"Ano gagawin ko, Iren?" hopeless na tanong niya. Dahil hindi talaga siya makapag-isip ng maayos ng mga sandaling iyon. Gustong-gusto na niya talaga sabihin kay Major ang totoo bago pa tuluyan malason ni Loisa ang utak nito. "Bakit hindi mo na tawagan?" suhestiyon ni Iren. Huminga siya ng malalim at kinuha ang kanyang cellphone para tawagan ang lalaki. “The number you have dialed is out of the coverage area. Please try again," agent ang sumagot. "Mukhang patay ang cellphone, sige puntahan mo na lang tapos dalhin mo ito," giit ni Iren na iprint na ang mga ebidensya nila na magpapatunay na niloloko lang ni Loisa si Major Isagani at nagpapanggap lang ito na asawa ng lalaki para makuha ito at masira sila. "Sige, salamat, Iren," aniya at mabilis na kinuha ang envelope at mabilis na umal

