37

1302 Words

Nasasaktan ako habang nakikinig kay Drew. Ang hirap talagang magmahal ng taong may mahal ng iba. Kainis! Kung bakit ba naman kasi sa taong kailanman hindi ako kayang mahalin a ako nagmahal. Ang hirap talaga nang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung kailan ako magiging ganito. Nagpapakatanga sa lalaking alam kong hindi ako kayang mahalin. Kay Celine lang talaga umikot ang buong buhay ni Drew. Pati sa mga pangarap nito may puwang pa rin ito kahit matagal na itong wala. Durog na durog na ang puso ko ngayon habang pinagmamasadan siya at pinapakinggan. Parang pinipira-piraso ang puso ng mga sandaling yon. Puro na lang ba talaga sakit ang mararanasan ko kay Drew? Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong iiyak dahil sa kanya? Hindi ba puwedeng maging masaya naman ako? Kahit minsa lang sana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD