Umalis ako ng hindi na nililingon pa ang babaeng hindi ko pa nakikilala. Sobrang badtrip ako sa babaeng 'yon dahil masyadong maingay itong magsalita. Sasakay pa lang ako sa aking kotse ng marinig ko ang pagsigaw nito at tumakbo papalapit sa akin.
"What?" Kunot noong tanong ko sa babaeng hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Ah, eh!" Iyon lang ang tanging tugon nito at napakamot pa sa sariling ulo.
"Hurry up!" Inis kong tugon rito.
"Kung pwede po sana sir makisuyo na lang sa inyo, paakihatid po ako sa amin...ah este sa hospital po.." Hiya nitong sabi.
"Im not your driver in public vihicle para sa akin ka sumakay." Madiin kong sagot. Napanganga ang babaeng kausap ko na gustong makisakay sa akin. Sumama ang timpla ng kanyang itsura at galit na galit ang paggawang paninitig nito sa akin.
"Ang sama ng ugali mo!" inis niyang turan saka na ito padabog na umalis. Nakaramdam tuloy ako ng awa dahil may nag aantay na magulang sa kanya at nasa hospital pa ito.
Sumunod ako sa kanya at dinig na dinig ko ang mga samut saring reklamo niya sa akin.
"Hey!" Napahinto siya at napaharap sa akin.
"Ano?! Nagmamadali ako sa pupuntahan ko at puwede ba lubayan mo na ko." Tumalikod na ito at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hinuli ko agad ang kamay niya at biglang napaharap ito sa akin kaya nagpang abot kami ng banggaan sa aming mga katawan. Agad naman niya akong tinulak at galit na naman ang itsura nito sa akin. Nginisian ko siya dahil nakakatuwa lang tignan. Pinamewangan ako na parang nanay na nagagalit sa akin. Naalala ko tuloy bigla si Mommy dahil ganito magalit kay daddy.
"Halika na, ihahatid na kita." pag aya ko sa kan'ya. Sasagot na sana siya ng sumingit ako sa sasabihin niya sana. "Huwag ka ng magsalita pa kung ayaw mong kargahin kita. Follow me!" Utos ko ngunit hindi man lang ito kumikilos sa kinatatayuan niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko at ganun din ang kanyang tinuran. "If you stand there I will do what I said before." Banta ko sa kan'ya.
Hindi nga siya nagsalita ngunit nauna na itong nagtungo sa aking sasakyan at sumunod na lamang ako.
"Pambihira!" anas ko
Kasalukuyan kaming bumibyahe papuntang hospital. Katahimikan ang namayani sa amin. Ramdam kong nag aalala siya dahil sa inang may sakit. Napakahalaga para sa kanya ang pamilya niya at bilib ako sa katatagan niya dahil sa kanya umaasa ang kan'yang pamilya at halatang palaban ito sa hamon ng buhay ng kan'yang pinagdadaanan ngayon pero ako ay hindi man lang mabigyan ng importansiya ang aking pamilya kaya heto ako't pinapamadali ng ipakasal kay Viena pero hindi ko naman siya mahal. Pwede pa naman sigurong pakiusapan ang aking mga magulang na huwag ng ipakasal kay Viena at magbabago na ko. Pero paano ko mababago ang sarili ko, halos ganito na ang nakagawian ko simula pa lang, parang ang hirap naman ata na baguhin bigla ang sarili ko.
Hindi ko na napansin na narito na kami sa hospital. Pero bago pa man siya bumaba ay hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong may pagkagaspang ang kanyang mga kamay dahil sa pagtatrabaho para matustusan ang kan'yang pamilya.
"Bakit?" Tipid nitong tanong. "Ah wala pa po akong pambayad, utangin ko muna at pakilista na lang. Bayaran ko na lang pag nagkita tayo ulit." Napatawa ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako naniningil.
"No! not that. By the way Im Glenn." Pagpapakilala ko sa kan'ya.
Ngumiti ito,"Im Rose!". Pagpapakilala din niya saka ko binitawan ang kamay niya. May inabot ako sa kanyang calling card at kinuha niya ito.
"Call me if you need a job." Ngumiti siya ng tipid.
"Salamat sir!"
"Glenn!" pagdidiin ko sa aking pangalan.
Umalis din siya pagkasabi niya 'yon. Napababa ako ng sasakyan ko dahil naalala kong wala itong pera kaya hinabol ko siya.
"Wait! Rose, napahinto siya at lumingon.
"Ano naman ba iyon?" Inis niyang turan dahil nagmamadali na ito. "Hilig mo talagang manghabol noh! Sana sa susunod na mangyari ulit ito, ako naman ang maghabol," dagdag niya pa. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya.
"Here, take this." Inabot ko sa kan'ya ang sampung libo ngunit tinignan niya lang ito at nag aalangan na kunin ito. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa kan'yang palad.
"Para saan po ito sir?"
"Get it!" saka ko pinagtiklop ang palad niya upang mahawakan niya. Agad ko ding tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Lumuha ito pero pinunasan din niya agad.
"Thank you sir!" mahinang sabi niya
"Don't call me again sir, just call me Glenn."
"Sorry nakalimutan ko eh! Aalis na ko ha, sana ay huwag ka ng hunabol. Ilista mo na lang mga utang ko sayo ha." saka patakbong umalis patungo sa loob ng hospital.
Umalis na din ako na masaya dahil nakatulong ako sa araw na ito. Palagi na lang niya sinasabing ilista ko na lang lahat ng binibigay ko sa kan'ya kahit wala naman akong hinihingi na anumang kapalit.
Patungo ako ngayon sa isang club kung saan dito ang tambayan ko.
Ring!! Mommy's calling.
"Yes Mom,"
"Hello son, I miss you."
"I miss you too Mom, how are you and dad also?"
"Doing good son. By the way, nextweek uuwi si Viena diyan. She want's to meet you. Sana ay magkasundo na kayong dalawa and soon magiging mag asawa na din kayo."
"Mom I don't like her, she's not my type."
"Mabait si Viena anak, maganda at edukada, alam mo 'yon. Right son?"
"Mom, I'll hang up the phone na, Im driving."
"Okay, I love you son."
"Love you too Mom." Agad kong pinatay ang tawag. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking manibela. Alam kong mabait si Viena at lumaki din itong galing sa hirap na nagsumikap para lang maabot ang pinapangarap niya dahil na din sa tulong nila Mommy at Daddy.
Narating ko din ang pakay ko at sinalubong ako ni Gracel. Hahalikan na sana niya ko ngunit umiwas ako.
"Why baby? Is there something wrong with us?"
Mahigpit kong hinawakan siya sa kan'yang braso. "Not here and don't call me baby by the way!" Madiin kong sabi. Galit ko siyang iniwan at tinunton ang aking sports car na marami na ang naipapanalo nito.
"Badtrip?" Tanong ni Sky na kararating ko lang sabay tapik sa aking braso.
"Yeah! Kausap ko si Mom lately at sinabi niyang uuwe dito sa Pilipinas si Viena and she wants to meet me."
"Oh, what's the big deal with that? Viena is smart girl and gergous."
"Dude she is not my type," pagdidiin ko.
"Alright, I got your point. The good thing to do is to drive this baby. He misses you." Ang sports car ko ang tinutukoy nito.
Ito ang palagi kong ginagawa sa tuwing nababad trip ako at dito ko binubuhos ang galit ko kaya ako palaging nananalo.
This is my life, my world and Im happy of bieng a Monster in car racing. Walang makakatalo sa akin pagdating sa labanan ng mga habulan. That word! Naalala ko bigla ang sinabi ni Rose. Isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Hanga ako sa pagiging matatag niya sa buhay kahit na may matinding pinagdadaanan ito sa buhay.
Isang linggo na ang nakalipas at wala pa din akong natatanggap na tawag mula kay Rose and this is the day that we meet Viena. Pero hindi ko din inaasahan kasabay ng pagdating nila Mommy at Daddy.
"Nasorpresa ka ba namin iho?" I was shock dahil narito sila sa aking opisina. Abala ako sa aking ginagawa at kailangan ko ng matapos as soon as possible then after this ay may meeting ako sa Palawan and I need to rest after my work.
"Mom, Dad?" Biglang taas ng boses ko dahil hindi ako makapaniwalang darating sila kasama ni Viena. Napatayo agad ako sa kinauupuan ko at sinalubong ng yakap si Mom at nagmano ako kay Dad bilang paggalang.
"Alam namin ng Dad mo nabigla ka sa pag uwe namin dahil excited na kasi si Viena na maikasal sayo." Agad na sabi ni Mommy. Napahilamos ako sa aking mukha dahil ayaw ko pang maikasal sa kan'ya.
"Mom, Dad busy po ako ngayon at marami pa po akong appointment na kailangang tapusin. Can we talk later Mom?"
"Ako na ang bahalang mag cancel sa lahat ng mga meetings mo," sabat ni Dad. "Hindi din kami magtatagal ng Mom mo dito."
"Yes at nais ka lang sorpresahin ni Viena. Viena, come here!" Tawag ni Mom kay Viena na nakatayo lang mula sa may pintuan. "Huwag ka ng mahiya sa anak ko iha."
Akala nila masaya akong makita si Viena pero naiinis lang ako sa kan'ya. Alam kong may kakaiba sa kinikilos niya ngayon but in the same thing ay may pagkamaldita din ito na hindi alam ni Mommy.
"Hi Glenn, nice to meet you again." Sabay lahad sa palad niya ngunit hindi ko iyon kinuha bagkus ay tinalikuran ko siya at naupong muli sa aking swivel chair. Mukhang napahiya si Viena sa inasal ko at agad na binawi ang kamay na kanina pa nakalahad sa akin kanina.
"Glenn?" Si Mom na mukhang galit.
"Lets go hon, mukhang stress si Glenn. Lets talk to him in other time." Wika ni Dad.
"Im sorry Viena!" Hinging paumanhin ni Mom sa kan'ya.
"Sige iho, aalis na kami. Dumaan ka sa bahay para sabay sabay na tayong mag dinner,* pag aya ni Dad sa akin.
Nang makaalis na sila ay kinontak ko kaagad si kuya at alam kong abala din siya sa kan'yang trabaho.
Ring!!
Agad naman niya itong sinagot. "Kuya, this is my dead." Malamig kong sabi. "My life and my world will stop, because of Viena," pagsusumbong ko.