Narinig niyang bumuntonghininga si Iren sa kabilang linya. "Susuko ka na niyan?" biglang tanong ng kanyan kaibigan. Bigla siyang natigilan. Hindi niya alam kung ano isasagot rito. Kaya ba niya bumitaw ng tuluyan? Iniisip pa lang niya matatapos na ang kanilang ugnayan ni Major Isagani ay para sinaksak ng libo-libong karayom ang kanyang puso. "Hindi mo kaya, at hindi kita masisi, dahil alam mo naman na niloloko lang siya ng babaeng iyon, kung asawa niya talaga iyon ng tunay ay malamang ako na mismo kumalakadkad sa iyo pero impostor lang naman iyon 'e, umuwi ka na lang mo na rito at huwag mo na masyado dibdibin ang mga nakita o nangyari ngayong araw. Ipahinga mo na, tapos ay mag-iisip tayo ng plano kung pano natin sabihin kay Major ang katotohanan na hindi ka lalabas na masama," mahaban

