kasi ang try out. Puro bulungan ang mga naririnig ko ngayon, sobrang saya nilang lahat dahil nakapasok nga si Calyx sa varsity. Lumabas nako ng gymnasium. Ang balak ko ay di mu na ako didiretso paguwi dahil hihintayin ko muna si Calyx na lumabas. At hindi lang naman ako eh.
Pati nadin yung iba mga ibang babae. Saktong sakto lumabas na siya, paglabas pa lamang niya binati na siya agad ng mga tao. "Congrats Calyx here", "Congrats Calyx there" , "Congrats Calyx everywhere." yan nalang yata ang narinig ko saktong pagkalabas palang niya. kumay kaway naman siya tapos panay ang pag te thank you. Pero bigla nalang siyang tumingin sakin. OMG totoo ba to! Nakatingin at nginingitian niya ko?
Sobrang bumilis ang t***k ng puso ko para bang pumunta lahat ng dugo ko sa aking mukha, shemay sobrang nakakakilig, ngumiti din naman ako sakanya, at eto pa! Kumaway siya! Kumakaway siya sakin kaya kumaway din ako, at shet gusto ng malaglag ng panty ko dahil papalapit siya, papalapit siya sakin, tumigil na naman ang oras nakafocus lang ang titig ko sakanya habang siya ay papalapit ng nakangiti. Breathless, di ako makahinga,para akong mahihing ewan, pero icocongratulate ko na sana siya pero bigla niya kong nilagpasan. "Anyare??"
bigla nalang tumawa ang mga katabi ko.
"Hahaha, napahiya ang bata, akala niya yata siya yung lalapitan ni Calyx, haha"
"that's so embarrassing she's very drooled at him pa naman. Stupid girl. "
"Assuming kase, yan tuloy ang napala, napahiya."
nanlumo ako dun, bigla nalang akong nanlambot sa mga narinig ko, tama nga sila sobrang kahiya hiya ang nangyari.
Akala ko ako talaga eh. Pasensiya. Ang sakit. Hashtag#Assumera.
Grabe, sana lamunin nalang ako ng lupa, nakakahiya
lumingon ako sa likod ko kung sino ba talaga yung nginitian niya at kinawayan niya kanina sobrang nagulat ako nung napagtanto ko na si Brianna ito! Andito siya?! Kaya pala iba yung ngiti niya kanina.
Andami namang nagsilapitan sakanila para kunan ng pictures. At ako mukhang tanga dito nashocked s***h napahiya.
"Sila na ba?", "Bagay na bagay sila no?" , "Sana ganyan nalang ako kaganda kay Brianna" "Idol ka siya ang ganda ganda niya, perfect match talaga sila ni Calyx. Mygod!"
Umalis nalang ako dahil, nasusura ako sa king mga naririnig. Oo na! Sila na ang bagay, sila na ang perfect match! Perfect combination!
Umalis nalang ako dun at naglakad na dito sa hallway. Pero habang naglalakad ako biglang may nagsalita. "Ano napahiya ka no." lumingon ako sa likod at laking gulat ko nung si Marcus ito. "Nakita mudin ba yung kanina."
"Oo, grabe super epic fail."
"Grabe ka naman, napahiya na nga ko, ginaganyan mupa ko..”
"eh pano ba naman, katuwa tuwa naman kasi yung ginawa mo, you are very drooled at him. Eh hindi naman ikaw yung kinakawayan."
"Oo na! Napahiya na ko, tama na! Wag munang ipaalala pa. >.
"Hahaha. Bakit ganun ka nalang kung makatingin kay Calyx? May gusto kaba sakanya?"
"Ehh? Oo tama ka. Crush ko siya."
"Ang malas mo lang, may nililigawan na yata yan ngayon."
"Alam ko."
"at saka pala kahit naman pala wala siyang nililigawan, panigurado akong di ka parin niya papansinin. Haha hanggang pangarap ka nalang.haha"
"Ang sama mo!" tsaka ko siya tinulak!
"Seriously, bakit mo pala siya nagustuhan?"
"Ewan, naramdaman ko nalang bigla, nung kasing kakapasok ko palang dito siya na yung lalaking ang lakas ng tama sakin."
"Ganun. Di ka naman niya kilala. Kaya tigilan muna yan. Masasaktan kalang."
"Heh. Crush lang naman eh. Di naman ako umaasa. Teka lang may itatanong pala ako?"
"Ano yun?"
"Di ba matagal kana din nag aaral dito sa Happy Valley Academy?"
"Oo, bakit?"
"Edi matagal munang kilala si Calyx?"
"Oo kilala ko siya, pero wala akong pake sakanya."
"Ano ang alam mo tungkol sakanya?"
"Hm, actually naging classmate kuna yan dati, dati di naman yan pansinin totoy pa siya, pero one day nag improve nalang bigla. Simula nun pinagkakaguluhan na siya ng mga kababaihan tapos mayaman din yan."
"ganon, halata nga."
"mas gwapo naman ako jan."
"ang kapal mo!" tsaka ako nag act na parang nasusuka pagkasabi niya nun.
"di ako makapal, manipis ako, nagsasabi lang ako ng pawang katotohanan lamang. Mas gwapo ako don. Period"
"Ang lakas ng apog mo tsong! Kilabutin ka nga sa mga sinasabi mo. Ako kasi nagtayuan lahat na ng balahibo ko sa katawan eh."
pero gwapo naman talaga itong si Marcus lamang nga lang ng onti si Calyx tapos idagdag pa ang kasikatan niya lamang talaga siya.
"Bahala ka nga sa buhay mo."
"sige ganto nalang sabihin na nating gwapo ka. Pero mas gwapo talaga si Calyx eh. Ok"
"ewan ko sayo basta Mas gwapo naman ako doon.”
Hindi nalang ako sumagot pa dahil alam ko na wala ng patutunguhan pa tong usapan nito sinabi ko nalang.
"Ge push. Pano alis nako nandito nako sa bahay. Mag ingat ka."
"Ok sige" bago ako pumasok sa loob pinagmasdan ko muna si Marcus habang naglalakad palayo, madaldal din pala siya? Makulit din. Andami ko tuloy nalalaman about sakanya. Ayaw niya lang talaga ng nakakairitang maingay tsaka siguro namimili lang siya ng taong tinotolerate, pero weird, ayaw niya sakin pero nagawa kong maging close kami despite nga na ayaw niya sakin. Siguro destiny talaga ang nagplano ng lahat kaya ko siya naging kaibigan, sana ganun din sana kay Calyx. Pero simula ngayon hindi nako magiging makulit pa kay Marcus para naman hindi na niya ako palaging binabara.