Chapter 5

1584 Words
Para akong isang batang nagsusumbong sa aking kuya Nathaniel na hindi alam ang gagawin kapag may problema akong kinakaharap. Hindi pa ako handa na matali sa babaeng hindi ko mahal lalo na kung si Viena ang papakasalan ko. Hapon na at malapit na ang uwian at halos hindi ko pa natatapos ang mga paperworks ko na dapat tapusin dahil hindi ako makapag concentrate sa aking ginagawa. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng may kumatok sa pintuan at iniluwa doon ang aking secretary. "Yes Jane! may nakalimutan ka pa bang sabihin sa akin?" Maayos ang pagtatanong ko ng may sumolpot bigla sa kan'yang likuran. "Rose!" Mahina kong sabi. "Sir Glenn, kailangan po kitang makausap please po," pagmamakaawa nito sa akin. Ngunit hawak siya ng aking secretary sa kanyang braso. "Sir pasensya na po, hindi ko po siya masabihan na mag antay sa labas kaso mapilit siya na gustong pumasok agad. Magwawala daw po kapag hindi ka niya nakikita at nakakausap." "Okay, pakawalan mo na siya Jane. Ako na ang bahala sa kan'ya." Dumagdag pa ito sa problema ko ng hind ko malaman ang dahilan kung bakit ba siya naririto ngayon. "Sige po sir, lalabas na po ako." Magalang na sagot ni Jane at lumabas na ito sa aking opisina. "Why are you here?" Madiin kong tanong. Masaya siya ng nakita niya ko dahil nakangiti ito. "Sir Glenn, kailangan ko po sana ng tulong niyo at huwag po sana kayong magagalit sa akin." Napahinto siya sa pagsasalita. "Tell me what is that?! Hurry up!" Nagulat siya pagkasabi ni Glenn iyon kaya kusang lumabas na lang sa bunganga niya na nagkakanda utal utal pa. "K-Kailangan ko po sana ng malaking halaga para po sa operasyon ni inay." Diretsahan nitong sabi. "What do you think of me? Isang banker ha Rose?" Napakuyom siya ng dalawang kamao at napatulala siya sa sinabi ni Glenn dahil hindi niya inaasahan na ganoon ang isasagot nito sa kan'ya. Napayuko siya at tila napahiya sa inasal ni Glenn ngayon. Ang masiyahin kanina ay napalitan ng lungkot sa mukha nito. "Sorry po ikaw lang po kasi ang naisip kong makakatulong sa akin." Mahinang sabi nito. "Pwede ba Rose huwag kang yumuko kapag kinakausap kita." Iniangat niya ang ulo mula sa pagkakayuko nito. Nagtama ang mga mata naming pareho. Nakita ko na lang sa mga mata niya na may namumuong luha at pinipigilan niya lang itong pumatak. Mainit ang ulo ko ngayon at sumabay pa itong si Rose at wrong timing pa ang pagdating nito. "Pasensya na po kayo, kung naging desperada na ko na makahiram ng pera sa inyo. Gusto ko lamang po na maoperahan agad si inay dahil gusto ko pa siya makasama ng matagal at ito na lang ang tanging paraan ko para makasama pa siya ng matagal dahil mahal na mahal ko ang inay ko. Sige po aalis na lang po ako, mali ata na pumunta pa ko dito." Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya ngunit hindi ito lumingon at nagtuloy tuloy lamang ito sa paglabas ng opisina. Napahilamos ako sa aking mukha dahil nasaktan ko siya. Alam kong nangangailan ito ng malaking halaga para sa operation ng kan'yang magulang. Agad ko naman siyang sinundan pero ng makalabas na ko ay hindi ko na siya makita pa. Tinungo ko agad ang sasakyan ko at ng makasakay na ko ay agad ko na itong pinaandar. Sa pagmamadali ko ay may humarang na sasakyan sa daraanan ko. Napababa ako sa magarang sasakyan upang tignan kung sinong marahas na gawin ito para harangan ako sa daraanan ko. Bumukas din ang pintuan sa may driver seat at ganun na lang ang pagkagulat ko ng si Viena ang sakay nito. "It was you again." Malamig kong sabi. "Yeah! Are you surprise again, Glenn?" "Ganyan ka na ba kadesperada na maikasal ka agad sa, akin ha Viena?! Never that happen. In your dreams." Pagdidiin ko. Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa sobrang inis nito sa akin. "Hindi ako nagpunta rito para sa atin o para sa kasal natin. And by the way, hindi din ako desperada Glenn, alam nating hindi natin mahal ang isa't-isa and I hate this arrange marriage," pagdidiin nito. "Narito ako para pag usapan sana ito dahil ayaw ko pang matali sayo kaya't habang maaga pa ay sabihin na natin sa mga magulang natin. Mahal ko ang fiance ko na dapat sana ay sa kan'ya ako maikasal." Pag aamin niya sa akin. Napakunot ang aking noo sa sinabi niyang pag aamin. "Is this is true?" Hinawakan niya ang aking kamay at mariing pinisil niya 'yon. "Totoo ang mga sinabi ko Glenn kaya minadali ko ang pag uwe ko dito para kausapin ka at maisagawa ang plano natin." "That's a good news Viena." at dahan dahan ang pagtanggal ko sa pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at isinuksok sa dalawang bulsa. "Pag usapan natin yan sa ibang araw Viena.Im sorry, Im in a hurry! Get out your car now." malamig kong sabi. "Okay fine, Im sorry for disturbing you." Tumalikod na ito at sumakay na siya sa kan'yang sasakyan. Sumakay ulit ako sa aking sasakyan at agad na pinaandar. Pinaharurot ko ng mabilis ito upang maabutan si Rose sa daan kung sakaling makita ko pa siya ngunit magdidilim na ang paligid ng hindi ko pa siya makita at mahanap. Nagdecide akong magpunta na lang doon sa hospital baka sakaling naroon lang siya. Narating ko din agad ang pakay ko at agad na hinanap ang room ng pasyente. Nalungkot ako ng makita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng ina ni Rose. Naalimpungatan naman ang kapatid ni Rose ng makita niyang may bagong dating sa kanilang kuwarto. Nagtaka siya at napatayo kung ano ang pakay ni Glenn kung bakit siya naririto. "Kuya, sino po kayo at ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Patty na sumunod kay Rose. "Where's Rose?" "Ah si ate po? Kanina pa po siya wala eh at hanggang ngayon po ay hindi pa po siya nakakabalik. Nag aalala na po ako sa ate kong 'yon halos magpakahirap na sa paghahanap ng pera para sa operasyon ni inay." "Okay, huwag ka ng mag alala at ako na ang bahala sa lahat." Lumaki ang dalawang mata ni Patty dahil may isang guwapong lalaking gustong tumulong sa inay niya kaya napatanong ito. "Kuya boyfriend ka ba ni ate?" "No! Im his friend," tipid kong sagot. Tumango siya at hindi maialis ang tingin niya sa akin. "Sayang naman po kung hindi ka boyfriend ni ate." Napangiti ako sa sinabi niya. "Bakit naman sayang?" Kunwaring tanong ko sa kanya. "Guwapo po kasi kayo kuya," hiya nitong sabi. Napatingin kaming dalawa sa gawi ng ina niyang nakahiga sa kama ng magsalita ito. "Patty, asan ang ate mo?" Tanong nito sabay ubo nito. Halos mahirapan na siya sa kan'yang kalagayan dahil sa sakit na kailangan malunasan agad. Lumapit kami sa kinaroroonan niya. Napatingin ang kan'yang ina sa akin at tila kinikilala niya ko. Napakunot ang noo nito, "sino siya Patty? Biglang tanong nito. "Kaibigan daw po siya ni ate inay, siya po si. "Glenn!" pagdudugtong ko. "Hinahanap niya po si ate kaso wala naman po siya rito." "Naku naman ang batang 'yon., wala ng tigil sa paghahanap ng pera. Sana ay hinayaan niyo na lang ako. Hindi din naman ako magtatagal dito sa mundo." "Nay huwag po kayong magsalita ng ganyan dahil mahal na mahal ka po namin. Gagawin po namin lahat para malunasan agad ang sakit niyo. Please po inay, magpakatatag po kayo alang ala po sa aming mga anak niyo." Napahigpit ang hawak ng kanyang ina sa kamay ni Patty. "Naawa na ko sa ate mo kahit na hindi natin siya_____" Napatigil ito sa pagsasalita saka niya din binatawan ang kamay ng kan'yang anak. Tahimik lamang si Glenn na nakikinig sa dalawa. Dahil si Rose lang naman ang pakay niya para iabot sa kan'ya ang halaga na kailangan nito para sa operasyon ng kanyang ina. "Nasaan na ba siya ang ate mo at saan na naman nagpupupunta 'yon?" Nagkatinginan kaming dalawa dahil ako ay hindi ko din alam kung saan ito nagpunta. Kasalanan ko ito kaya hanggang ngayon ay wala pa din siya. Kung hindi ko lang siya napagsabihan ng masakit na salita ay malamang na narito na siya at hindi na nag aalala pa ang kan'yang ina. Nagpaalam muna ko sa kanila at inasikaso ang kanilang billing na nagkakahalaga ng kulang kulang isang milyon. Ganoon na lamang kalaki ang halaga ng pera para sa agarang operasyon ng kan'yang ina. Walaang sa akin ang pera basta makatulong lang ako. "Tsk! napailing na lang ako ng ulo ng maalala ko noong una kaming magkita. "That girl! masyadong madada at maingay. Parang nakakain ng armalite sa sobrang ingay at makulit. Pasakay pa lang ako sa sasakyan ng tumunog ang aking phone. Sky's calling.... Agad ko itong sinagot. "What?" "Hey! what's up bro. Ngayon ka lang ata wala dito ha. Come here and lets enjoy the party. Maraming tao ngayon." Mula sa kabilang linya. "Why? Hindi ba kayo masaya na wala ako riyan?" "May bagong chicks dito bro and I think wala pa itong karanasan eh." "Tsk!" I dont mind her. and wait me there after thirty minutes." "Yun oh! basta bago ang bilis mo talaga." sabay halakhak nito. "Whatever!" Huli kong tugon saka ko siya pinatayan ng tawag. Kasalukuyan akong nagdadrive ng tumawag si dad sa aking phone. Naalala ko pala na may family dinner kami at alam kong magagalit na naman siya kapag hindi ako nakapunta sa mansion ng aking mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD