Chapter 7
>
"Good Morning Sunshine!" masayang masayang bati ko yan sa haring araw. Mataas nadin pala ang sikat ng araw, late nakong nagising ngayon dahil sabado,grabe, napasarap ang tulog ko, bawing bawi. Mehehe, si mama, hindi niya ko ginising dahil weekend naman, kumain kaya yon? Makababa na nga. Bumaba nako para magpunta sa kusina ng laking gulat ko ng may madaming breakfast food ang nakahain, grabe natouch ako. Antagal ng di nagagawa ni mama to eh. Puro paborito ko pa naman.
Tagal Na nung mapagluto ako ng ganito kadami ni mama. Lagi kasing busy siya eh. Pero malungkot padin dahil bakit di niya ko ginising? Mama talaga oh. Ayaw niya siguro akong maistorbo dahil weekend naman. Kumain nalang akong mag isa na mangiyak ngiyak. Na-appreciate ko lang talaga, natouch kasi ako dito sa iniwang note ni mama. "anak pinagluto kita ng mga paborito mo, inagahan ko talaga ang pagising para mapagluto ka, di narin kita ginising dahil alam kong nagbabawi ka sa tulog dahil lagi kang puyat sa pag aaral. Di narin kita mahihintay dahil may work si mama. Mag ingat ka anak. I love you." etong si mama talaga may alam pang ganitong kadramahan. May nakain ba yun or what. Bat biglang naglambing ng ganito. Namiss ko tuloy siya, sobrang busy naman niya kasi kaya wala na kaming time para magbonding. Nakakatouch tuloy.
"Thank you mama da best mama ka talaga in the whole world. Kahit iniwan tayo ni papa, naging matatag ka. I love you too" sabi ko yan sa isip ko.
Pagkatapos kong kumain naglinis muna ako ng bahay, dahil wala kasing magawa tapos nagdilig ng mga halaman sa mini garden namin, I like plants and flowers din kasi eh. Masaya at nakakagaan ng mga mata pag nakikita ko sila parang nawawala yung stress ang fresh ng pakiramdam I'am a nature lover as well. Kinakausap ko sila habang dinidiligan, sabi kasi nila kailangan kinakausap sila para di mabored, at di mamatay tapos mamumulaklak din daw sila nun palagi.
Nang matapos na ang mga household choires, napagdesisyonan ko na maligo muna, dahil super haggard kuna mukha nakong manang. and then nagpahinga muna ko. Pero biglang sumagi sa isip ko na may project pala kami sa arts! OMG kailangan ko palang makabili ng mga kailangan ko. Agad agad naman akong nagbihis para pumunta sa mall. sa NBSdun kasi sigurado na nandun lahat ng mga hinahanap at kailangan ko kesa dito sa bookstore malapit samin mini bookstore lang kasi yun puro mga books lang talaga ang mga tinitinda tapos kung meron mang iba yung mga basic lang na kailangan na school supplies.
///
Nung nasa mall nako para akong ewan dahil ako'y nag iisa na naman, walang kasama, sabagay dina ko nasanay, palagi naman palang ganto dati pa, kung tawagin ko kaya si Marcus? Aii, wala pala akong number niya nakalimutan kong hingin, tsk. May phone kaya yun? Ai oo nga, meron pala yung nakita kong pang soundtrip niya nung nasa rooftop siya nun, Tsaka kung may number man ako niya tas yayain ko siya dito hindi naman siguro yun papayag.
Ai nako bahala na nga. Pumasok nako sa NB para bilhin na lahat ng mga kailangan ko. Pentel pen, pencils, water color, crayons, construction paper, art paper, different colors of acrylic paint and so on. Andami kasi eh. Nung matapos ko na lahat bilhin lahat ng mga kailangan ko. Lumabas nako ng NB para maglibot libot muna with myself . Yeah. Lakad. Lakad. Lakad. Ng biglang nakita ko na naman si Calyx kasama si Brianna. OMG! anong ginagawa nila dito? Nag de date? As usual Ano pa ba? sinundan ko sila dahil una naman silang naglalakad sakin eh. Bali nasa likod nila ko, sunod lang ako ng sunod stalking time na naman.
>
"Hon dun tayo oh?" "ah sige hon." nagtataka kayo kung bakit hon na ang tawagan namin? Dahil kasi kami na.! Yep. Finally, sinagot na niya ko, it's official pero wala pa namang nakakaalam eh. Kasasagot niya palang kasi sa akin kahapon pagkatapos nung try out, kaya pala siya pumunta sa HVA, tapos yun na.
Una, pinakaba muna niya ako eh, sinabi niya na tumigil na daw akong magcourt, siyempre sinong di kakabahan dun diba. Akala ko babastedin na niya ko ngaun pala hindi, ibig niyang sabihin kaya na niya ko pinapatigil dahil, yun nga kasi sinasagot na niya ako..Sobrang saya ko nun dahil sa wakas girlfriend kuna ang dati ko lang pinapangarap, dati kasi hanggang ligaw tingin lang ako sakanya pero ngayon diko sukat akalain na kami na, tapos ang saya dahil varsity player nako ng school namin.
Pero first of all iintroduce ko muna ang sarili ko, I'm Calyx Martinez 17 years old certified campus hearthrob na dating hindi, pero one day natuto akong mamorma at mag improve ng sarili, at yun dun na nagsimula ang pagkaguluhan ako ng mga maraming kababaihan hindi naman sa nagyayabang talented din ako.. Marunong akong kumanta especially pop rock songs yun yung genre ko eh, siyempre lover boy din dahil makulay at masaya ang lovelife ko si , Brianna Santos ang aking girlfriend.
Habang masaya kami dito ni Brianna andito kasi kami ngayon sa Worlds of fun eh, pumunta kami dito yung maghuhulog ka ng token tas tas may pipindutin ka,ikaw yung magmamanipulate dun sa bakal yung kukuha ka ng stuffed toys yung maliliit lang yung super nakakainis paglaruan yung nakuha muna tapos bigla ulit mahuhulog. Then all of a sudden parang may nakakairitang kanina pa sunod ng sunod samin, kanina ko pa to napapansin nung naglalakad palang kami ramdam ko na na may sumusunod na eh, pag lilingon naman ako sa likod bigla nalang mawawala.
"Yes, hon? May problema kaba kanina kapa lingon ng lingon sa likod eh, is there something wrong?"
"No hon, wala, wala tara kain muna tayo."
"Ok sige."
Nagyaya muna kong kumain dito kay Brianna, tapos may nakita akong babae na mukhang familiar na sumusunod, aha! Eto siguro yun. Yung kanina ko pa nararamdaman na sunod ng sunod. Grrr, creepy stalker . Nung tumingin ako sakanya nag iba ang direksyon ng mga mata niya.
Kunyari tumitingin siya sa gilid tapos kinuha niya yung phone niya kunyari nagtetext, eh kanina natsempuhan ko na nakatingin nga siya samin. So weird. Pero mukha talaga siyang pamilyar. Binilisan nalang namin ang paglalakad tsaka dali daling pumasok dito sa isang restaurant dito sa mall, si Brianna mukhang nawiwirduhan na. Kailangan kong madakip tong babaeng to kakausapin ko siya kung bakit siya sunod ng sunod. Nung nakaupo na kami mejo lumuwag na ang pakiramdam ko dahil finally wala na yung probably stalker ko. Sobrang halata niya kasi eh. "May I get your order, Ma'am? Sir."
Si Brianna nalang ang pinapili ko dahil busy ako sa pagmamachag dito, baka kasi pati dito sinundan kami nung babaeng yun. And then speaking of the devil pumasok siya dito sa resto! God, nakakatakot na talaga ang babaeng to.
"Hon, may problema kaba? Bakit parang kanina kapa hindi mapakali. Sino bang tinitignan mo?" lumingon lingon si Brianna.
"Wala yun tara let's eat." pag chechange topic ko dahil buti nalang andito na yung mga inorder namin, pasimple kong tinitignan yung creepy girl na yun, ano ba talagang kailangan niya bakit siya sunod ng sunod? kailangan ko talaga siyang kausapin.
"Hon yung girl ba na yun yung kanina mupa tinitignan?"
"No hon."
"Tsk don't deny it, akala muba hindi ko napapansin, do you like her?!"
"No hon, nagkakamali ka.!" mejo tumataas na ang boses ni Brianna, umandar na naman kasi ang pagkaselosa niya. Aish, nakakainis naman kasi itong creepy girl na to eh! Ano ba kasi talagang kailangan niya? Bakit siya sunod ng sunod! Niruruined na niya ang date namin eh.tch
eto na nga ba ang sinasabi ko, biglang tumayo si Brianna, at lumapit dun sa babae!
"Excuse me miss, bakit ka tingin ng tingin sa boyfriend ko ha?"
"Ha?! Boyfriend!" mukhang gulat na gulat siya, so weird talaga.
"Yes! At bakit kapa kanina tingin ng tingin sakanya. Do you like him? I'm sorry hindi na pwede dahil may girlfriend na ang gusto mung landiin." pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Dahil dito sa eksenang nangyayari.
"Wait, nilalandi agad? Porke nakatingin sakanya gusto ng landiin." nakakainis, pala sagot pa tong babaeng to. mukhang naiinis na si Brianna.
"edi inamin mudin na tinitignan mu siya, Anu ba talagang kailangan mo ha! May balak ka ba!" bago pa man makasagot yung babae hinila ko na si Brianna nakakahiya na kasi dahil pinagtitinginan na sila.
"Wait hon, ako ng bahalang kumausap jan sa babaeng yan." wait for me, dito ka muna. "But hon?"
"dito ka muna promise babalik ako. Kakausapin ko lang siya." pagkatapos kong magpaliwanag sakanya, hinigit ko kaagad yung babae palabas. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talagang problema niya, bakit siya sunod ng sunod.
>
Nagulat ako sa susunod na eksena,dahil bigla akong hinigit bigla ni Calyx,kinuha ko yung mga pinamili ko kanina sa NBS tsaka nagpahigit sakanya.di ko alam kung matutuwa bako dahil hinigit niya ko dahil kasi hinawakan niya ang kamay ko o matatakot baka kasi anung gawin niya, masyado naba akong creepy? Dahil sobra ako kung makastalk, Mukhang masama na ang timpla ko kay Calyx, dahil nga sa ginagawa ko nahalata na niya siguro. Ang palpak ko naman kasi. Tapos sinagot sagot ko pa kanina si Brianna, nainis lang kasi ako, dahil girlfriend niya na pala siya.
Patuloy lang siya sa paghigit sakin. "Wait, san moko dadalhin?!" hindi siya umiimik, mukha siyang galit. Ano ba naman kasi Sophie nakakahiya mga pinagagawa mo. Markado kana tuloy sakanya! Ano ba tong pinasok ko.
Dinala niya ko dito sa labas ng mall.
"Tell me miss, Bakit kaba sunod ng sunod sa amin ha?”
hindi ako makatingin sakanya ng diretso, dahil nahihiya ako sa mga pinag gagawa ko.
"Hindi ah, di ako sumusunod sa inyo, akala mulang yun. It's purely coincidental."
"What? Coincidental? Eh obvious na obvious ka nga eh.! Alam mubang ng dahil sayo nasisira ang date namin ng girlfriend ko!" Oo na ako na may kasalanan. Sorry Calyx. Sabi ko yan sa isip ko. Natameme lang ako.
Di ko alam kung anong isasagot ko sakanya.
"Ano miss! Magsalita ka, ano ba talagang kailangan mo!" di parin ako makasagot. What should I do, tumakbo nalang kaya ako.
"Wala, sorry." yan nalang ang nasabi ko tsaka kumaripas ako bigla ng takbo.
"Wait!!!!" hinabol niya ko, pero sumuko din. Tumigil ako ng hingal na hingal.
Ano ba itong mga pinaggagawa ko, super nakakahiya. Pano nalang kung magkita kami ulit. Schoolmate ko pa naman siya, siguradong ayaw na niya sakin tapos sure din ako na kinaiinisan na niya ko. nakakita ako ng taxi tsaka ako pumara. Makauwi na nga lang kahit nakakapanglambot ang mga nangyari ngayon.
///
[ That Night ]
Pagkatapos kong gawin yung project ko at magluto, pumunta ako dito sa bubong habang hawak hawak yung lalagyan ng bottled water ni Calyx yung tinapon niya noon na pinulot ko.. Yes, eto minsan ang tambayan ko, wala naman kasi akong makausap, kung hindi ang mga bituin, mukha na kong tanga. Pero kasi kapag kinakausap ko sila parang gumagaan pakiramdam ko eh. Huminga ako ng malalim tsaka ko tinitigan yung bottled water ni Calyx na linagyan ko pa ng design.
"Hay, Calyx! Sorry kung nagiging nuisance nako sayo."
tsaka ko ginulo gulo ng buhok ko, sophie naman kasi ayan tuloy hate kana ni Calyx dahil sa mga katangahan mo? Naiinis ako sa sarili ko..t "Pano na niyan? Mas mahihirapan na kong magpapansin." pero bahala na nga. Matutulog nalang ako. Tsaka ako muling pumasok sa loob, dumaan ako dun sa binta ng kwarto ko tsaka humiga na upang makatulog.