Chapter 3

1613 Words
"Payat man ako sayong paningin pero masarap naman akong angkinin ng paulit ulit." Anas ni Rose na dinig na dinig ni Glenn ang pagkakasabi niya. "What do you mean?! Are you a slut?" Tanong ni Glenn. "Ewan ko sayo, bahala ka ng mag isip. Siguraduhin mong hindi ka maaakit sa akin," pagtataray ni Rose. "Tsk! Never that happen, In your dreams!" pagdidin pa niya. Nginitian lamang ni Rose si Glenn at lumabas ang dalawang dimple ni Rose. "So cute!" usal ni Glenn at tinalikuran na siya ni Rose. Hindi mapakali si Rose sa kakahanap ng kaniyang damit sa sahig dahil gusto na niyang umuwe sa bahay nila dahil kailangan na ng mama niya ang gamot para makainom na ito pero dahil sa kagagahan niya hindi na ito nakauwe dahil naglasing siya kagabi. "Asan na yung damit ko, saan mo nilagay?" inis niyang tanong kay Glenn. "Ah iyong damit ba ang tinutukoy mo?! Naroon sa may basurahan. Kunin mo doon at baka mapakinabangan mo pa." turo ni Glenn sa may kitchen. "Aba ang bastos nito, hindi porket mahirap lang ako kailangan mo ng itapon ang damit ko at sa basurahan pa talaga." Kunot noong tinignan ni Glenn si Rose dahil sa pagtataray nito sa kaniya. Agad namang tinungo ni Rose ang basurahan ngunit ng makalapit na siya ay naamoy niya ang masangsang na amoy nito. Nakita niyang puno ng suka ang damit at pantalon niya kaya kahit sarili niyang suka ay nandiri pa ito. Lumapit naman si Glenn kay Rose at nakita ang itsura nitong nag aalinlangan. "Oh, kunin mo na kung maisusuot mo pa iyan." "Hindi, huwag na. Pahiram na lang muna ako ng damit mo, ibabalik ko na lang sayo bukas." "Pambihira naman!" reklamo ni Glenn. Pumunta na lang siya sa closet upang kumuha ng damit na maisusuot ni Rose. Isang t'shirt na mahaba at isang short na jersey na grey ang kulay ang nadampot niya. Lumapit si Glenn dala dala ang damit ngunit nakita niyang malungkot ito habang may binabasa ito sa kaniyang cellphone. "Here, kahit huwag mo ng ibalik yan. Bilisan mo ng magbihis pagkatapos ay umalis ka na." Inis niyang sabi. Tiningnan ni Rose si Glenn sabay irap nito sa kaniya. "Oo mag antay ka, aalis din ako dito." Kinuha agad ni Rose ang damit saka nagtungo sa banyo upang doon magbihis. Hindi na siya naligo pa kundi naghilamos na lang dahil nagmamadali na itong makauwe at nag aalala na ito sa kaniyang mama. Naging pabaya si Rose sa sarili niya at masyado niyang dinibdib sa pagkawala ng kaniyang trabaho. Iyon na lamang ang tanging pag asa niya para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mahal sa buhay. Ngunit hindi sapat ang kinikita niya lalo na't may sakit ang kaniyang mama. Lumabas si Rose sa banyo at nakapagbihis na ito. Naging bestida na sa kaniya ang suot niyang tshirt tapos lagpas tuhod ang haba ng short nitong suot. Nakita naman iyon ni Glenn at kunot noong tinignan niya si Rose na nakasimangot. "Salamat sa pagtulong mo sa akin mister sungit. Aalis na ko. Sana ito na ang huli nating pagkikita." "Ano sa tingin mo na gusto pa kitang makita pa. Get out!" Kinuha na ni Rose ang bag saka umalis na ito. Naiwan ng mag isa si Glenn sa loob ng condo. Nasa may waiting shed na si Rose nag aantay ng masasakyan. Kinuha niya ang wallet nito upang kumuha ng pera. Naalala niya pala na naubos niya na ang pera niya at pati pamasahe niya ay naipambayad niya na sa ininom niyang beer kagabi. Hindi niya alam kung paano pa siya makakauwe dahil wala ng natira sa pera niya. Naalala niya yung lalaki na tumulong sa kaniya kaya agad niya itong binalikan. Kinapalan na talaga ni Rose ang mukha niya para makahiram lang ng pera pamasahe pauwe. "Ang malas ko naman bakit ba ito nangyayari sa akin." anas ni Rose habang tinutungo ang condo ng lalaking hindi pa niya nakikilala. Nasa may tapat na siya ng pintuan at nag aalangan kung itutuloy pa ba niya o hindi. Ngunit naisip niya na kailangan niyang makauwe agad para maibigay na niya ang gamot ng kaniyang mama. Una kumatok si Rose pero wala ni bakas na tao na magbubukas ng pintuan sa kaniya. Sa ikalawang katok niya ay ganoon pa din. Sa ikatlong katok niya ay bumukas ang pinto. Napatulala si Rose ng makita niya si Glenn na nakatapis lang ito ng tuwalya. "Why are you here again? May kailangan ka ba kaya ka bumalik ha Miss payatot. Akala ko ba ito na ang huli nating pagkikita," masungit niyang sabi. Sinimangutan lang ito ni Rose. Hindi niya dapat ito patulan dahil may kailangan ito sa kaniya at baka hindi siya pahiramin ng pera at maglalakad siyang pauwe sa kanilang bahay. "Ah ano kasi, kailangan ko kasi ng pera pamasahe pauwe sa amin. Wala pala laman yung pitaka ko." Napakamot na lang ng ulo si Rose dahil sa ginagawa niyang kapalpakan sa sarili niya. "Ganiyan ka ba makiusap gayong sa ibang direksiyon ka naman nakatingin. Why dont you face infront of me?" pag gigiit nito. Paano ba naman makakatingin si Rose kay Glenn kung ang harapan niya ay napaka yummy ng mala adonis niyang katawan. "Ah sorry mister akala ko kasi nandoon ka," turo ni Rose sa kanan niya. Agad naman siyang sinaraduhan ni Glenn ng pintuan kaya kinatok katok muli ni Rose ang pintuan. Bumukas ulit ang pintuan at bumungad sa kaniya ang galit na galit na si Glenn. "What?!" Nagulat si Rose sa pagsigaw niya kaya nag aalangan si Rose na magsalita muli. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang paghiram nito ng pera pamasahe. "Sige aalis na lang ako, sorry kung naistorbo kita." Mabigat ang mga paa ni Rose ng lisanin niya ang condo ng lalaki. Kaya naman maglalakad itong pauwe sa kanilang bahay. Nakaramdam naman ng awa si Glenn sa sinapit ng babae kaya agad siyang nagbihis upang ihatid na lang ang babae kung saan ito nakatira. Alam niya sa sarili niya na mali ang ginagawa niya dahil sa pagtrato niya sa babae. Lalo na at inaantay siya ng mama niya dahil nasa kaniya ang gamot. Nagmamadali si Glenn para hanapin niya ang babae, gamit nito ang isa pa niyang sasakyan dahil yung paborito niyang sasakyan ay nasukaan lang ng babaeng hindi pa niya nakikilala. Hindi nabigo si Glenn sa paghahanap niya sa babaeng si Rose. Binusinahan niya si Rose ng malakas kaya nagulat na lang ito dahil ang akala ni Rose ay masasagasaan siya. Galit na galit ang itsura ni Rose kaya kumuha ito ng bato saka pinagpupopokpok nito ang salamin ng bintana. Agad na lumabas si Glenn at nagulat na lang si Rose dahil yung sakay ng kotse ay walang iba kundi yung lalaking nagpapamalas sa kaniya na si Glenn. "Ikaw na naman ha, sinusundan mo ba ko. Muntik mo na kong patayin sa nerbyos ah. Kung makabusina ka naman akala mo sa iyo ang daanan. Hindi porket de kotse ka na ay sa iyo na ang daanan." Nakatingin lamang si Glenn sa may gawi ng bintana habang tinatarayan siya ni Rose. Nakita ni Glenn ang damage ng salamin ng bintana niya, konting konti na lang ay tuluyan na itong mawawasak. Nakita din iyon ni Rose kung ano ang nagawa niya sa salamin ng bintana ng sasakyan. Napanganga na lang ito at napahawak sa sariling bunganga. "Nakita mo ba yang ginawa mo ha, puwede kitang ipakulong dahil diyan sa ginawa mo. Kaya mo bang bayaran yang damage na ginawa mo. Are you crazy woman?" galit na sabi nito. "No, ayokong makulong ang pagmamakaawa ni Rose. Pag usapan natin ito please. Kailangan na ko ng mama ko ngayon, kailangan ko ng makauwe." May tumulong luha sa mga mata ni Rose at nakita iyon ni Glenn. Binuksan ni Glenn ang pintuan ng sasakyan sa may front seat. "Get in," utos ni Glenn kay Rose. "Hindi huwag na maglalakad na lang ako. Salamat na lang." Naging galit na naman ang itsura ni Glenn dahil ang isa sa pinaka ayaw niya ay yung sinusuway siya ng babae. Ang gusto niya ay siya ang nasusunod. "I said get in," matigas na sabi niya. "Ayoko! ayoko! ayoko!" paulit ulit na sabi ni Rose. "Puwede bang hayaan mo na lang ako." Tuluyan ng umalis si Rose at iniwan niya si Glenn habang hawak hawak ang nakabukas na pintuan ng kaniyang sasakyan. Nakalayo na si Rose ngunit hinabol lang siya ni Glenn sakay ang kaniyang sasakyan. Halos pagtinginan na sila ng mga tao na akala mo'y para silang mag jowa na nagkakatampuhan. Wala ng pakialam si Glenn kung makuhanan man siya ng pictures kasama ang babaeng hindi pa niya nakikilala. Hininto ni Glenn ang sasakyan sa tabi ng gilid ng kalsada kung saan naroon si Rose. Nagulat na lang si Rose dahil nakasunod din pala ito sa kaniya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo ha, puwede bang huwag mo na kong sundan." "Okay, madali lang naman akong kausap eh." tumalikod na ito saka bumalik sa kaniyang sasakyan. Tumunog ang cp ni Rose ng makaalis na si Glenn. Nakita niyang si Patty ang tumatawag. Agad naman niya itong sinagot. Kinakabahan siya dahil iba ang kutob niya. "Hello Patty napatawag ka?" "Ate si mama isinugod namin sa hospital kanina. Asan ka na ba? Kailangan ka na namin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko ate. Please umuwe ka na ate." Umiiyak ang kapatid niya habang kausap niya ito. Kailangan niyang makauwe agad dahil kung maglalakad siya pauwe ay abutin siya ng siyam siyam. Agad niyang nilingon kung saan yung lalaki at iyon nga ini start na nito ang sasakyan at siya na lang ang tanging pag asa niya upang siya ay makauwe agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD