Rose POV
Umalis si Rose na dala dala ang pagkainis nito kay Glenn dahil sa tuwing humihingi ito ng tulong ay palagi na lang siya nitong pinapahiya ngunit malakas abg loob nito na susundan din siya nito. Pero iba ang iniisip niya sa katotohanan dahil hindi man lang siya sinundan na dati ay sinusundan naman siya.
Hindi kaya nagsawa na kaya siya sa akin na tulungan ako. Ay, kainis naman. Bakit pa kasi ako umalis agad kaninang tinawag niya ko. Kung hindi lang sana ako nagmatigas ay malamang na kasama ko na siya ngayon. Saan na ko kukuha ng pera niyan.
"Ay palaka!" gulat ko at muntik na kong mapasubsob sa daan ng may natapakan akong nakasuot na rubber shoes dahil sa pagmamadali kong maglakad. Napabaling ang tingin ko sa taong 'yon. Hindi ko siya makilala dahil nakasuot siya ng malaking sombrero sa ulo at nakashades pa ito. Napakunot ang noo ko dahil ang baduy ng kasuotan niya. Naalala ko tuloy ang baklang kaibigan ko na matagal ko ng hindi nakikita. Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na lang ako at nagtuloy sa paglalakad ng tawagin niya ko sa pangalan ko.
"Rose!" malumanay niyang sigaw at napalingon ako upang hanapin kung sino ang nagtawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung sino 'yon dahil may mga tao naman akong kasabayan sa paglalakad.
Hindi, guni guni ko lang 'yon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit sumigaw siyang muli.
Haay, ano ba yan! Nagmamadali ako pero may taong gusto akong lokohin, bahala ka diyan sa kakatawag mo, wala akong panahon na makipaglokohan ngayon, inis kong turan.
Malapit ng magdapit hapon ay wala pa akong nahahanap na pera. Sumakay ako sa nakaparadang jeep at isang pasahero na lang ay mapupuno na. Umandar ang jeep dahil sa isang pasaherong bagong dating. Puno na ang laman ng jeep halos magsiksikan na kami. Hindi ko alam kung sinong taong gustong makisiksik sa kinaupuan ko dahil nakatalikod ako. Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko dahil siya na naman yung taong kanina sa may daanan na nakatambay lang doon sa may poste ng ilaw. Inismaran ko siya dahil nababad trip akong makita siya at tumalikod na ko.
"Miss paabot ng pamasahe!" malambot nitong sabi mula sa katabi ko. Kinuha ko't inabot ang bayad din sa katabi ko. Lahat sila ay nakapag bayad na at ako na lang hindi pa. Kinuha ko ang coin purse ko at binuksan ko. Napamulagat na lang ako sa nakita ko.
Bente pesos na lang ang natitira. Kinabahan ako dahil kulang ng limang piso. Mukhang maglalakad na naman ako nito. Sapo ko ang ulo dahil sa sobrang stress ako ngayon.
"Kulang ba ang pamasahe mo?" Tanong ng katabi ko. Tumango ako dahil nahihiya akong humarap sa kan'ya.
"Ako na ang magbabayad ng pamasahe mo gurla!" Napakunot ang noo ko dahil parang kilala ko ang tawag na 'yon.
Masaya akong humarap sa kan'ya at nakita kong si Vivian ang kaibigan kong bakla dahil wala na itong suot na shades at malaking sombrero sa kan'yang ulo.
"Vivian!" Mangha kong sabi. Napahawak pa ko sa aking dbdib ng makita ko siya dahil sa nag iba na siya ngayon.
"Oo ako nga! Ikaw ha nakalimot ka na. Hmmm!!"
"Hindi ko naman kasi alam na ikaw pala 'yan. Ang laki na ng pinagbago mo eh."
Napayakap ako sa kan'ya dahil nakita ko muli ang kaibigan ko at namiss ko siya ng sobra. Siya ang matagal ko ng kaibigan na hindi ako pinabayaan at handang tulungan ako kapag ako ay may problema.
Naikwento ko na din sa kan'ya ang mga pinagdadaanan ko at handa siyang tulungan ako. Nagulat pa ito ng sabihin kong malaking halaga ang kakailanganin ko para sa operasyon ng aking inay. Alam kong hindi niya ko tunay na anak kahit hindi niya sabihin sa akin dahil iniisip niya na masasaktan lang ako. Pero ayos lang sa akin iyon kahit hindi niya ito sabihin sa akin kahit na sa ibang tao ko pa malaman kaya kami umalis kami sa dati naming tirahan. Pero napamahal na din ako sa kanila at sila ang tinuring kong tunay na pamilya.
Huminto ang sasakyang pampasaherong jeep sa tapat ng club dahil dito nagtatrabaho si Vivian at dito na din siya nakatira kaya pala wala na kong balita sa kan'ya ay umalis pala ito at nagpunta sa ibang bansa para makapagtrabaho. At heto siya ngayon, isa na din pala siyang may ari ng bar na ito.
"Oh yan dumito ka muna o kaya kung gusto mong magtrabaho ka na lang dito para makaipon ka ng isang milyon. Pero kaya mo bang pag ipunan 'yon? Baka matsugi na ang inay mo bago ka pa makaipon ng isang milyon." Mahabang sabi nito.
"Wala na bang ibang paraan para makaipon ako ng malaki, ha baks?"
"Naku wala na kong maisip na ibang paraan kundi ang..... Ay naku hindi pupwede sayo 'yon."
"Okay lang baks, basta makaipon ako ng malaking halaga alang ala lang sa inay ko." Napapikit ako ng mata, kahit labag sa loob ko na gawin ito.
"Kaya mo na bang gawin ang ganoong trabaho, ha gurla?" Napahawak sa aking braso si baks. Tumango ako at napayakap na lang sa kan'ya. "Sensya ka na ha, kung hindi lang ako nagpapagawa ng mansion ko ay pinahiraman na sana kita.
"Okay lang baks! para kay inay naman itong gagawin ko. Wala na kong choice eh, mahal ko si inay."
"Paano si Gavin? Alam niya na ba ito?"
"Makikipagbreak ako sa kan'ya baks, ano pa ba't kung itutuloy pa namin ang relasyon namin kung isa na kong maduming babae. Matatanggap pa ba niya ko kapag nalaman niyang ito ang magiging trabaho ko na isang bayarang babae?" Malungkot kng sabi.
"Hayaan mo at ako na ang bahalang magdagdag sa perang ipambabayad mo sa hospital." Napangiti ako sa sinabi ni baks dahil masasagot na ang problema ko.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa una kong trabaho. Naging waitress ako sa unang gabi at nakasuot ako ng isang unipormeng damit na bunny. Hindi ako komportable sa suot ko dahil sa kita ang pisngi ng aking dibdib. Maigsi din ang suot kong palda halos isang dangkal ng isang kamay ng lalaki. Pilit ko pa itong ibinababa dahil sa hindi pa ko sanay sa ganitong trabaho.
Unang gabi ko pa lang ay kinakabahan na ko dahil sa maraming mga tao ngayon at halos mga kalalakihan ang mga naririto.
Bawat unipormadong nakasuot sa sa amin ay may mga numero. Kung alin ang numerong nakalagay sa aming damit ay doon lang ang pagsisilbihan ko.
"Ang daya naman bakit mag isa lang ako doon baks, natatakot ako." Hawak ko ang isang tray na may lamang isang bucket na yelo at may isang boteng alak habang naglalakad patungo roon kung saan ako nakatoka.
"Tama lang yang gurla kasi kung dalawa kayo ay maghahati pa kayo ng kasama mo sa sasahurin mo. Sayang naman ang 5k sa isang gabi."
"Ganoon ba! Sige kakayanin ko ito, ipagdasal mo ko ha."
"Loka! Okay, go na kaya mo yan." Tumango na lang ako at tinunton ang VIP room 2 at iyon ang nakalagay na numero sa aking damit. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko ng nasa tapat na ko ng pintuan. Huminga ako ng malalim bago ko iyon buksan.
Pumasok ako na dala dala ang kaba sa aking dibdib. Mga apat na lalaki ang nakita ko pag bungad ko pa lang na halos mamuo na ng pawis ang aking noo. Nawala din ang aking kaba sa aking dibdib ng may pumasok na dalawang babae dito sa loob ng VIP room.
Akala ko ay mahihimatay na ko pero salamat na din at may mga babae akong makakasama. Nagpahinga muna ko sa may gilid ng mailapag ko na ang tray sa round table.
"A new bunny!" dinig kong pag uusap ng apat na lalaki. Ginagawa ko na lang panakip yung tray sa aking katawan upang takpan ang litaw ng pisngi ng aking dibdib dahil pakiramdam ko ay nahuhubaran ako sa paggawang paninitig nila sa akin.
"Hey! Tawag sa akin ng nakaputing polo. Guwapo siya at mestizo. Lumapit ako at tinanong ko siya.
"Yes sir, may ipag uutos po ba kayo?" Tanong ko na may ngiti sa labi.
"Nothing, can I invite you to join with us?"
"Ha?" Gulat ko, kunwaring hindi ko narinig. "Ano po ulit sir?" Pag uulit ko sa tanong ko dahil baka namali lang ang pagdinig ko.
"Kung puwede ka daw bang maki join rito miss bunny no.2," sabat naman ng isang lalaking nakagray shirt.
"You can sit here beside me. Kesa tumayo ka lang doon mag isa at mangalay ang dalawa mong binti sa kakatayo mo roon sa gilid."
"Ah okay lang po ako sir, huwag po kayong mag alala. Salamat na lang po sa offer niyo ngunit hindi po puwede," pagtatanggi ko "baka matanggal po kasi ako sa trabaho ko." Pagsisinungalung ko na lang.
"Naku naman, pakipot ka pa kahit gusto mo naman tumabi sa kan'ya," anas ng babaeng naka red halos luwa na ang dibdib nito.
"Will you stop Eunice, hindi ikaw ang kausap ko and don't interrupt our conversation. Did you understand," madiin nitong sabi.
"Oh! Im sorry Sky!"
Napatingin sa akin ang nag ngangalang Sky, "sit here!" turo niya sa ukopadong upuan at sumunod naman ako.
"What is your name?" Tanong niya na nakatingin lang sa akin.
"Ahm! Rose po," agad kong sagot.
"Oh, you have a nice name Bunny Rose..." Wika ng may blonde ang buhok lahat sila ay may itsura lalo na itong si Sky na mestizo.
"Exactly at bagay na bagay sa kan'ya, right?" Tanong ng isang singkit na parang may hawig sa artistang koreano. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin sa kanilang apat dahil lahat sila ay makalaglag panty. Napapalibutan ako ng mga guwapong nilalang at parang ayaw ko ng tumayo sa kinauupuan ko ngayon.
"Hey bunny Rose! You want to drink?" Tanong ng singkit.
"Dont offer her Mr. Morris! at baka hindi siya sanay sa mataas na lasa ng alak. If you want to offer her, give him a ladies drink." Nakikinig lamang ako sa usapan nila at kung papainumin man nila ako ay baka hindi ko na magawa ang trabaho ko.
"Umiinom ka ba Miss bunny Rose?" Tanong ni blonde.
"Umiinom po ako sir pero slight lang. Saka hindi po ako pwedeng uminom ngayon at baka hindi ko na po magawa ang trabaho ko. Okay na po ako dito na nakaupo, malaking bagay na po 'yon sa 'kin."
"Okay, inumin mo na lang ito pagkatapos mong magtrabaho." Wika ni Sky, ngumisi lang ang dalawang babae sa akin at inismaran pa nila ako.
Pumayag na lang sila sa gusto ko at hindi na nila ko pinilit pa. Pero mamaya na lang ako iinom pagka uwe ko dahil bayad na ang alak na treat sa akin ni Sky.