Chapter 8

1768 Words
Chapter 8 > [Monday] Kasalukuyang ako ay papasok na ng school ng nagkataon na nakita ko na naman si Calyx, hinatid niya si Brianna sa school niya, hay! Napakagentleman, ang swerte ni Brianna sakanya dahil halatang mahal na mahal niya to.  Tumigil muna ko sa paglalakad upang tignan muna sila. Inaamin ko naiinggit ako kay Brianna hindi dahil sa maganda siya wapakels ako sa kagandahan niya, mas maganda naman kasi ako. pero wala naman na akong magagawa sila na eh. Kahit yata magtumbling pako at dasalin lahat ng mga santo hindi kuna maiibaba ang katotohanan. Tanggapin munalang Sophie na may girlfriend na siya. Tsaka ko sinampal sampal ang sarili ko. Ajuju Magbebreak din kayo!  pero parang malabo mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. Hanggang pangarap ko lang talaga si Calyx,. The best that I can do is Accept the fact nalang. Hanggang dito nalang talaga. Anyway lumabas na pala si Calyx, at ako naman nagtago ako baka kasi makita na naman niya ako. Stalker na kasi talaga ako eh. Gusto ko kasing malaman mga ginagawa niya sa tuwing nakikita ko siya. Sumakay na siya kanyang kotse at tuluyan ng umalis. At ako tinuloy ko na ang paglalakad. Nung ako'y nasa school na, sa gate palang andami ng mga nagkukumpulan na tao, puro sila nagbubulungan. Ano kayang meron? Nacurious ako kaya pasimple akong nakinig sa mga pinag uusapan nila. "Talaga! Si Brianna na at si Prince Calyx na?" "Yeah, it's official kakasagot palang daw ni Brianna sakanya, madami ding nakakikita sakanila tuwing nagdedate sila." "After long months, buti sinagot na niya no." "Oo nga, but vote naman ako kay Brianna for Calyx eh." "Me too, bagay na bagay sila." Nung marinig ko yon napapout na lang ako, alam nadin pala nila, sabagay kahit di nila ipaalam yun, malalaman at malalaman din ng mga tao, sikat sila eh, aish, badterp sila na nga talaga. Nagunaw ang mundo ko, huhu. Dahil ang aking number one crush ay officially taken na. kasalukuyan akong nagdadrama dito habang naglalakad sa hallway ng bigla nalang may umakbay sakin. Tumingin ako sakanya at laking gulat ko ng si Marcus to! Na may dala dalang gitara nasa may bag na gitara ito tapos nakasabit ito sa kaliwang balikat niya, "Pano ba yan, may girlfriend na ang pinagpapantasyahan mo." "I know right." "So, nasaktan ka?" "Oo naman." "Ngee, Lost ka." "Oo na, wag munang ipagduldulan pa. Tapos mukhang ayaw pa ni Calyx sakin." "Bakit??" "Eh kasi nadakip niya ko nung saturday na sinusundan ko sila eh." "Eh bakit mo naman kasi sila sinusundan." "Wala lang. ganun talaga ako eh, malaki ang kyuryusidad sa katawan." "Kaya naman pala. Dapat hayaan mu nalang, wala ka namang magagawa eh, kahit ano pang papansin moves mung gawin, waepek na yan, dahil taken na siya tapos idagdag mupa yung pagkainis niya sayo.." "Mangarap ka nalang." "Ang sama mo. BH na nga ko eh." "BH? bakit naging kayo ba? Eh ikaw lang naman tong may gusto sakanya." "kahit na, nasaktan kaya ako nuh." "Ikain mu nalang yan." "Thank you sa suporta mo ha, alam mo nakatulong ka . " sarcastic na sabi ko. "bakit nga pala parang goodvibes ka ngayon? Anong meron?" tanong ko sakanya, dahil mukha kasi siyang nasa mood eh, maaliwalas ang kanyang mukha. Natutuwa ako dahil di na siya katulad ng dati. Pumapasok nadin siya ngayon. Simula nung pinilit ko siya at naging kaibigan ko siya, di na siya madalas magcutting. "Wala naman," "Ano nga?, sabihin muna promise diko pagsasabi." "Tumahimik  ka nga." "Inlove ka no?" "Kind of.." "Talaga! Kanino naman." "Hm, akin nalng yon." "Uy sino yan ah! Wala kang nababanggit sakin. Dito ba siya nag aaral?" "Nah, actually matanda siya sa akin ng 5 years, sad because hanggang nakababatang kapatid lang ang turing niya sakin." "Aww, kailan mo siya ipapakilala sakin Marcus? gusto ko din siyang maging kaibigan." "Manahimik ka,, ayoko siyang ipakilala sayo, dahil hindi kayo bagay, madaldal ka kasi, eh napakadisente at napakatahimik nun." "Ang daya, basta makikilala ko din yan, akalain mu yun! Nagkakagusto din pala ang isang tulad mo!" "Anung tingin mu sakin? sa totoo niyan, maliban ikaw, siya pa yung naging close ko in my 17 years of existance." tumaba naman yata ang puso ko dun sa sinabi niya. "Talaga? Excited na talaga akong makilala ang babaeng yan. Parehas pa kaming girl no?" "ah, parehas ba akala ko kasi lalaki ka." "Bwisit ka! Ang sama mo. Mukha ba kong lalake." "Oo." "Ewan ko sayo." "dalian mu na nga pumasok na tayo." "wow, himala kaw na mismong nagyayang pumasok ngayon, praise the lord halleluja! Iba talaga pag inspired." pang aasar ko sakanya. "Manahimik ka na nga.!" muli niyang sinakmal ang mukha ko ng kamay niya, kainis siya hobby niya to. "Ang baho ng kamay mo!" pero jk! Ang bango kaya. "anong mabaho ka jan! Mabango pa sayo to." "ambaho kaya, bakit ka nga pala may dala dalang gitara ha? Manghaharana ka?" "Nope, wala lang, dati ko pa naman ginagawa to, kahit nung wala kapa dito sa HVA." "Ganun." "Oo! Bilisan mu na nga." tiyaka niya hinigit yung kanang kamay ko papasok ng classroom. Natutuwa ako sakanya, iba talaga ang nagagawa ng inspiration, mabuti nga yun eh, para di na siya palaging masungit. Sigurado din ako pati ang mga teachers matutuwa, lalong lalo na si Miss Turla, dahil nagbago na tong pamangkin niya, I wonder who's that girl kaya? Basta kailangan ko yung makilala. /// "Hm. So class, may sasabihin ako sa inyo, especially yung mga wala pang nasalihang club." kainis, yan! ako nalang tong walang nasalihang club. nakakainis kasi mukhang ayaw nila akong isali. Nung sumali ako sa mga singers inichipwera lang nila ako dahil sakto na daw ang bilang nila tapos dun sa drama club ayaw din nila kasi bilang na talaga sila, magpapaaudition muna daw sila tapos alangan naman dance troupe ako sumali eh di naman ako marunong sumayaw. Eh sa sinalihan kaya ni Marcus? Puro sila lalaki. Nakakainis talaga ako nalang ang walang nasasalihan dito, cheerleading nalang kaya? Puro brats ang mga kasali dun yung mga kasali dun yun yung mga palaging umaaway sakin. Umalis pa si Marcus pumunta na sa mga kaclub niya, nagpipilian na kasi kami ng mga club ngayon, yung mga sumali sa bawat section at bawat year ay pagsasamahan nila. At eto nalang nga ang problema yung mga wala pa kailangan ihanap ng club. Jusko ano naman kaya ibibigay sakin na grupo. "So class sino nalang ang walang club sa inyo?" Nahihiya man ako pero tinaas ko padin ang isa kong kamay. Nakakahiya ako lang pala tong walang nasalihan. "Miss Mencken willing kabang maging member ng band ng school?" "Ano pong klasing banda ma'am?" " band of musicians, not that band who play popular music such as jazz,rock and jazz, hindi ganun ah, Band of musicians sila who play brass and percussion instruments tapos may majorette din na magmamarch sa front ng musical band in a procession, sila yung maglilead ng parade pag nagsimula na ang Intramurals.Yun nalang kasi ang club nanangangailangan ng member. So miss Mencken gusto muba isasali kita kaagad kasi talagang kailangan nila ng member." "Wooohhhh! Sasali na yan! Sasali na yan! Wooohhhh!" Naghiyawan lahat ng mga kaklase ko, so gusto talaga ako nilang maging banda huh? Banda na pampyesta.akala ko pa man din rock band. Yun pala ganun. Kakainis sa ganda kong to member ako ng banda ng school?  "Quiet class! Hintayin nating makapagdesisyon si Miss Mencken." tumingin ako kay Marcus mula dun sa kumpulan nila ng mga kaclub niya tumango lang siya. So ibig sabihin pumapayag siya? bahala na nga, kesa naman wala akong club. "Yes ma'am pumapayag po ako." "Wooohhhh!" Naghiyawan muli sila nakakainis mukhang pinagkasunduan nila na mapasali ako sa band. Pero wala nakong magagawa naka Oo nako pabayaan ko nalang. "Great, Miss Mencken, isa kana sakanila from now on." /// Pauwi na ko ngayon na mejo malungkot, nakakainis lang kasi dun yung bagsak ko sa banda ng school, official kasali nako sakanila, bukas daw magmimeeting at magkikita kita kami, para maintroduce na namin ang mga sarili, bawat isa sa amin. Palabas na sana ako ng biglang may sumigaw.. "Hoy hintay!" "Huh?" pagkalingon ko si Marcus tumatakbo papunta sakin. "Bakit di moko hinintay ngayon ah?" "Nakita kasi kita kanina busy pa kayong nag uusap usap ng mga kaclub mo." "Edi sana hinintay mu nalang ako." "Ayaw ko nga, akala ko kasi matagal pa kayo, ano bang pinag meetingan niyo?" "Hm. Diba kami ang musician bali ng school? Bali kami ang tutugtog tuwing may magcoconcert o may magkakanta sa mga special events ng school." Si Calyx ano kayang sinalihan niyang club? "Kasali ba sa club niyo si Calyx?" "Hindi eh.. Sa pagkakaalam ko, kasali siya sa mga singers. Nasa singing club siya. Pag magkakanta sila bali kami ang tutugtog." "Sayang naman, di nila kasi ako tinanggap dun, maganda naman ang boses ko eh, di man lang muna ko tinest. Nakakainis." "May sinasabi ka ba?" "Wala, wala. ." "Hmm. Diba sa band club ka yung nagtatambol tuwing may intrams tsaka yung nagtotorotot tapos yung costume niyo yung parang sundalo sa England tapos may hut, tas mukhang nutcracker tapos naka boots usually drums hawak niyo tsaka lyre. Hahaha" "Hahaha." pilit na tawa ko. "Alam mo nakakatawa ka, kung may choice lang. Kaso wala, kaya dun ang bagsak ko. Tas ginaganyan mupa ko. Asar ka talaga. "Hahaha. Totoo naman yung mga sinabi ko diba? May alam kabang tugtugin ng mga instruments nila? Usually kasi mga percussion instruments mga tinutugtog nila diba?" "Oo tama ka, marunong naman akong maglyre kahit konti, pero di pa naman namin napagu usapan kung ano ang ipapagawa nila sakin eh, wish ko lang taga hawak nalang ng flag." "Hm.diba kayo nun ang mga kasama ng mga cheerleaders tuwing may laban ang mga varsity players? Kaya tumango tango ako kanina para pumayag kana." "Ayaw mu nun tuwing may laban sila makakasama mo siya, tapos mapagchicheer mo pa siya. Yun yung dahilan kaya kita pinasali kasi alam ko na matutuwa ka pag nagkataon." bigla naman akong nabuhayan dun sa sinabi ni Marcus. "Oo nga no! Bakit hindi ko naisip yun." "Ewan ko sayo. Ang bobo ma kasi." "Bobo agad?” I scowled him. "So pano niyan? Edi gustong gusto muna niyan mapamember sa school band?" "Yep. Excited nako Marcus." "Aish, ang babaw ng kaligayahan mo, sige hanggang dito nalang ako may pupuntahan pa kasi ako." "Huh sino naman? Yung babae bang tinutukoy mo kanina?" "Oo. . " "Sama ako Marcus." "Hinde! Di ka pwedeng sumama. Lakad ko to." "Please?  "Ang kulit, bitawan munga ko, para kang bata alam mu ba yon, hindi nga kasi pwede! Diba may usapan tayo, nagpromise kana di kana magiging makulit." bumitaw ako sa pagkakahawak sakanya. "Ok, ang daya mo naman gusto ko lang naman makilala yung girl. Oo na sige na, alis kana." "Ok bye." umalis na siya at ako naman kunyari pauwi nako, pero sinilip silip ko siya, nung mejo malayo na siya hinabol ko kaagad siya pero siyempre hindi ako nagpakita, nag ala spy ako, ayaw mokong isama ha, pwes ako nalang ang magkukusa gusto ko kasi talagang malaman kung sino yung gustong babae ni Marcus na yun. Anu ba to, Stalker na nga ako kay Calyx pati ba naman kay Marcus? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD