Bigla kong natutop ang bibig ko lalo na ng makita ko ang nakadikit sa wall ng kuwarto nito. "WILL YOU BE MY GF, ALLYCIA?" yon ang nakalagay dun. Para akong maiiyak ng mga oras na 'yon lalo na ng hawakan niya ang kamay ko at halikan 'yon saka lumuhod sa harap ko. Diyos ko po! Pinagtitripan ba niya ako? "Will you be my gf?" tanong nito. Seryosong-seryoso ang mukha nitp ng mga oras na 'yon. "Ano bang kalokohan 'to, Drew? " gulong -gulong tanong ko. Pinilit kong hilahin ang kamay ko pero ayaw niya 'yong bitawan. " Hindi ito kalokohan. I'm serious. Mahal kita, Allycia. Hindi mo pa ba nahahalata 'yon?" pagtatapat nito. Napaawang ang mga labi ko sa narinig ko. Bigla akong naiyak. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi. Ako mahal ni Drew? Napakaimposible 'yon ,eh! "Minsan na akong n

