Tulad nga ng inaasahan ko, natuloy akong umuwi ng Pilipinas. Kasama ko si Daphne, ang manager ko at ilang staff. Medyo may kabang hindi maipaliwanag sa dibdib ko. Pero it’s okay, hindi naman kami magtatagal, e. More than 2 weeks lang kami. After nung una kong project ay kailangan muna naming maghintay ng isang linggo pa para dun sa schedule ng pangalawa. Magkaibang clothing company kasi. Pareho kung i-e-endorse ang mga products nila. Mga photoshoots at siguro magsho-shoot pa ng mga short videos. Pero hindi ko pa alam kung anong naka-schedule na gagawin kaya hinayin ko na lang din. Actually, gusto nga din sanang sumama nila Mama pero nung malaman nilang saglit lang naman kami ay nagbago ang isip nila. Saka wala naman talaga akong balak magtagal. This place is not for me! Kinailangan ko pa

