“NAGSIMULA na ba ,sis?” tanong ko kay Daphne habang abala ito sa pagme-make up at pag-aayos sa akin. “Hindi pa. Pero malapit na yatang magsimula,”sagot ni Daphne na bahagyang tumingin sa akin bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Paris Fashion Week kasi ngayon at swerteng naimbitahan ako para sa runway show. Ito ang unang pagkakataon na nakasama ako sa ganito kalaking event kaya talagang sobrang saya ko. Bibihira kasi ang ganitong pagkakataon at opportunity. Celine, Dior at Chanel ang ilan lamang sa mga famous brand na kasama ngayon sa Fashion Week na ito. First exposure ko ito outside US kaya naman talagang sobrang excited ako. Hindi ko nga akalaing kasama ako sa mga model na rarampa ngayon sa prestigious event na ito. “Kinakabahan ako, sis,” hindi ko maiwasang sabi sa kanya. Kanina ko pa t

