Andito kami ngayon sa airport. Ilang oras na lang flight na namin papuntang Amerika. Hinihintay ko si Drew pero mukhang hindi ito darating. Hindi kami nakapag-usap nitong nakaraaang araw dahil ayaw niya akong kausapin. Kapag tinatawagan ko siya pinapatayan niya lang ako. Kapag naman pinupuntahan ko siya sa kanila di niya ako nilalabas. Masama ang loob nito dahil sa naging desisyon ko. Pero anong magagawa ko. Ang iniisip ko lang naman ‘yong future namin. Hindi lang ito para sa akin. Mahirap ito para sa aming dalawa pero wala kaming choice kundi magtiis na lang talaga. Kaya lang ang bigat ng loob kung aalis. Hindi ko man lang siya kasi makikita, eh. Tinext ko siya kagabi about sa oras ng flight namin pero ewan ko kung binasa niya. Saka sinabihan ko din si Tita. Kahit malabong puntahan niya

