“NAG-USAP na tayo tungkol diyan di ba? Bakit ngayon ipinagpipilitan mo pa rin ang gusto mo?” ani Drew sa akin. Naiinis siya sa akin ng mga oras na ‘yon. Sinabi ko kasi sa kanyang gusto ko pa ring bumalik sa Amerika at doon pa rin ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Pero ayaw niya akong payagan. Magiging mahirap daw ‘yon pareho sa amin kung sakali. Isa pa ayaw niya talaga akong malayo sa kanya. Parang takot ito. Kahit may tiwala siya sa akin marami pa rin daw ang puwedeng mangyari kapag nagkalayo kami. Hindi ko tuloy alam kung paano siya mapapayag. Nahihirapan talaga akong kumbinsihin siya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Nasa bahay nila kami nang mga sandaling ‘yon. Dinalaw ko siya at aayain sanang kumain sa labas pero nung sinabi ko ang desisyon kung bumalik ng Amerika bigla ito

