Chapter 2

1501 Words
Pumasok si Glenn sa loob ng store para bumili ng isang dosenang beer can. Agad niya itong binayaran kasama na din ang kinuhang ilang snacks. Sa paglabas niya ng tindahan ay nadatnan niyang lasing na ang babaeng waitress at may kausap ito sa kaniyang cp. Agad na dumiretso si Glenn sa kaniyang sasakyan upang ipasok ang biniling alak at snacks. Tatayo na ang babae waitress na si Rose ngunit matutumba na ito. Mabuti na lang at may umalalay agad sa kaniya na babae. Agad namang tinungo ni Glenn si Rose at tumulong sa pag alalay sa babaeng nahihirapan ng umalalay kay Rose. "Ako na ang bahala sa kaniya," wika ni Glenn sa babaeng tumulong kay Rose. "Sir kaano-ano po niya kayo?" "Im his boyfriend." Pagpapakilala ni Glenn sa babaeng kausap. "Sige po kayo na po ang bahala sa kaniya. Mukhang kanina pa po yan umiinom at iyak ng iyak ng datnan namin siya rito. Ang akala nga po namin ay hiniwalayan siya ng boyfriend. Yun pala may forever si ate ganda at ang guwapo niyo po sir. Ang swerte ni ate ganda dahil ang guwapo niyo po," mahabang sabi ng dalagang babae. "Salamat sa pag alalay sa kaniya. Sige iuuwe ko na siya." Agad na binuhat ni Glenn si Rose na parang bagong kasal at dinala sa kaniyang sasakyan. Dahan dahan niyang inihiga sa may back seat at kinumutan niya ng jacket para hindi ito lamigin. Inistart na ni Glenn ang engine ng makina saka pinaandar ng dahan dahan ang kaniyang sasakyan para hindi makaramdam ng hilo si Rose. Ngunit nag umpisa na ngang sumuka si Rose sa loob ng kaniyang sasakyan at pati damit ni Rose ay nasukaan niya din ito. "What the heck! iinom-inom ng madami tapos hindi din pala niya kaya. Humanda ka sa akin bukas. Dahil sa dami ng atraso mo sa akin sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ito," galit na sabi ni Glenn. Nasa tapat na sila ng building kung saan naroon ang condo unit ni Glenn. Nagpatulong siya sa guard na buhatin ang babaeng inuwe niya sa condo dahil nandidiri siya sa dami ng kaniyang sinuka. Mas inintindi pang hawakan ni Glenn ang dala nitong biniling alak at snack kaysa buhatin si Rose. Yung guard na lang ang inutusan niyang magbuhat at pati din siya ay nandidiri din dahil sa sinuka ni Rose. Nasa loob na sila ng condo ni Glenn at ipinahiga na lamang si Rose sa couch. "Here, kunin mo ito." Inabutan ni Glenn ang guard ng isang libo at umalis na ito. Nagpalit muna si Glenn ng kaniyang damit saka niya din papalitan ng damit si Rose. Nang makapagpalit na si Glenn ng damit ay sinunod niyang bihisan si Rose. Inisa isang tinanggal ni Glenn ang damit na nasukahan ni Rose pati na din ang pantalon nito. Hindi ba alam sa sarili ni Glenn kung bakit ganito na lang ang ginagawa niya sa isang babae ni hindi naman niya ito kilala. Naalala na lang niya ang nangyari sa restaurant kanina ng madakma ng babaeng natutulog ang alaga niya. Kakaibang sarap iyon para sa kaniya na hindi man lang niya naramdaman sa mga babaeng naikakama niya. Tanging bra at panty na lang ang natitirang suot ni Rose. Hindi mapalagay si Glenn sa nakikita niya ngunit kailangan niyang pigilan ang init ng kaniyang katawan. Kumuha na lamang si Glenn ng basang towel saka niya pinunasan ang mukha ni Rose pati ang buong katawan nito. Dinamitan niya din ito ng bago niyang damit na kulay puting tshirt. Sinuotan niya din ito ng kaniyang pajama upang hindi ito lamigin saka niya ito binuhat upang ilipat ito sa malambot na kama. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng babae. Maganda si Rose pero payat lang ito dahil sa sobrang pagtatrabaho nito ay pati katawan nito ay napabayaan na din niya. Hindi din nakapagtapos ng pag aaral si Rose sa kadahilanang namatay ang kaniyang ama kaya hindi na muli pang nagtuloy sa pag aaral si Rose. Ang kaniyang ina naman ay may sakit at kailangan maoperahan agad sa lalong madaling panahon. Hindi kaya ni Rose na itaguyod ang naiwang pamilya ng kaniyang ama dahil may dalawang kapatid pa itong nag aaral. Kaya lubos na nasaktan si Rose ng matanggal siya sa trabaho. Tumunog ang cellphone ni Rose sa loob ng kaniyang bag at kinuha iyon ni Glenn dala dala ang iniinom nitong beer. Nakita nito sa screen ang pangalan na Gavin ngunit hinayaan niya lang iyon at binalik muli ito sa loob ng kaniyang bag. Tumunog muli ang cellphone niya at hindi yun tawag kundi text message. Dahil sa pakialamero itong si Glenn ay agad niyang binuksan ang text message at galing iyon sa kapatid ni Rose na si Patty. "Ate kailangan na ni inay ang gamot niya. Nakabili ka na ba? " Tumunog muli ang cellphone ni Rose at binasa muli ng pakialamerong Glenn ang cellphone ni Rose. "Ate inatake na si mama sa sakit niya, asan ka na ba, kailangan ka namin dito please umuwi ka na ate." Ilang minuto na ang nakalipas ay wala ng muling nagtext pa kaya binalik din ni Glenn ang cellphone ni Rose na di pindot lang. Nakaubos na ng pitong beer si Glenn at nakaramdam na ito ng pagkahilo. Agad na tumabi kung saan natutulog si Rose. Sa couch sana ito matutulog pero hindi naman siya kasya doon dahil sa sobrang tangkad nito. Nakatulog agad si Glenn dahil sa sobrang kalasingan nito. Kinabukasan nakaramdam si Glenn na parang may amoy paa na nakadagan sa kaniyang mukha kaya napabalikwas ito ng bangon. Kaya ang nangyari ay naitulak niya ng malakas ang paa ni Rose na siya namang kinagising ni Rose dahil nahulog ito sa kama. Napadaing sa sakit si Rose dahil sa sobrang lakas ng pagkakatama ng kaniyang ulo at pati katawan nito ay masakit dahil sa pagkakahulog niya sa sahig. "Asan ba ako," sapo ni Rose ang ulo niya habang nakasalampak sa may sahig. Lumapit si Glenn kay Rose upang tulungan niya ito pero ng makita ni Rose kung mapagsino ang lalaking kaharap niya ay hindi niya akalain na magkikita silang muli. Siya ang dahilan kung bakit ito natanggal sa trabaho na kakaumpisa pa lamang niya. "Ikaw?" turo niya kay Glenn. "Yeah, its me. Why?" "Anong ginawa mo sa akin, bakit ganito na ang suot ko." Mangiyak ngiyak na sabi ni Rose dahil hindi niya akalain na ganito mangyayari sa kaniya matapos itong magpakalasing kagabi. "Hey wala akong ginawa sayo, dapat pa nga magpasalamat ka sa akin dahil tinulungan pa kita at binihisan." "Anong sinabi mo, i-ikaw ang nagpalit sa akin kagabi?" pautal utal kong tanong sa kaniya. Napatayo ako sa pagkakasalampak ko sa sahig upang sampalin siya. Ngunit sobrang tangkad niya at nahiya naman ako sa height ko. "Walang hiya ka napaka walang modo mo dahil sayo natanggal ako sa trabaho." Nakapa meywang lang si Glenn habang nagagalit si Rose sa kaniya. "Ako pa ang may kasalanan kung bakit ka natanggal sa trabaho, bakit hindi mo tanungin diyan sa sarili mo kung bakit ka natanggal sa trabaho. Hindi mo deserve yang trabahong yan dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Kanino ka nga ba nakatingin diba sa akin at natapunan mo pa ako ng sobrang daming yelo sa damit ko. Kunwaring pinupunasan mo ko pero gusto mo lang maka chansing. And besides, may isa akong tanong. Anong naramdaman mo ng madakma mo ang junjun ko?" Napanganga na lang si Rose dahil hindi niya alam ang kaniyang sasabihin dahil kasalanan naman talaga niya iyon eh. Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaanan niya bagkus ay nakatingin lang ito sa guwapong mukha ni Glenn habang nagseserve siya ng drinks kahapon. Tapos hindi niya pa sinasadyang madakma ang sinasabi niyang junjun niya. Dapat pa nga siya ang humingi ng tawad dahil siya ang nagkamali. "Ano nga ba ang nangyari kagabi, wala kasi akong maalala eh," tanong ni Rose kay Glenn. "See, hindi mo pa alam kung anong nangyari sayo kagabi, kung hindi lang kita nakita at baka sa ibang kamay ka pa mapunta at hubo't hubad na nakaratay lang sa daan." Nagets agad ni Rose kung ano ibig sabihin ni Glenn. Tama nga siya king hindi dahil sa kaniya ay baka narape na siya at itapon na lang basta basta ang katawan ng bangkay pagkatapos itong gahasain. Uso pa naman ngayon ang gang rape dito sa bansa. Kawawa naman ang boyfriend ni Rose kung mamatay na lang ito ng hindi pa sila kinakasal ng boyfriend niya. Plano nilang magpakasal kapag nakauwe na ito sa Pilipinas. Isang taon ng nasa ibang bansa ang boyfriend niya at isang taon na lang ay uuwe na ito sa Pilipinas. "So hindi mo ba ako pasasalamatan dahil inasikaso kita kagabi." "Ewan ko sayo baka may ginawa kang kalokohan habang binibihisan mo ko eh. Lalaki ka at ako babae, imposibleng hindi ka nag init ng makita mong naka panty at bra lang ako." "Never akong mag iinit sayo at kahit na ikaw pa ang natitirang babae sa mundo hinding hindi kita magugustuhan. Your not my type. Ang payat mo!" Singhal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD