Chapter 7

1736 Words
"You want more?" Tanong ni Sky sa akin dahil ubos na ang laman ng aking kopita. "No sir, thanks na lang po. Okay na ko sa one shots," hiya kong tugon. Gusto ko pa sanang uminom kaso ay baka malasing ako agad at hindi na magawa pa ang trabaho ko. Tumayo ako upang kumuha ulit ng isang bucket ng yelo dahil ubos na ito. Nahilo pa ko ng konti pagkatayo ko. "Are you alright?" Alalang tanong ni Sky. "Yes sir ayos lang po ako. Sige po, ikukuha ko lang po kayo ng vodka." "Are you sure you' re alright?" Pag uulit niya sa tanong niya. "Huwag po kayo mag aalala sir, Im fine. See?" Tanong ko sa ayos ng pagkakatayo ko. "Okay! you may go now." Malumanay niyang utos. Umalis na ko na dinig ko pa ang sabi ng dalawang babae na maarte daw ako. Inggit lang sila dahil sa akin ang atention ng apat na lalaki imbes na sila. Alam ko naman sa sarili ko na mas maganda ako sa kanila. Hindi naman talaga ako sanay na uminom, nagkataon lang na napapasubo ako sa pag inom kapag may problema ako at firsf time kong uminom nung time na mawalan ako ng trabaho. Lumabas ako ng room upang kumuha ulit ng maiinom nila. Pababa na sana ako ng may humipo sa aking pang upo. Nagulat ako sa paggawa niyang 'yon. Galit akong lumingon sa kan'ya at pinamewangan ko ito. Naningkit ang aking mga mata habang siya ay nakangisi lang ito sa akin. Isang lalaking matangkad at medyo may pagkahaba ang buhok at may itsura din siya. "Bakit mo ginawa 'yon?!" Inis kong sabi. "Oh, Im sorry! Hindi ko sinasadyang dumapo ang palad ko diyan," turo niya. "A new bunny," seryosong sabi niya. Natakot ako ng yumuko ito dahil matangkad siya. "You're so cute!" Bulong nito sa aking tenga. Nanindig ang mga balahibo ko ng dumapo ang kan'yang hininga sa aking balat. Tila may kung anong binabalak ito sa akin kaya ako na lang ang umiwas. Ayaw kong maging bastos sa customer kaya hinayaan ko na lang ang kan'yang ginawa. Nagpaalam pa ko sa kan'ya ngunit hinawakan niya ang isa kong palad. "Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko sa aking kamay ngunit mahigpit niya lang hinawakan ito. Pilit niya kong dinadala sa may dulong bahagi ng pasilyo sa may bandang kadiliman. Natatakot ako sa kung anuman ang binabalak niya. "Rose!" Napalingon kaming dalawa sa bagong dating. Nagulat ako ng si Glenn ang nagtawag sa pangalan ko. Tila nawala ng kaba sa aking dibdib ng narito na siya. Pero iba naman ang kabang pumalit sa nararamdan ko ngayon kundi mas lalo lang lumakas ang pitik ng aking puso pagkakita ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya naririto. Sinusundan kaya niya ko, tanong ng isip ko. "Let her go!" Madiin nitong sabi. Agad din akong binitawan ng lalaking estranghero at tumakbo palayo sa kan'ya. Hindi ko na pinansin pa si Glenn pero kita ng gilid ng aking mata na nakatingin lang ito sa akin at nagtuloy tuloy lang sa pagbaba ng hagdan. Patuloy pa din ang malakas na kabog ng aking dibdib at ewan ko kung bakit ganito na lang ang pakiramdam ko na para bang may kakaiba akong nadarama. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay siya ang superhero ko ngayong gabi dahil naligtas ako sa kapahamakan. Iyon lang 'yun dahil walang masamang nangyari sa akin at hindi natuloy ang binabalak ng lalaking estranghero na gawin sa skin ang masamang binabalak nito. "Anyare sayo at para kang hinabol ng sandamakmak na kabayo?" Tanong ni baks ng makarating ako sa counter bar. "Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari sa 'kin baks." "Ang alin ba ang tinutukoy mo gurla? Na halos mga guwapo ang naroon sa room 2?" "Napakunot ako ng noo. "Hindi 'yun baks. Muntik na kong gahasain yung manyak na lalaking long hair. Mabuti na lang dumating si Glenn." "OMG! si Glenn ba kamo," namilog ang mga mata ni baks. "nandito siya?" Masaya nitong tanong.. Oh maygad," with acting kilig much si baks. "Yung crush ko." Tili pa niya. "CRUSH??" Paindayog kong sabi. "Hindi mo ba alam na playboy yung bilyonaryo na 'yon." "Weh! hindi nga." Pagsingit ko. "Totoo nga, kaya nga ang daming babaeng nahuhumaling sa kan'ya eh at isa na ko dun sa mga babae na 'yon, atsaka ang daks pa niya." Landing sabi pa niya. "Anong daks ba yang sinasabi mo? Pato ba 'yon?" Takang tanong ko. "Hmmmmpff.... ewan ko sayo basta ang daks niya gurla." Halos napapatingin na din ang mga tao sa kan'ya dahil sa landing pagsasalita nito. "Bahala ka din diyan basta ang alam ko ay pato 'yon." Pamimilit ko sa kan'ya at iniwan na lang ako ni baks rito't inaantay ang laman ng tray na hawak ko kanina. Grabeng baklang 'yon, siya ba talaga ang may ari ng bar na ito, tanong ko sa sarili ko. Nakahanda na ang mga idadala ko sa room 2 at paakyat na ko papunta roon. Nakasalubong ko pa ang lalaking estranghero sa may pasilyo at may kausap ito sa kan'yang telepono. May pasa na din siya sa kanyang pisngi at putok ang labi nito na kanina ay wala naman. Mabagsik ang kan'yang mga mata ng makita ko siya at parang may masama na naman itong balak sa akin. Nagderi deritso lang ako sa paglalakad papuntang room 2 dahil dinaanan ko pa ang room 1 at mabuti na lang ay lumabas si Kate roon sa dinaanan ko kaya't ligtas na naman ako sa kapahamakan. Kumabog muli ang dibdib ko ng nasa tapat na naman ako ng pintuan ng room 2. Inayos ko muna ang laylayan ng aking maigsing palda bago pumasok. Medyo dumilim na ang paligid dahil sa dim light lang ang naka on rito. Dire diretso lang ako sa paglalakad at nang matunton ko na ang mesa ay dahan dahan kong inilapag ang tray. Isa isa kong inilapag ang bote ng alak sa kanila bawat tao. Kusa na lang akong napatingin sa panghuli ng ilapag ko na ang bote ng kan'yang alak. "Glenn!" bulalas ko. Kunot ang kan'yang noo ng makita ko siya. Napa diretso ang tayo ko at tila nahiya pa ko ng magkita kami rito. "Magkakilala kayo?" Tanong ni Mr. Morris. Hindi umiimik si Glenn at parang galit ito sa akin dahil sa masamang paninitig niya sa akin. "She's my one!" Nagtama ang mga mata naming dalawa pagkasabi niya 'yon. "Wtf!!! Ang bilis mo naman, ibang klase ka talaga bro." Wika ni Blonde hair. "Ikaw na ang the best playboy award!" Sabat naman ni Tyler ang lalaking tahimik mula pa kanina. Pinalakpakan pa nila si Glenn. Lumayo ako mula sa kanila dahil pinagpyepyestahan na naman kami. Hinayaan ko na lang silang mag usap usap habang ako ay nakatayo lang sa gilid. Mahigit isang oras na kong nakatayo at nangangalay na ang aking binti. Medyo inaantok na din ako dahil sa past twelve na. Tumingin sila sa gawi ng pintuan at pati din ako ay napatingin din dahil sa may bagong dating na dalawang babae. Ang isa ay dumiretso kay Sky at yung isa naman ay umupo sa kandungan ni Glenn. Hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa kan'ya dahil sa naglampungan na sila agad. "Ohhh relax Glenn, baka dito mo maiputok yan," biro ni Tyler. "Don't mind me, f*****g ashole!" Galit na sabi ni Glenn. Siniko siya ni Sky dahil mainit ata ang ulo ni Glenn. Tumayo naman si Morris at sa akin ito nakatingin. Tinawag niya ko upang maupo sa kan'yang tabi dahil wala itong partner na babae. Lumapit ako sa kan'ya at naupo sa tabi nito. Pero yung babae din ni Glenn ang katabi ko. Nagulat na lang ako ng makipagpalitan ng upuan si Glenn sa kahalikan niya kanina kaya ang nangyari ay napagitnaan ako ni Morris at ni Glenn. Ang luwang naman ng space ng upuan at bakit para atang sumikip ngayon. Hindi ako makakilos ng maayos dahil para akong isang lumpia na binalot sa loob nito. "Are you okay?" Tanong sa akin ni Morris dahil ramdam din niya ang paninikip ng espasyo ng upuan namin. "Okay lang po ako sir!" "Do you like to taste this?" Turo niya sa alak. "No sir but I want to try." Binigyan niya ko ng kalahating may lamang alak sa kopita. Agad ko naman 'yon ininom. Ahh!!!! ang pait! Hindi ko akalain na malakas ang tama ng alak na binigay niya sa akin, mukhang malalasing ako nito kahit ganon kadami lang ang nainom ko. "Anong lasa para sayo?" Tanong niya. "Sobrang pait eh!" "Gusto mo pa ba?" Inaabutan niya na naman ako ng kopita na may lamang alak kahit kalahati lang 'yon ay nakakalasing na. Kukunin ko na sana ng may umagaw sa kopita. "Huwag kang mag magaling na uminom kung hindi mo naman kaya ang sarili mo," inis nitong sabi. Napanganga ako sa tinuran ni Glenn. "Im sorry," napayuko na lang ako bigla. Dumapo naman ang kamay ni Morris sa aking balikat at hinagod hagod niya ito. "Its okay Rose, ganyan na talaga si Glenn. I think he likes you!" Bulong nito sa akin at naamoy ko pa ang kan'yang mabangong hininga kahit na amoy alak pa ito. Tumingin ako sa kan'ya. "Hindi ko siya type, ang sungit niya," sagot ko. Napangiti siya sa sagot ko. "Tama ka pero iba mag mahal ang Glenn na katulad niya. Kita naman ang ebidensiya." Turo niya kina Glenn at yung babaeng kahalikan niya. Hindi ako tumingin bagkus ay naiinis ako sa kan'ya. Habang nag uusap kaming dalawa ni Morris ay busy naman si Glenn sa kahalikan niyang babae. Kita ko pang nakahawak ang kamay ni Glenn sa hita ng babae. Napamulagat na lang ako ng tumingin pa sa akin si Glenn na tila ba sarap na sarap pa ito sa paglakbay ng kan'yang mga kamay sa iba't ibang parte ng katawan ng babae na halos umungol na siya sa sarap. Iniiwas ko ang tingin sa kanila at baka sabihin nitong gustong gusto ko ang panonood sa kanilang ginagawa. Tila ba nakaramdam ako ng pagka uhaw sa aking katawan kaya ininom ko na lang ang laman ng kopita. "Lets go babe!" dinig kong pag aya ng babae kay Glenn. Lasing na din ang mga iba pa at binalak na lang na umuwe na. Isa isang nagsitayuan ang mga ito at wala ng paapaalam pa ang mga magkakaibigan. Nang matapos na ang kasiyahan sa room 2 ay nakapagligpit na din ako ng mga kalat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD