Third Person's POV: "Ito ay araw ng pagkikitil ng buhay. Oras kung kailan mamatay ang mga mermoid na nakatira sa isang bahay." Mababakasan ang lungkot sa mukha ng matandang babae matapos sabihin ang katagang iyon. Samantalang si Einai naman ay napayukom na lang ng kamao. Dahan-dahan siyang napalingon muli sa may bintana at tiningnan ang katapat nilang bahay na ang oras ng pagkitil ay ala una ng hapon. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. 'Ito ba ang dark side ng mermoid island? Pero bakit nila ito ginagawa? Ang dugo ba na nilalagay nila sa mga bahay nila ay dugo ng kauri nila? Nakakaawa.' Sambit ng kaniyang isipan bago mapaharap muli sa lahat. "Bakit hindi kayo lumalaban?" Tanong niya na ikinailing na lang ng lima. "Hindi kami maaaring sumuway sa batas na nailagda na simula

